Tanya Davin Nandito ako school ng tatlo para sunduin sila. Hindi kasi sila masusundo ng daddy nila dahil marami siyang pasyente ngayon. "Mommy! Mommy!" Nangunot ang noo ko nang makitang umiiyak na tumatakbo papunta sa'kin sina Ice at Ixe kasama si Teacher Lyn at dalawang guwardiya. Bakit hindi nila kasama si Ize? Agad na yumakap sa'kin ang dalawa ng umiiyak pa rin. "Mommy, si Ize po." ani ni Ice. Biglang kumabog ang puso ko sa kaba. May nangyari ba sa bunso ko? Nasa'n siya? Binalingan ko ng tingin ang dalawang guwardiya. "Anong nangyari sa anak ko? Nasa'n siya?" "Miss Davin, may may mga kumuha po sa mga anak niyo kanina. Mabuti na lang po at nabawi ng mga guwardiya silang dalawa." ani ni Teacher Lyn. "Anong pasensiya? Anong mabuti? 'Yung anak ko. May sakit 'yun." Parang pinag

