bc

Governor Hidden Mistress

book_age18+
42
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
opposites attract
brave
police
heir/heiress
drama
sweet
bxb
gxg
lighthearted
office/work place
war
like
intro-logo
Blurb

Si Liezel, isang dalagang simple, masayahin at may kakaibang kagandahan, ngunit biglang nabalot ng kalungkutan nang maaksidente ang kanyang mahal na ama at mapilitang ipasok sa ospital na walang sapat na pera para sa maipagamot ito. Sa kanyang pagmamakaawa sa lahat ng kanilang kamag-anak at kakilala, walang sinumang handang tumulong—maliban sa isang makapangyarihang gobernador na may lihim na pagnanasa sa kanya. Sa gitna ng kanyang desperasyon, tinanggap niya ang alok na maging kerida nito: kapalit ng lahat ng gastos para sa paggamot ng kanyang ama, pati na rin ang marangyang buhay na kailanman ay hindi niya naranasan.

Joshua Benitez, isang matipuno at gwapong gobernador ng Laguna. Na nahumaling sa isang simpleng dalaga na malayo agwat kanilang buhay. Sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa, kailanman ay hindi siya naging masaya sa piling nito. Laging parang may kulang sa buhay niya, hanggang sa makita niya ang dalagang si Liezel. Kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataon ay inalok niya itong maging kanyang kerida.

Sa huli, haharapin ni Liezel ang pinakamalaking desisyon ng kanyang buhay: manatili sa relasyon nila ni Governor Benitez, o lumabas at harapin ang buhay namalaya at may lakas ng loob at tapang na hanapin ang kanyang sarili. Magtatagumpay kaya siyang makaahon mula sa kanyang kinasadlakn, o tuluyan siyang malulunod sa pagkakasala? Paano kung tuluyan siyang umibig kay Governor Benitez? Kaya niya kayang paglabanan ang kanyang damdamin kung sa bawat paglayo niya ay palaging sa kandungan pa rin ng gobernador ang bagsak n'ya. Handa niya bang ipagpalit ang katahimikan ng buhay na nais niya para sa isinisigaw ng kanyang puso? Ano ang pipiliin niya sa huli? PAG-IBIG O BUHAY NA MALAYA AT MALAYO SA GULO.

Ang kanyang kwento ay isang kuwento ng pag-ibig, pagdurusa, at pagbangon—isang paalala na ang pinakamahalagang bagay sa buhay ay hindi ang kayamanan o kapangyarihan, kundi ang kalayaan na maging tapat sa sarili at ang lakas na harapin ang anumang pagsubok na dumating.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LIEZEL DELA CRUZ Ako si Liezel isang second year Nursing Student, nagsisikap para balang araw ay yumaman kagaya ng iba kong pinsan na magaganda na ang buhay ngayon. Ang aking Papa ay isang taxi driver at ang Mama ko naman ay isang Teacher. Hindi kami mayaman, sapat lang para mapaaral kaming magkapatid ng aming magulang. Minsan sapat lang pero kadalasan kapos sa pera lalo na kapag sumasapit ang bayaran ng tuition fee. "Liezel, nakabayad ka na ba ng tuition natin?" tanong ni Aira na papalapit sa akin. "Wala pa nga, di pa nadating ang loan ni Mama. Baka mag promisory note na lang muna ako." sagot ko kay Aira. "Minsan naiisip ko ng tumigil sa hirap ng buhay at magtrabaho na lang. Kaso sabi ni mama, kapag tumigil ako lalong hindi ko maabot ang mga pangarap ko. Konting tiis lang daw at pasasaan ba at makakatapos din ako." "Naku, girl, parehas lang tayo, wala pa rin kaming pera pambayad. Baka hindi na ako makapag exam nito. Ang mahal pa naman ng tuition fee natin. Bakit ba kasi itong course pa ang napili ko? Ang hirap palang ilaban ng mga kagaya kong kapos sa pera." ani ni Aira, araw-araw puro mga hinaing lang namin sa buhay ang napag-uusapan namin dalawa. Kung gaano kahirap ang maging mahirap. "Halika na pumasok na tayo sa next subject natin, saka na tayo mag isip kapag tapos na ang subject sa logic and critical thinking." natatawa kong sabi kay Aira sabay hila para tumayo na siya sa upuan. Naglakad na kami papunta sa college building nasa 3rd floor ang room namin kaya mahaba habang akyatan din ang gagawin namin. "Liezel, alam mo ba ang kwento jan kay Kate?" biglang bulong sa akin ni Aira habang paakyat kami ng hagdan. "Mimosa ka din talaga, Aira. Ano ba yun? I-chika muna sa akin bilis." bulong ko rin sa kanya. "Kaya daw ganyan kabongga ang mga gamit niya, kasi may sugar daddy siyang pulitiko. At alam mo ba, suma-side bet pa daw yan sa afam." muling bulong ni Aira. "Naririnig ko na ang kwentong yun pero hindi ko pinapansin, para kasi sa akin choice niya naman yun at katawan niya yon. Kung ano man ang mga ginagawa niya ay karapatan niya yun. Hindi ko naman nino-normalize ang ginagawa niya, pero kasi may kanya-kanya tayong reason. Her body, her choice, kaya pabayaan na natin siya." sagot ko kay Aira. "Nakwento ko lang naman, ikaw naman masyado kang seryoso. Pero kung meron din naman mag aalok sa akin ng ganun baka patusin ko rin. Ganitong gipit ako at sa mahal ng tuition natin." nakangiting sagot sa akin ni Aira. "Kaya nga hindi natin siya dapat i-judge, bilisan muna jan at mala-late na tayo." hila ko na ang kamay niya at nagmamadali na kaming naglakad papunta sa room namin. "Miss Dela Cruz, you are 5 minutes late." baritong sabi ng aming propesor. "I'm sorry sir, hindi na po mauulit." nahihiya kong sagot. Ang kulit kasi ni Aira, kung nagmadali lang sana siya di hindi kami na late. Dami rin kasing chika sa akin, pati buhay ng iba naimarites niya na. "Lahat na ba nakapagbayad na sa billing ng mga tuition fee ninyo, ang lahat ng di makakapgbayad ay hindi makakapag take ng final exam. Settle all your dues before taking the exam. At hindi rin kayo mabibigyan ng final grade kapag may incomplete kayo sa mga subject ninyo. Kaya ngayon pa lang makipag usap na kayo sa ng Prof. ninyo kung alam ninyong incomplete pa kayo sa subject niya." sabi ng Professor namin. Napakahilamos na lang ako sa aking mukha, paktay na pag hindi ako pinag exam. Ang laki pa ng kulang namin sa tuition ko, paano ko kaya mababayaran. Nahihiya na akong magsabi sa magulang ko dahil alam kong kapos din talaga sila sa pera. Natapos na ang klase ko, palabas na ako ng campus ng makasalubong ko ang isa pa namin kaibigan na si Yham. "Liezel, pauwi ka na ba?" tanong ni Yham. "Oo, wala na akong klase kaya uuwi na ako." sagot ko. "Gusto mo bang sumama sa amin, may ipapakilala ako sayo." sabi ni Yham. "Next time na, problemado ako ngayon, kaya wala ako sa mood." sagot ko naman. "Muka ka ngang problemado, pero malay mo siya ang makatulong sayo sa problema mo." naging interesado ako sa sinabi ni Yham, parang nabuhayan ako ng loob. "Talaga ba? Mabibigyan niya ba ako ng trabaho?" tanong ko kay Yham. "Subukan mong itanong, malay mo mabigyan ka niya ng