Chapter 4

1248 Words
Angelo Cervantes Agad akong sinalubong ng isang grupo ng kababaihan pagkapasok ko ng bar. "Easy there, ladies." Nang hatakin nila ako papunta sa mesa nila. This is life. Ang babae na ang lumalapit sa'kin. "Ladies, just for a moment. I'll be right back. Don't worry, we have the all night." Sa unang tingin ko pa lang sa kanila wala ni isa ang nakapasa sa panlasa ko. Pumayag naman sila. Pero bago ko sila napapayag pinasagot nila sa'kin ang unang round ng drinks nila. See, all they want is someone to pay their drinks. Sinagot ko na lang para bitawan nila ako. Pumunta ako sa bar counter at nag-order ng martini. "Here's your drinks, sir." Nilapag ng bartender sa harap ko ang martini. Kinuha ko naman 'yun at diretsang ininom. "Another, please." "Right away, sir." Napatingin ako sa dance floor habang hinihintay ang drinks ko. Mostly girls are dancing in the dance floor. They're swaying their hips while raising their hands up. Sino kaya rito ang pipiliin ko? "Tequila, please." I turn my gaze at my side when someone ask for a drink. Like her voice. Her voice is like music to my ear. As she's turn to my side. My heart skip a beat when our eyes met. I want her to be mine. "Staring is rude." aniya. "I'm sorry. I can't take my eyes for such a gorgeous lady in front of me. By the way, I'm Angelo. Gelo for short." Pakilala ko sabay lahad ng kamay ko sa harap niya. "Aya." aniya saka tinanggap ang kamay ko. "Here's your drinks, Ma'am." ani ng bartender sabay lapag ng drinks ni Aya. "Just add her drinks to my tab." ani ko sa bartender. "Thank you." ani ni Aya. -----***----- DKC's POV Buong gabing nag-inuman at nagkwentuhan ng kung ano-ano sina Angelo at Aya. "Kung hindi naman pala niya ako gusto sana no'ng una pa lang binasted na niya ako hindi 'yung pinaasa pa ako ng maraming taon." Hindi napigilang ikwento ni Angelo ang karanasan niya kay Aya. "Sa mga panahong 'yun hindi ka ba nanligaw o tumingin ng ibang babae? Sabi nila isa kang playboy." Maraming naririnig na sabi-sabi si Aya tungkol kay Angelo na isa itong certified heart breaker at linggo-linggo ito kung magpalit ng babae. Nilagok muna ni Angelo ang alak niya bago sinagot si Aya. "Alam mo Aya, hindi naman ako dating ganito. 'Yung sinasabi nilang babaero at kung magpalit ng babae ay parang nagpapalit lang ng damit." Mariing nakikinig lamang si Aya sa saloobin ni Angelo. "Isa akong matinong lalaki dati at kahit kailan hindi ako tumingin sa ibang babae habang nililigawan ko siya. Hindi man kapani-paniwala pero 'yun ang totoo." Tila nakaramdam ng guilty si Aya habang nakatitig kay Angelo na sunod-sunod na nilagok ang inumin nito. Biglang natawa si Angelo matapos ubusin ang alak niya at inilapag sa lamesa. "Bakit ko ba kinukwento sa'yo ang boring kong buhay." Nagulat si Angelo nang bigla siyang yakapin ni Aya. "I'm sorry." Mahinang ani ni Aya. Marahang inihiwalay ni Angelo si Aya sa kanya at tinitigan sa mata. May kung anong naramdaman si Angelo na hindi niya maipaliwanag nang matitigan ng mabuti ang mga mata ni Aya. Parang pamilyar sa kanya ang mga ito. At nang mapunta ang tingin ni Angelo sa mga labi no Aya. May kung anong nag-udyok sa kanya na halikan ito. Natigilan si Aya sa ginawa ni Angelo. Ngayon lang niya naranasan ang ganitong klaseng halik na parang may kung anong dumaloy sa ugat mo na nagpapainit ng buo mong katawan na kahit sa lalaking una niyang minahal ay hindi niya naranasan. Dala na rin ng kalasengan ay nakuha niyang tugunin ang halik ng lalaki. -----***----- Angelo Cervantes Ang sakit ng ulo ko. Unti-unti kong ibinuka ang mga mata ko at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang wala ako sa sarili kong kwarto. "Nasa'n ako?" Nilibot ko ng tingin ang kabuohan ng kwarta at nakita ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Inabot ang boxer short ko na nasa malapit at dali-daling sinuot ito. Isa-isa kong pinulot ang mga damit hanggang mapadako ang tingin ko sa kama. "Holy sh*t! Blood stains." Hindi ko napigilang makapagsalita ng masama nang makita ang dugo sa kama. At unti-unting naglabasan sa'king ala-ala sa mga nangyari kagabi. "I want to say sorry to her." Agad kong kinuha ang cellphone na nakita ko sa gilid ng kama ko. Ahh! Hindi ko pala nakuha ang number niya. Paano ko siya hahanapin ngayon? E, pangalan lang niya ang alam ko. Ngayon lang ako nakipag-s*x na hindi gumamit ng proteksyon. Paano ko mabuntis ko siya? -----***----- Tanya Davin Lunes na naman at kapag ganitong araw umaga pa lang dami kong gagawin. Pagkababa ko ng kotse agad kong tinungo ang cafeteria. Una, dahil hindi ako nakapag-almusal sa bahay at pangalawa trip kong kumain ng burger at fries na gawa ni Aling Marta, may-ari ng cafeteria. "Kaya pala rito ako dinala ng mga paa ko dahil nandito ka. Hindi ka ba nag-almusal sa inyo?" "Obvious ba? Kaya nga nandito." "Sorry naman. Kiaga-aga high blood agad. Siya nga pala, ipapabasa ko sa'yo itong ginawa kong proposal natin para sa nalalapit na intramurals." Inilapag niya sa harap ko ang isang folder. Sabay kaming napatakip ng tenga ni Liza nang biglang tumili ang katabi naming bakla. "Ang popogi talaga nila." ani nong bakla. Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino ang tinutukoy nito. "Himala wala atang kasamang babae ngayon si Ange-" Hindi natuloy ni Liza ang sasabihin niya ng may sumingit na babae. "Good morning, Love." Nag-angat ako ng ulo nang marinig ko ang boses ni Tristan at sakto namang hinalikan nito si Liza sa ulo. Kayo na ang sweet. Teka, kailan pa sila nagka-ayos. "Besty, I can explain." ani ni Liza. "Nah! You don't need to explain." Kilala ko ang likaw ng bituka ng babaeng 'to. Kahit ano pang advice ang ibigay ko sa kanya hindi naman din niya sinusunod. Ang sabi ko sa kanya 'wag munang patawarin agad si Tristan. Hayaan mo na itong patunayan na nagsisisi ito sa nagawa. E, itong kaibigan kong ito marupok. "I understand. At ikaw lalaki ka, oras na lokohin mo uli itong best friend ko pupu-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong yakapin ni Liza at sumisinghot-singhot pa. "Hoy! Bitawan mo nga ako. Hindi pa ako tapos sa pagbabanta ko rito sa boyfriend mo." "Masayang-masaya ako dahil kini-claimed mo na bestfriend mo ko." Kaya pala may pasinghot-singhot pa siyang nalalaman. Tear of joy. "Mag-best friend na rin pala tayo, Tanya dahil boyfriend ako ng best friend mong si Liza." -----***----- Angelo's POV As we entered in cafeteria tilian agad ng mga babae ang bumubungad sa amin. Nauna si Vince pumila sa counter para umorder ng pagkain. Si Tristan- Teka, nasa'n na ba ang lalaking 'yun? "At ikaw lalaki ka, oras na lokohin mo uli itong best friend ko pupu-" Agad nakuha ang atensyon ko sa babaeng nakatayo at nakatalikod sa gawi ko habang pinagbabantaan ang lalaki sa harap nito. Hindi ko makita ang itsura ng lalaki, nasasapawan siya ng babae. Tumayo ang lalaki at agad kong nakilala kung sino ito. Si Tristan. Bigla niyang niyakap ang babae. "Mag-best friend na rin pala tayo dahil boyfriend ako ng best friend mong si Liza, Tanya." Did he said her name? And did he hugged her earlier?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD