Bea Buencamino I'm sorry. I'm breaking up with you. I'm sorry. I'm breaking up with you. I'm sorry. I'm breaking up with you. I'm sorry. I'm breaking up with you. Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang huling sinabi ni Angelo. How could he do this to me? Hindi man lang niya ako pinag-explain. Isa-isa kong pinulot ang mga litratong nagkalat sa sahig. Matagal na kinunan ang mga ito no'ng panahong hindi ko pa siya nakilala. Simula nang naging kami ni Angelo pinutol ko na lahat ng koneksyon sa kanila at hindi na ako nakikipagkita sa sino mang lalaki. Bakit gano'n na lang kabilis niya akong binitawan? Hindi lang niya inisip ang tagal ng pinagsamahan namin. Nagtagis ang bagang ko sa huling litratong napulot ko. Walang hiyang Buknoy na 'yun. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng ba

