CHAPTER 8

1309 Words
JOSHUA BENITEZ Hindi ako umuwi ng bahay namin, ayaw ko munang makita si Carla. ngayon lang ako naging masaya ng ganito, ayaw kong masira dahil kay Carla. "Gov, aga mo magising ah? Ano ba nakain mo at dito tayo umuwi ngayon? Hindi ka ba papasok sa kapitolyo? Tanong ni Dan, papalapit siya sa akin at may dala siyang dalawang tasa ng kape. Nandito kami ngayon sa may Farm ko, gusto ko lang magrelax kaya dito ako pumunta kagabi. "Saan ka naman nanggaling kagabi? Sino naman ang pinuntahan mo? Chix ba?" Natatawang sabi pa ni Dan. "Aminin mo Gov, timaan ka kay Liezel noh? Di naman siya alanga sayo, maganda siya, sexy at higit sa lahat mabait at balita ko hindi pa siya nagkaka boyfriend." Dagdag pa ng kaibigan ko na bodyguard ko pa. "Ang dami mong tanong, isa-isa lang mahina ang kalaban." natataa kong sabi sa kanya. "Eh, ano ba kasi ang totoo? May gusto ka ba sa kanya?" Pangunguilit niya sa akin. "Tulungan mo na lang akong alamin kung saan ang bahay niya." Sabi ko kay Dan. "Madali lang yan, saglit lang at tatawagan ko si Yham." Sagot sa akin ni Dan. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang kanyang telepono. Narinig ko na kausap niya na ang girlfriend niya. Pagkatapos nilang mag usap ay nakangiti na siyang humarap sa akin. "Alam ko na po Gov, kung saan nakatira si Liezel." nakangiti niyang sabi sa akin. "Bilisan mo maligo kana at pupuntahan natin siya, mag order kana ng bulaklak gusto ko yung malaki at ulam baka hindi pa siya kumakain." Utos ko kay Dan. Pagkatapos kong magkape ay pumasok na rin ako sa silid, dumiretso ako sa banyo para maligo. sariwa pa sa isip ko ang ginawang pagtanggi sa akin kagabi ni Liezel. Baka naman natakot ko siya kaya niya ako tinangihan kagabi. Isa lang ang alam ko, gusto ko siyang makilala ng lubusan. Pagtapos kong maligo ay nagbihis na rin agad ako. Bigla kong naalala na may pasok pala ngayon. Paano kung wala si Liezel sa bahay nila, nagmamadali akong lumabas ng silid ko. nakita ko si Dan na palabas na rin ng silid niya. "Dan, di ba may pasok ngayon? baka hindi natin maabutan si Liezel sa bahay nila?" medyo nag aalala kong sabi. "Gov, naisip ko na yan, tinanong ko na 'yan kay Yham, alas dyes pa daw ang pasok ni Liezel, alas syete pa lang kaya aabot tayo." natatawang sabi ni Dan. " Gov may lahi ka din bang intsik, umaga kung manligaw." Pang-aasar pa niya. "Naorder muna ba yung bulaklak saka yung pagkain na sinasabi ko?" "Opo Gov, inorder ko na kay Aling Sita, dadaanan na lang natin pag alin natin." Sagot ni Dan. Lumabas na kami ng bahay at inaya ko na siyang umalis. "Gov, ano nga pala ang plano mo sa birthday mo? Next month na yun?" Muling tanong ni Dan. "Dan, diretsuhin muba ako, ano pa ang gusto mong malaman tungkol sa akin?" Kunwaring seryoso kong sabi. "Curious lang naman ako, Gov, kung sino ang kumuha kay Liezel sa isang event next month at hindi kinuha ang mga kaibigan niya. Umamin ka na kasi, ikaw yun no?" hindi ko sinagot ang tanong ngumiti lang ako. ayaw kong sagutin dahil hindi naman kailangan. Nakarating kami sa Flower shop, isang malaking bouquet ng red and baby pink roses ang pinaorder ko kay Dan. Pagkakuha niya at pagkatapos naming bayaran ay umalis na kami para kuhain naman ang inorder namin na ulam. Karekare, Caldereta at boneless bangus ang sinabi ni Yhama na paborito raw ni Liezel. Bumili rin pala kami ng chocolate para sa kanya. "Gov, wala ka talagang gusto kay Liezel, kasi mahal muna siya. Sa dami nitong binili mo sa kanya, hindi halatang mahal muna siya. Sa wakas na love at first sight din ang pihikang puso ng aking kaibigang gobernador." Sabi ni Dan sa akin habang panay din ag ngisi niya sa akin. "Wala na akong masabi, sa sobrang pagkachismosa mo nauuna ka pang mag confirm ng nararamdaman ko kesa sa akin. Pero mukang mailap siya sa akin, hindi siya kagaya ng ibang babae na sila ang lumalpit sa akin." Pag amin ko kay Dan. "Iba si Liezel Gov, ang sabi nga ni Yham masyado daw siyang makaluma. Focus siya sa pag aaral niya, alam mo ba kung bakit sila napasama sa mga kinuha ng event organizer. Ipinasok sila nung other woman ni Gov. narciso ng Bulacan, nagkataong dito din yun nag aaral at sa iisang campus sila pumapasok. Kapos sa pera sila Liezel, kaya pumayag siyang mag serve kahit labag sa loob niya para lang makakuha ng pambayad sa school para makapag exam siya. Ayun ang kwento sa akin ng chismosa kong girlfriend." Sabi ni Dan. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa lugar kung saan ang bahay nila Liezel, hindi ako pwedeng magpakita sa kanya o mas tamang hindi ako pwedeng makita ng iba dahil magiging dahilan ito ng chismis kung sakali. Ayaw ko naman ilagay si Liezel sa malaking kahihiyan. "Dan, sino ang mag aabot ng mga yan kay liezel?" "Naisip ko na yan kanina pa, Gov. Papunta na dito ang kaibigan ko para siya ang uutusan kong magdeliver." Sagot ni Dan. Dumating ang kaibigan ni Dan, ibinigay na lahat ni dan sa kanya at tinuro na rin kung ano ang gagawin at sasabihin nito. naglakad na siya papunta kila Liezel, mula dito sa malayo ay tanaw na tanaw ko siya. napapangiti ako sa tuwing para siyang nakikipagtalo sa kaibigan ni Dan. "Gov, Kurap-kurap din, aba'y baka naman matunaw siya sa sobrang pagtitig mo. Ang ngiti mo Gov, parang sweet 16 lang neveer been kiss, never been touch but totally damage." halos mamatay na sa tawa si Dan sa pang aasar sa akin. Nakita ko na parang nag he-hesitate siyang tanggapin ang mga food tray na binibigay sa kanya. Matagal din na para silang nagtatalo ng kaibigan ni Dan. Pero sa huli ay Tinanggap niya ring lahat. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito gagawin, pero ngayon pa lang nararamdaman ko na makita ko lang siya ay sumasaya na ang puso ko. Kinuha ni Dan ang telepono niya at tinawagan ang kaibigan niya. "Kamusta bro? Salamat sa tulong," Sabi ni Dan sa kaibigan niya. "Gov, aalis na ba tayo?" Tanong niya sa akin. "Uwi muna tayo sa bahay para makapag bihis ako, marami akong kailangang tapusin sa kapitolyo. Kailangan pa nating pumunta ng Liliw para sa opening ng covered court na pinatayo natin doon gamit ang pondo ng sangguniang panlalawigan." Sabi ko kay Dan. Halos 30minutes din ang byahe namin, pagdating sa bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay. Bigla na lang akong sinalubong ng lumilipad na plato, mabuti na lang at naiwasan ko. "Ano bang problema mo Carla?" Sigaw kong sabi sa kanya. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" umiiyak niyang sigaw sa akin. "Nasan ka ba kagabi? Pinatawag ako ni Daddy dahil nagsumbong ang magaling mong mommy na hindi raw ako tumutulong sa mga Charity works ng mga asawa ng governor. Napag usapan na natin ito, Josh? Alam mo ba na dahil sa Mommy mo nag away kami ni Dave! Bakit kasi ayaw mo pang sabihin natin sa kanila ang totoo para matapos na lahat ng problema natin at ng makalayas na ako sa bahay na ito?" Galit na galit na sabi ni Carla. "Okay, calm down, I will set a dinner with our family at doon natin sasabihin ang tungkol sa status ng realsyon natin." Kalmado kong sabi. Sa ilang taong pagsasama namin na parang walang katahimikan ngayon na ako nagdesisyon na sabihin na ang totoo sa pamilya namin. Bahala na kung ano ang magiging resulta. Bahala na kung itakwil ako ng mga magulang ko. Ngayon nahanap ko na ang babaeng gusto ko, kahit wala pang kasiguraduhan ay susugal ako. Susugal ako kahit sa bandang huli ay pwede akong matalo....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD