Chapter 3

1031 Words
Tanya Davin Mahigit isang buwan na ang nakaraan nang binasted ko si Angelo at pagkatapos ng araw na 'yun bigla na lang siyang nagbago. "Besty, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" ani ni Liza. "Wala may iniisip lang." "Hulaan ko kung anong iniisip mo. Hmm. 'Yung nakita natin sa cr kanina, no?" Inikutan ko siya ng mata. Pakialam ko ba sa nakita namin sa kanina. Nakita lang naman namin si Angelo sa cr ng mga girls na may ka-make out sa loob ng isang cubicle. Hindi naman sa ngayon ko lang siyang may kahalikan. Ilang beses ko na bang nahuhuli si Angelo. Ngayon ko lang nakitang sa banyo nila ginagawa. Nakakadiri. "Besty, move on ka na. Hindi tayo makakausad n'yan." Natatawang aniya. "Ang dami mong alam. Ubusin mo na nga 'yang pagkain mo magre-review pa tayo." "Oy! Galit-galitan." aniya habang sinusundot ang tagiliran ko. "Kapag hindi ka tumigil iiwan kita." Sabay kaming napatakip ng tenga ni Liza at napalingon sa entrance ng cafeteria nang nagtitilian ang mga estudyante sa paligid. "Ang swerte nong babae nagkaroon siya ng boyfriend na katulad ni Gelo. Sana ako rin." Rinig kong ani ng isang babae na nasa harapan namin. "'Wag kang mangarap girl. Magaganda lang ang gini-girlfriend ni Gelo tulad ko." Segunda ng isa. "Gusto niyong sumali sa collection niya?" ani ng isang babae. "Ay! Ayos lang sa'kin, girl. Matikman ko lang ang langit kasama siya." ani nong una. "Tara na, Liza. Mag-aaral pa tayo." Dali-dali kong niligpit ang pinagkainan ko. "Sandali, besty uubusin ko muna itong spaghetti ko. Sayang, e. Ang mahal pa naman nito." "Bahala ka." Tumayo na ako at tinungo ang washing area. Kung saan ilalagay ang pinagkainan namin at 'yung crew na ang maghuhugas. -----***----- I took deep sigh ng maalala ko na naman ang nakita ko kanina sa parking lot na may kahalikan si Angelo na hindi na naman bago sa paningin ko. He saw me staring at them and kissing her like there's no tomorrow. "Besty, lalim ng iniisip natin, a. Kanina pa kita tinatawag." "Wala. Tara na." Inunahan ko na siyang lumabas ng classroom namin. "Besty, alam mo bang si Mikaela Cruz ang flavor of the week ngayon ni Angelo?" Yeah, I saw them. "Grabe! Pinagmamalaki pa niya talaga kanina sa klase namin. Akala naman ng babaeng higad na 'yun ikinaganda niya." "'Wag mo na lang pansinin. Nakakasira ng kagandahan mo 'yan." Lalaki na naman ang ulo ng babaeng to sa sinabi ko. "Bestfriend talaga kita dahil alam mo na maganda ako. At siyempre, maganda ka rin kaya nga magbest friend tayo. Hahaha." Ay ewan! "Sa totoo lang besty, naiinis ako r'yan kay Angelo. Akala ko pa naman matino 'yung lalaking 'yun pareho lang pala sila ng kaibigan niyang pumapapak ng higad." Tinutukoy na naman niya si Tristan. "Grrr! Ang sarap talagang bangasan ng kumag na 'yun. Bagay nga sila nong mukhang ispasol na babaeng 'yun." "Sino pa ba ang tinutukoy mo si Angelo o Tristan?" "Pareho. 'Wag na 'wag lang magku-krus ang mga landas namin lalo na 'yung Tristan na 'yun." "Hayaan mo na nga sila para kang timang d'yan at saka naaawa naku sa mineral bottle na minumurder mo." Napatingin naman siya sa hawak niyang bote at agad tinapon. Tingnan niyo kung saan-saan pa tinatapon 'yung basura, e, ang lapit lang naman ng basurahan. "Besty, mabuti pang mag-mall na lang tayo. Nakakawalang ganang pumasok, makikita ko lang 'yung mukhang higad na 'yun." "Ikaw na lang ayokong mag-ditch ng class ngayon may ipapasa akong thesis kay Prof. Larry. " Aba't idadamay pa akong mag-ditch ng class ng babaeng 'to. "Hindi na lang ako magka-cutting classes ngayon. Basta after ng class mag-mall tayo. Kailangan kong mag-unwind. Nakaka-stress ang araw na 'to lalo na't nand'yan na naman ang kumag na 'yan." Napatingin ako sa tinitingnan ni Liza at kita kong paparating ang masugid niyang manliligaw na may dalang pagkain galing sa jollibee. "Paano besty, una na ako. Enjoy your meal and always remember be happy." Bigla niyang hinawakan ang laylayan ng damit ko para pigilang umalis. Natatawang inalis ko ang kamay niyang nakakapit sa laylayan ng damit ko. "Tristan, pakihatid 'tong kaibigan ko sa classroom niya. Nagbabalak siyang mag-ditch kanina." Ningitian ko lang si Liza na masamang nakatitig sa'kin. -----***----- Angelo Cervantes It's been a month, since I've changed and I'm really enjoying it. Dating, flirting and kissing different girls everyday and every minute. I know I'm changed for the worst. But can you blame? Nagmahal lang ako at nasaktan. Pagkababa ko pa lang sa aking lamborghini agad may sumalubong sa akin na babae. "Good morning babe." Bati sa'kin ng aking flavor of the week sabay halik sa akin. Sakto namang pagkababa ni Tanya sa kanyang porche and she saw us. She stood up for a second and then she left. "Pare, 'yan ba ang flavor of the week mo? Mas maganda pa ata 'yung last week, a." ani ni Vince nang makasabay kami papuntang cafeteria. "Ang meannie mo naman, Vince. Mas maganda kaya ako dun, di ba babe?" "Oo naman babe. Mas maganda ka pa dun." At yan din ang palagi kong sagot sabay kiss sa cheeks niya. Napa-tss na lang si Vince at itinuon ang sarili sa pagkain. "Ano na pa lang nangyari kay Tristan? Matagal ko ng hindi nakikita 'yung gagong 'yun." Isang linggo ko ng hindi nakikita yung lalaking 'yun. "Aba! Malay ko dun. Busy ata sa panunuyo sa ex-girlfriend niya." ani ni Vince. "Bakit break na ba sila?" "Babe, the who ba ang tinutukoy niyo?" ani ni Mikaela. "I'm referring to our other friend, Tristan." "Ok. Babe, can you make me hatid in my class?" "Sure." "Thanks, Babe. I'm gonna make paalam muna to my friends." Hinalikan niya muna ako sa cheeks bago pumunta sa mga kaibigan niya. "Pare, nakakairita ang pagiging conyo ng babae mo. Hindi ka kaya maubusan ng dugo n'yan?" "Hayaan mo na pare malapit na rin naman siyang mag-expire." Mayamaya'y bumalik na si Mikaela. "Babe, let's go?" "Paano pare ihahatid ko muna itong girlfriend ko. Kita na lang tayo sa classroom." Nakita kong napailing na lamang si Vince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD