JOSHUA BENITEZ
"Iho, kailangan mong pakasalan si Carla; malaki ang maitutulong nila sa pamilya natin, lalo na kapag ikaw na ang tumakbo bilang gobernador dito sa Laguna," pakiusap sa akin ni Mommy.
"But Mom, I don't love Carla. I don't even know her personally," protesta ko kay Mommy.
"Ginagawa namin ito ng mommy mo para sa future mo. You need to marry Carla to gain more power, kapag ikaw na ang tatakbong governor. You need all the money and resources na ang pamilya lang ni Carla ang pwedeng magbigay sa'yo!" dumadagundong ang boses ni Daddy sa buong kabahayan.
"Dad, alam mo po ba ang sinasabi mo, kilala ang pamilya nila sa mga illegal na gawain. Kapag nadikit tayo sa pamilya nila pwedeng ikasira din natin yon." Sagot ko kay Daddy.
Isang malakas na suntok ang ibinigay sa akin ni Daddy.
"Sinverguenza, ang lakas ng loob mong pangaralan ako, ikaw na walang ginawa kundi ang makipagbarkada at maglustay ng pera!" galit na galit na sabi niya.
"Anak, pumayag ka na, wala na rin namang magagawa. Naitakda na ang inyong kasal ni Carla. Sa ayaw at sa gusto mo ay ikakasal kayo sa susunod na lingo." Sabi ni Mommy.
Wala na akong nagawa, sa bahay na ito ang bawat sabihin ni daddy ang siyang masusunod.
Sumapit ang kasal namin dalawa, isang magarbong kasal ang naganap na dinaluhan ng mga kilalang pulitiko at iba't ibang kilalang mga negosyante. Ang kasal namin ay pinag usapan sa mundo ng pulitika.
"Can i have your attention, please!" Napalingon kaming lahat kung saan naroon ang aking ama. "Kahit malayo pa ang eleksyon, gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na ako po ay hindi na muling tatakbo sa pagka gobernador dito sa ating bayan. Ang papalit po sa posisyon ko ay walang iba kundi ang aking anak na si Joshua Benitez. Ngayon pa lang hinihingi ko na ang inyong suporta para sa aking anak. Para sa isang 'Payapa at Progresibong Laguna'. "Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga bisita at malakas na sigawan.
"Joshua Benitez, para ating susunod na gobernador ng Laguna." Sigaw din ng Daddy ni Carla na si Don Fernado Montes.
Nagpaabot ng pagbati ang lahat ng bisitang dumalo sa aming kasal. Pagkatapos ng reception ay sa isang hotel muna kami tumuloy ni Carla.
"Magkalinawan lang tayo, hindi porket kasal na tayo ay aasikasuhin na kita. Alam mong may boyfriend ako at siya ang gusto kong mapangasawa. Hindi ko gusto ang kasal na ito, napilitan lang akong sundin si Daddy dahil sa lintik na kasunduan ng pamilya natin." Matapang na sabi ni Carla.
"Akala mo ba masaya din ako dito, hindi ko rin ito gusto. Huwag mo akong pakikilaman at hindi rin kita pakikialaman. Kapag nandyan ang magulang natin kailangan mong maging asawa ko. Kailangan mo akong suportahan sa pagtakbo ko bilang governor at huwag kang gagawa ng isang bagay na ikakasira ng pangalan ko. Hindi kitaa pagbabawalan makipagkita sa boyfriend mo pero huwag na huwag mo kayong magpapakita in public." mariin ko ring sabi sa kanya.
Namuhay kami ni Carla bilang mag asawa sa iisang bubong na walang pagmamahal. Tanging ang kagustuhan lang ng aming mga magulang ang pinagbigyan namin.
Araw-araw ng buhay namin bilang mag asawa ay puro sumbatan at pag aaway sa loob ng bahay. Pero kapag lumalabas kami ay para kaming isang masayang mag asawa. Ang pag sasama namin ay parang napaka perpekto sa paningin ng mga tao. Natuto kaming magpanggap na mahal namin ang isa't isa kapag mayroong nakakakita sa amin at kapag umaattend kami ng gatherings ng aming pamilya.
-------------------------------------->
"Joshua, iho, malapit na ang eleksyon, next week kailangan mo ng mag file ng Certificate of candidacy mo. Kailangan nating paghandaan ang kanditarura mo. Nagsabi na ang father in law mo na popondohan ang kampanya mo kaya wala ka ng iisipin. Sigurado na ang pagkapanalo mo." Sabi sa akin ni Daddy.
"Iha, may isang taon na rin kayong mag-asawa ng anak ko, hindi pa rin ba ninyo kami bibigyan ng apo?" tanong ni Mommy kay Carla.
"Mom, hindi naman po kami nagmamadali, we just enjoying the moment na kami lang munang dalawa. Siguro kapag handa na si Carla at alam na namin na kaya na namin dalawang mag alaga ng anak namin; doon na lang siguro namin pagpaplanuhan." Ako na ang sumagot sa tanong ni Mommy, baka magkamali pa ng sagot si Carla dahil medyo nakainom na siya.
Hindi na kami nagtagal, lasing na si Carla at nagiging madaldal na rin siya. Nagpaalam na ako sa mga magulang ko na iuuwi ko na ang asawa ko.
"Mom, we need to go, lasing na si Carla." Sabi ko kay mommy.
"Okay iho, mabuti pa nga para makapagpahinga na rin siya." Ani naman ni Mommy.
Inakay ko na si Carla papunta sa sasakyan at isinakay ko na siya. Pagkatapos kong ikabit ang seatbelt niya ay saka ako umikot para sumakay naman si driver seat. Agad kong pinaandar ang sasakyan para makauwi na kami agad.
"Bakit hindi mo pa sinabi ang totoo sa kanila? Gusto ko ng makawala sa kasal na ito. Gusto ko ng maging malaya, pagod na akong magpanggap." Galit niyang sabi sa akin.
"Sige gusto mong sabihin ang totoo, sabihin mo hindi kita pipigilan. Sabihin mo para itakwil ka ng pamilya mo!" sigaw ko rin sa kanya. "Akala mo ba gusto ko ito, akala mo ba masaya ako na kasama ka araw-araw. Napaka toxic mo Carla, gusto mong ipapatay ng daddy mo yang boyfriend mo? Sige aminin mo sa kanila ang totoo tungkol sa atin at sabay tayong itakwil ng pamilya natin. Para matapos na lahat ng ito!" galit kong sigaw sa kanya.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at lumabas ako ng bahay. Pag sakay ko sa kotse ay agad kong tinawagan ang dalawa kong kaibigan.
"Where are you, bro?" tanong ko kay Rufus.
"Nandito pa sa office ko, nag away na naman kayo ng asawa mo?" balik tanong niya sa akin.
"Kailangan ko lang ng kausap, pwede ba kayo ni Julius? Kita tayo sa penthouse ko." Sabi ko kay Rufus.
"Bro, sa club na lang tayo magkita mas maaaliw ka doon. Maraming babae na magtatanggal ng stress mo." Sagot naman niya sa akin. "Doon tayo sa bar ni Inigo." muli niyang sabi.
"Okay sige, tawagan muna si Julius, I'm on my way." pagkasabi ko ay agad ko ng pinatay ang telepono. Malayo-layo rin ang byahe ko kaya binilisan ko na ang pag da-drive.
Alas 10 na ng makarating ako sa club ni Inigo. Pumasok ako sa entrance at puno na ang club ng mga parokyano.
"Sir, nasa 32rd floor VIP po ang mga kaibigan ninyo, pinapasabi po nila." sabi sa akin ng bouncer.
Tumingala ako at nakita ko nga sila at may nakakandong na mga babae sa dalawa kong kaibigan. Mabilis na akong naglakad papunta sa 3rd floor. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko nang pinapapak na nila ang dalawang babaeng ka table nila.
"Mabuti naman at dumating ka na? Kanina kapa namin hinihintay, may nakareserve na sayo." Nakangising sabi sa akin ni Rufus, ang isa sa mga kaibigan kong mahilig sa babae.
"Sinigurado ba ninyong malinis at walang sakit, safe bang gamitin ang mga yan?" tanong ko sa kanila.
"Bro, with BFAD approve tong mga 'to, hindi naman kami kukuha ng alanganin. Saka may dala kaming condom alam muna para iwas sa AIDS. Dapat kahit bumabayo, safety first pa rin tayo." tumatawang sabi ni Julius.
Pagkaupo ko pa lang ay bumukas na ang pinto at may pumasok na isang babae. Muka pa siyang bata, pero mukang marami na rin karanasan sa lalaki. Maigsi ang palda at halos labas na rin ang dibdib niya.
Pinaupo ko siya sa tabi ko at hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya sa akin.
"Bro, ano na naman ang problema niyo ng asawa mo? Bakit kasi hindi niyo pa totohanin ang relasyon ninyo? Anjan na yan eh, maganda naman ang asawa mo at mayaman. Ano pa ang gusto mo?" sabi ni Rufus.
"Bro, wala naman sa yaman, kung mag aasawa ako ang gusto ko yung mahal ko at ako ang nakauna. Si Carla hindi ang tipo niya ang gusto ko, maganda siya pero sa tagal na namin magkasama sa iisang bubong; doon ko naisip na hindi siya wife material. Nagsasama kami para sa benefits ng pareho naming pamilya." Sabi ko sa kaibigan ko.
"Mas magiging mahirap na sayong hiwalayan siya kapag nanalo ka ng Governor ng Laguna. Alam muna yung image mo bilang isang pulitiko dapat buo ang pamilya at nagmamahalan." Sabi ni Julius.
"Oo nga, paano kung isang araw makita mo yung babaeng hinahanap mo? Base sa description mo ang mga ganyang babae ay hindi papayag na maging isang kerida. Ano ang gagawin mo kapag dumating siya sa buhay mo?" Tanong ni Rufus na hindi ko pa kayang sagutin sa ngayon.