sideline. Ano G ka ba?" Saglit akong nag isip, maaga pa naman. Tatawagan ko na lang si Mama sakaling malate ako ng uwi. "Sige, sama ako, baka mabigyan niya ako ng trabaho. Makaipon man lang pambayad ko ng tuition ko sa lunes." sagot ko. Naglakad na kami papunta sa parking kung saan nandoon yung ipapakilala sa akin ni Yham. Pagkarating namin sa parking ay wala naman akong nakitang tao, kundi puro sasakyan lang. "Yham, nasaan na yung ipapakilala mo sa akin?" Tanong ko, pero imbes na sagutin ako ay binuksan niya ang pinto ng kotse at pinapasok ako. Nagulat ako ng makita ko ang isang babae na nakaupo sa driver seat, parang nakita ko na siya. Parang kilala ko siya. "Hello, ako nga pala si kate, 4th year nursing student din ako." nakangiti niyang sabi sa akin. Aw, siya yung ikini-kwento sa akin kanina ni Aira na ibinabahay daw ng isang pulitiko. "Hi!" kimi kong sagot. "Anong pangalan mo?" nakangiti niya pa ring sabi. "Liezel po, Liezel Dela Cruz." sagot ko. "Gusto mo bang sumama sa akin mag coffee? May iaalok kasi akong work sayo baka gusto mo lang. Don't worry sagot ko." sabi niya, nakita niya yata sa mga mata ko ang pag aatubili. Wala naman kasi akong pera para ipambayad sa coffee shop. "Ano pong klaseng work?" tanong ko. "Doon na lang natin pag usapan, kasama mo naman si Yham kaya hindi ka matatakot. Saka wag ka mag alala hindi ko kayo ipapahamak." Wika niya. Tumango lang ako senyales ng aking pag sang-ayon. Pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na kami sa vicinity ng school. Pag dating namin sa coffe shop ay nauna na siyang bumaba kasunod kami ni Yham. Kita ko sa mga gamit niya na lahat branded, at masyadong class ang kilos niya. Halata na marami siyang pera, at nabibili niya lahat ng gusto niya. Pagpasok namin sa coffe shop ay pumwesto kami sa bandang dulo na konti lang ang tao. "Anong gusto mo orderin , Liezel?" tanong niya sa akin. "Dark caramel coffee na lang sa akin," nahihiya kong sabi. Habang hinihintay namin ang order namin ay umupo na tami sa table namin. "Liezel, ako nga pala si Kate, ipakilalako lang ulit ang sarili ko. Siguro naririnig muna rin ang kwento tungkol sa akin. Totoo namn yun pero hindi ko ikinahihiya, dahil dito ako kumukuha ng pangtustos ko sa pag aaral ko sa lahat ng kailangan ko sa buhay. Aalukin lang kita ng trabaho, nakita ko na maganda ka at pasok ka sa hinahanap ko. Nakita kita kanina sa canteen kaya tinanong ko ang mga katabi ko kung kilala ka, sakto kaibigan mo pala si Yham kaya nakiusap ako sa kanya kung pwede ba kitang makilala." sabi sa akin ni Kate. "Ano pong trabaho, Ate?" "May event kasi ang mga governor officials sa isang hotel at nangangailangan ang organizer ng mga babae na mag seserve sa kanila. Malaki naman ang bayad at huwag kang mag alala dahil safe naman ang trabaho ninyo. Hindi ka nila mamanyakin dahil ang iba sa kanila ay kasama pa ang mga asawa nila." sabi sa akin ni Ate Kate. "Kailan po ba yan at anong oras po?" Muli kong tanong, parang gusto kong subukan. Kung mag seserve lang naman sa kanila parang wala naman akong nakikita na masama. "Bukas na kasi ang event at kulang pa kami ng 3, ayaw kasi ng organizer na staff ng hotel ang kukunin na mag seserve. Ano G ka ba?" Muli niyang tanong. "Magkano po ang sweldo ate?" "Malaki naman ang budget, sabi sa akin ng organizer na kausap ko ay nasa 10k daw ang allooted ng sweldo para sa mga mag sesrve. Makukuha niyo rin after ng work." napakurap-kurap ako dahil sa laki ng kikitain ko kung sakaling pumayag ako. "Ate, pwede ko rin bang isama yung isa naming kaibigan yung kasama ko po kanina sa canteen. Problemado din po kasi yun sa pera, malaki po ang maitutulong ng 10 thousand sa amin." tanong ko, gusto ko ring matulungan si Aira, pareho kasi kaming problemado sa pera kaya sana pumayag si ate Kate. "Okay sige, kung gusto niya tawagan mo ako para mailista ko na ag pangalan ninyo. Bukas susunduin ko kayo, para sabay-sabay na tayong pupunta ng venue." Pagkatapos namin mag usap ni Ate kate ay hinatid nila ako sa sakayan papunta sa amin. Doon na ako nagpababa sa sakayan ng tricycle, para akong nabunutan ng tinik. Kahit papaano meeron akong ibabayad sa school pag pasok ko sa monday. Konti na lang din ang idadagdag ni Mama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
310.7K
bc

Too Late for Regret

read
289.4K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
138.0K
bc

The Lost Pack

read
402.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
147.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook