Tanya Davin "Ito binili ko ang mga paborito mo. Kumain ka ng marami nang gumaling ka agad." ani ko kay Gio habang hinahanda ang mga pagkaing dala ko. Maaga kong pinuntahan si Gio sa ospital kung saan siya naka-confine. Unting-unti ng nanghihina ang katawan ni Gio at kalbo na rin ito. Sa tuwing nakikita kong mapapahawak sa ulo niyang sumasakit parang sinaksak ako ng maraming beses. Gusto man ng utak ko na bitawan na siya pero hindi kaya ng puso ko. Umaasa pa rin ako na may himalang mangyayari kaya pilit kong pinatatag ang sarili ko para sa kanya dahil ayokong paghinaan siya ng loob. "Love, kumusta ang family bonding niyo kahapon? Naging masaya ba ang tatlo?" "Yes, Love. Tuwang-tuwa sa pinagdalhan sa'min ni Angelo. Sabi nga ni Ice na pagkauwi mo raw ay pupunta tayo ro'n." Ang alam ng t

