CHAPTER 2

1495 Words
LIEZEL DELA CRUZ "Ma, may raket po ako ngayon kasama ko po ang mga kaklase ko, kinuha po kaming mag serve sa event ng mga gover sa isang hotel; baka po madaling araw na po ako makauwi. Huwag na po ninyo akong hintayin ihahatid naman po ako ng kasamahan namin na may kotse." paalam ko kay Mama. "Basta mag iingat ka anak, hindi na kita pipigilan. Malaki ka na at alam muna kung ano ang makabubuti para sayo. Malaki naman ang tiwala ko sayo anak." sabi sa akin ni mama. Lumabas na ako ng bahay at may usapan kami na magkikita sa parking lot ng school. Doon kami susunduin ni Ate Kate para pumunta doon sa hotel kung saan gaganapin ang event. Pagdating ko sa parking ay nakita ko na agad sila Yham at Aira, sila ang mga makakasama ko ngayon— ang team gipit. "Kanina pa ba kayo?" bungad na tanong ko sa dalawa kong kaibigan. "Kadarating ko lang din, on the way na daw si Ate Kate." sabi ni Yham. "Paano kung may magkagusto sa ating Politician? Susunggaban niyo ba? Hypothetical question lang?" tanong ni Aira. "Why not? Kung susuportahan niya ako hanggang makatapos ako, bakit naman hindi?" diretsang sagot ni Yham. "Ikaw Liezel, ano ang gagawin mo kung maymagkagusto sayong Politician at willing ibigay sayo lahat?" tanong ni Aira sa akin. "Hmm... Actually, hindi ko alam ang isasagot ko. Ayaw kong magsalita ng tapos gaya nga ng sinabi ko may kanya-kanya tayong reason kung bakit tayo pumapasok sa isang bagay. Ayaw kong mag sabi ng ayaw ko or hindi ako papatol, dahil hindi ko naman hawak ang bukas. Isa lang ang masasabi ko kung kaya mong panindigan, eh di gow!" sagot ko. Sasagot pa sana si Aira ng dumating na si Ate Kate. "Sorry ha, natrapik kasi ako, nagpaayos pa kasi ako. Alam niyo naman ang dakilang kabit ni gov kailangan always pretty." Nakangiting sabi niya sa amin, halina kayo at baka malate pa tayo sa event. Sumakay na kami sa sasakyan niya at halos isang oras din ang byahe namin dahil sa trapik. Pagdating namin sa hotel ay binigyan agad kami ng assistant coordinator nila ng mga uniform na isusuot namin may iba pang mga babae kaming kasama. Ang iba ay parang mga sanay na talaga. "Ito po ba ang susuotin namin?" napatanong ako dahil masyadong sexy ang damit na ibinigay sa amin. "Yes miss, hindi ka ba nasabihan ni Kate about this. You need to be sexy and beautiful sa harap ng mga yan." sagot sa akin ng bakla. "Ano isusuot niyo ba yan o mag iinarte pa kayo. Hindi kayo babayaran ng malaking halaga para magpacute dito. Pumunta sila dito para mag relax at mag unwind hindi para makakita ng mga pabebeng babae." inis na sabi sa akin ng bakla. "Psstt... Ano na? Magbihis na tayo, kaya natin to cleavage lang naman ang mababa isipin mo na lang na kasali tayo sa pageant at sila ang audience. Hindi naman siguro nila tayo mamanyakin." bulong sa akin ni Aira. "Oo nga naman, nandito na tayo kaya ilaban na natin ito. Para sa tuition fee, after nito hindi na naman natin sila makikita kay ipush muna." Pagkumbinsi din sa akin ni Yham. "Saka kasama mo kami, isipin mo ang TEAM GIPIT dapat walang maiiwan." nakangiti niya pang sabi sa akin. Huminga ako ng malalim, "para sa ekonomiya, lavarn" sabi ko sa isip ko. Pumasok na kami sa dressing room na nakalaan para sa amin at nagbihis isang miniskirt at may partner itong blouse na medyo labas ang cleavage. Nahahahiwg ang uniforn namin sa damit ni Sailor Moon. Cute naman siya di naman mukhang bastusin kasi medyo mahaba naman ang palda, sapat na para hindi makita ang aming mga kuyukot. "Ready girls, nagdadatingan na ang mga guest, kailangan niyo ng lumabas sa venue." muling sabi ng baklang organizer. Naghawak-hawak kami ng kamay na magkakaibigan. "Kaya natin to, para sa tuition fee," sabi ni Aira. "Girls, please lang, always wear your best smile, bukod sa mga pulitiko marami din sa mga guest natin ay mga Tycoon. Kaya lagi kyong maging magalang, don't worry walang hahawak sa inyo jan mag serve lang kayo ng alak nila kapag nanghingi sila. May mga waiters naman na mag seserve din ng food nila." muling sabi sa amin. "Good feedback lang dapat ang matatanggap natin sa kanila, bawal mag sungit para sa susunod tayo ulit ang kukuhain nila kapag may mga event silang gagawi. Naintindihan ba ninyo?" tanong sa amin ng Organizer. Nagsimula na kaming mag serve, kanya-kanya kami ng pwesto. Nagkahiwa-hiwalay na rin kaming nagkkaibigan. Napansin ko na parang exclusive lang ang event na ito, karamiran ay puro lalaki at may kasama lang silang kadate nila. Mostly puro mga bata, tingin ko hindi nila asawa dahil sa edad nila. "Miss, can I have a drink?" sabi sa akin ng isang medyo may katandaan na lalaki. Ngumiti lang ako at kumuha ng alak para sa kanya: isang hard drink para sa kanya at red wine naman para sa kasama niyang babae. Habang tumatakbo ang oras ay lalo pag nagdadatingan ang mga bisita, kita ang karangyaan sa mga suot nilang damit at nagkikinangan ang alahas ng mga kasama nilang mga babae. Kaya pala si Ate Kate ay ganun na rin kamamahal ang mga gamit niya. Nagpatuloy na ako sa aking trabaho, marami akong mga nakilalang pulitiko. Ang iba ay nabibigay ng calling card at ang iba naman ay nag aalok ng date. "Liezel, ang daming nagagandahan sayo. Gusto mo bang makipag date sa isa sa kanila?" tanong sa akin ng organizer ng Event. "Ma'am, pasensya na po, nakakahiya man po pero trabaho lang po kasi ang pinunta ko dito. Gusto ko lang po ng extra income, kung pwede po iba na lang po ang alukin nila." sagot ko sa organizer ng event. "Sige, ikaw ang bahala, sayang din sana ang ibibigay sayo. Date lang naman walang mawawala." sagot niya sa akin na halata ang pagkadismaya. Hindi ko na lang pinansin nagpatuloy ako sa aking pagtatrabaho. May napansin akong isang lalaki na kanina pa nakatingin sa akin. Wala siyang kasamang babae, mag isa lang siya na umiinom sa bandang dulo. Alam kong kanina pa siya nakatingin sa akin dahil sa tuwing magagawi sa kanya ang mga matako ay nakikita kong nakatingin ito sa akin. "Izel, napansin mo ba yung gwapong lalaki na nasa dulo? Kanina pa namin yun tinitignan ni Yham, parang kahit saan ka magpunta nakasunod sayo ang mata niya." Bulong sa akin ni Aira. "Mukang masama ang tama sayo ng isang yun, girl." Bulong din ni Yham. "Mukang solve na ang tuition fee mo, makakakuha kana ng sugar daddy mo." tumatawa pang dagdag ni Yham. "Infairness, di kana lugi sa kanya. Ang gwapo niya, makalaglag panty ang kagwapuhan niya. Mukang malaki at matigas din ang ano niya..." dagdag pa niyang sabi. "Ang bastos mo Yham, tigilan niyo na ako. Magtrabaho na tayo at baka di pa tayo dito mabayaran." sabi ko sa kanila. "Ikaw ang bastos, Izel. Muscle ang tinutukoy kong malaki at matigas, ikaw ang mahalay mag isip." sabi ni Yham sa akin sabay pa silang tumawa ng malakas ni Aira. Napangiti na lang ako dahil mukang tama naman sila. Habang lumalalim ang gabi ay pakonti na ng pakonti ang tao. Tumulong na rin kami sa pag liligpit at ng matapos na ay pumasok na kami sa dressing room para mag bihis. "Girls, lumpait kayo sa akin at ibibigay ko na ang sahod niyo." tawag sa amin ng organizer. Sampu kaming lahat na lumapit sa kanya. "Naging maganda ang event natin ngayong gabi at meron pang gustong mag booking sa atin para sa gaganapin na birthday party ng governor ng Laguna." masayang balita sa amin ng organizer. "Ang malungkot na balita ay lima lang sa inyo ang kukunin na mag seserve." muli niyang sabi. "Naku sana mapili tayo sayang din ang kikitain natin, paserve-serve lang kikita na tayo ng malaki." bulong ni Yham. "Oo nga, sana tatlo tayong mapili para naman may raket tayo." wika rin ni Aira. Isa-isa ng ibinigay ang sahod namin, agad ko naman na inilagay sa bag ang sobre saka ko ito isinara. "Liezel, pwede ka bang mag serve sa isang special event bukas? Ikaw ang request ng mag bibirthday." sabi sa akin ni Ma'am Elaine— siya ang organizer namin. "Hindi ko po ba pwedeng isama ang mga kaibigan ko?" "Ikaw lang kasi ang ni request pero hayaan mo kapag kailangan pa silang dalawa ang ipapasok ko. Intimate lang kasi ang birthday na yun kaya hindi kailangan ng maraming mag seserve." sagot niya sa akin. "Kailan po ba, Ma'am?" "Sa saturday pa naman kaya makakapagpahinga ka pa." muling sagot niya sa akin. "Ipapasundo na lang kita ng van sa inyo o kung saan mo gustong sunduin ka." Pumayag na ako, malaki rin ang kikitain ko tiyak na mababayaran ko na ang tuition fee ko at kung may kulang man kaya na siguro gawaan ng paraan. Wala naman sigurong masama sa ginagawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD