Kabanata 11

1525 Words
“Pagod na ako,” reklamo ni Josh matapos magawa ang plates niya at sumandal sa upuan. Mahina akong tumawa at sumulyap sa gawa niya. Maayos naman. Sa totoo nga niyan, sa tingin ko mas maayos ang pagkakagawa ng kaniya kung ikukumpara sa gawa ko. Mas malinis tingnan. Sabagay, mas magaling siya sa mga ganito. Siya nga ang nagturo sa ’kin noong nagsisimula pa lang ako. Mas madali ka siyang matuto kung ikukumpara sa ’kin. “Sana lahat tapos na,” sabay tawa ko ulit at nagpatuloy sa ginagawa ko. Ngumuso naman siya at tumingin sa ’kin. “Gusto mong tulungan kita?” tanong niya na agad ko ring tinanggihan. “Kaya ko naman,” sagot ko. Sa tingin ko kasi, kung patuloy akong aasa sa kaniya, mas lalo lang akong mahihirapan. Mabait si Josh kaya lang, ayokong gamitin ang kabaitan niya sa pansariling interes. “Sabihan mo ako kapag 6 na. Kailangan ko pang maghanda para sa shooting ko mamaya” dagdag ko pa. Noong kasisimula ko pa lang sa kolehiyo, sinubukan ko ang modeling nang may mag-offer nun sa ’kin. Noong una, mahirap talaga pero nang masanay na, hindi na ako nahirapang ibalanse ang oras sa pag-aaral at sa pagmo-modeling. Extra income na rin. Hindi naman sa kulang ang perang ibinibigay ni papa, gusto ko lang talagang makahawak ng perang pinaghirapan ko mismo. “Wala namang pasok for 2 days, e. Bukas mo na ‘yan gawin at magpahinga ka muna para sa lakad mo mamaya,” aniya sa malamyos na boses. “Ayoko. Gusto ko bukas wala na akong problema dahil tutulong pa ako kay papa sa pangangampanya” Noong nakaraang taon, kinausap kami ni papa at sinabi niya saamin na pinal na ang desisyon niyang tumakbo sa pagiging gobernador. Suportado naman namin siya nina tita Dette at Dani. Ang sabi, mabibigat ang mga kalaban niya sa politika kaya gagawin ko ang makakaya ko para tulongan siya tutal marami rin naman akong kakilala. “Saan ba kayo bukas? Tutulong rin ako” Nakangiti ko siyang binalingan. “Sigurado ka?” “Oo,” mabilis niyang sagot at iritadong pinaypayan ang sarili. “Ang init! Diyan ka lang, kukunin ko ang electric fan namin” “Ginagamit ng mga magulang ano ka ba. Buksan mo na lang ang mga bintana o ‘di kaya’y maghubad ka na lang ng damit,” pigil ko sa kaniya nang akmang aalis siya mula sa pagkakaupo para kunin ang electric fan nila. Nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ang sarili. “No! Makikita mo ang precious abs ko!” maarte niyang sambit. Pagak akong tumawa. Kung ano-ano talagang kalokohan ang naiisip nito. “As if naman ngayon ko lang makikita ‘yang katawan mo ano. Palagi mo kayang binabalandra ‘yan sa ’kin sa tuwing naliligo tayo sa dagat” Ngumuso siya at binaba ang mga kamay. Wala namang malisya ‘yun. Nasanay na rin akong kasa-kasama si Josh sa loob nang ilang taon. Kaya nga tambay na ako rito sa bahay nila, e. Tanggap din naman ako rito ng pamilya niya kaya ayos lang. “Fine,” pagmamaktol niya pa bago hinubad ang suot na t-shirt. “Ang init talaga! Free trial ba ‘to sa impyerno?” “Hulaan mo raw,” pang-aasar ko pa. Hindi ko mapigilan ang mapasulyap sa katawan niya. Napansin naman niya iyon kaya siya napangisi. “You want to touch it?” sabay kindat niya. Humalakhak ako at binato siya ng ruler. “Manahimik ka nga” “Sus! Sumusulyap ka nga, e!” “Bawal ba?” “Siyempre basta ikaw, hindi. Sulyap well, Ysabelle,” aniya sabay tawa. “Sumama ka kaya sa ’kin? Susubukan kong ilakad ka sa manager namin. Kahit papaano pasado naman ang katawan at itsura mo para maging model, e. Ikaw lang talaga ang maarte” Bahagya pa akong ngumisi. Pero walang halong biro, maganda ang katawan ni Josh. Maikukumpara na nga siya sa katawan ng mga kakilala ko ring modelo, e. “Compliment ba ‘yan?” nakasimangot niyang sambit. Tawa lamang ang isinagot ko. Alam kong ayaw niya sa pagmo-modeling. Matagal ko na siyang paulit-ulit na niyayaya ngunit pareho lang talaga ang sagot niya. Mahirap raw ang kurso namin at masyado siyang tamad para i-manage ang oras niya. Subalit alam ko ang tunay niyang rason kahit hindi niya sabihin. Tumutulong kasi siya sa maliit nilang negosyo at nahihirapan siyang magbalanse ng oras. “Malapit na mag 6. Ako na nga riyan, maghanda ka na at kumain. May niluto na naman ako, tingnan mo na lang sa mesa,” saad niya at marahan akong hinila patayo para siya ang pumalit. Ngumuso ako at naglakad para kunin ang gamit ko sa bag. “Makikiligo ulit ako ha?” “Kahit ubosin mo pa ang tubig namin!” pasigaw naman niyang sagot. Napailing na lamang ako at tinungo ang banyo nila bitbit ang gamit na kinuha ko sa loob ng bag. Binuksan ko ang faucet at hinayaan ang tubig na bumagsak sa nakahandang balde. Malamig ang tubig nila rito, walang pagpipilian pero hindi naman ako nagrereklamo. Sa katunayan, mas gusto ko ang tubig nila. Sinimulan ko na ang pagligo ngunit sa bawat buhos ko ng tubig saaking ulo at katawan ay bumabalik sa ’kin ang alaala namin ni Fourth noong tinuruan niya akong lumangoy. Kumusta na kaya siya? Masaya kaya siya sa Maynila? Kailan kaya siya babalik? Iniling ko ang ulo para maiwala ang nasa isip. Siyempre masaya ‘yun sa Maynila, doon siya nakatira, e. Naroon ang buhay niya. Ang ipinagawa nilang mall dito ay unti-unti nang nabubuo. Nadadaanan kasi namin ni minsan ang pinili niyang lugar. Ilang buwan na lang siguro ang bibilangin bago ‘yun tuluyang mabuo. Desidido akong kalimutan siya at ang nararamdaman ko para sa kaniya matapos ang gabing iyon. Hindi ko kailanman kinalimutan ang mga sinabi at ginawa ‘yung dahilan para tuluyan siyang maiwaglit sa isipan ko. May mga pagkakataon na epektibo naman ngunit may mga pagkakataon din na hindi. Bumabalik at bumabalik sa isip ko ang mga alaala namin. Sa kakaunting panahon, ganoon na ang epekto niya sa ’kin. Tatlong taon na ang nakalipas at bente dos na ako ngayon. Marami rin akong ipinagbago sabi nila subalit hindi ko pa rin maiwasan ang mapatanong sa hangin sa tuwing nakikita ko ang sarili ko sa salamin kung ganoon pa rin ba ang magiging opinyon ni Fourth kapag nagkita kaming muli. Hindi ko makalimutan ang sinabi niyang, mas gusto niya ang babaeng mature na. Hindi lang ako sigurado kung sa pag-iisip ba ang tinutukoy niya o pisikal. Hindi na ako bata. At kung magkikita man kaming muli, sisiguraduhin kong maipapakita ko sa kaniya ang katotohanang iyon. Anastasia Ysabelle grew up into a fine lady. I am not a girl anymore. I am now a woman. Tinapos ko ang pagligo at agad na nagbihis. Pagbalik ko sa silid ni Josh ay nakita kong natapos na niya ang plates ko at kasalukuyan siya ngayong naglalaro sa cellphone niya habang nakahiga sa kama. Kinuha ko ang suklay sa bag ko pati na rin ang dalang make up kit at humarap sa salamin para mag-ayos. “Ihahatid na kita,” saad niya nang makita akong handa na para umalis. Umiling ako at ngumiti. “Magpahinga ka na. Kaya ko naman. Magta-tricycle ako papunta roon at tatawagan ko si Manong mamaya para masundo ako sa pag-uwi," sagot ko. Bumuntong hininga siya at tumango. Alam niyang hindi na niya mababago ang desisyon ko kaya sumuko rin agad. Nagpaalam na rin ako sa mga magulang niya. “Text mo ’ko mamaya,” sambit niya matapos akong maihatid sa labas ng bahay nila. “Ingat!” pahabol niya pa. Kagaya nga ng nasa plano, tinawagan ko si Manong nang matapos ang shooting namin. Pagod akong naglakad papasok ng bahay. Naabutan ko si papa na may kausap na lalaki. “Magandang gabi,” pagbati ko sa kanila. Nilapitan ko si papa para magmano. “Hi, pa. Si Dani?” tanong ko. “Nasa silid niya. Ayaw mo bang batiin ang bisita natin?” Kunot noo kong binalingan ang tinutukoy niya. Gulat akong napalunok nang malaki nang makita si Fourth na kalmadong nakaupo kaharap ni papa at seryosong nakatingin sa ’kin. Pilit kong pinakalma ang nagwawalang puso at tipid na ngumiti. “Good evening.” Halos magdiwang ako sa kaloob-looban ko dahil hindi ako nautal nang sabihin iyon. Kumunot ang noo niya pero agad din ‘yung nawala. “Good evening,” bati niya pabalik. Muli akong ngumiti at binalingan ulit si papa. “Aakyat na po ako” “Hindi ka ba maghahapunan muna? May natira pa roon na hinanda ng tita mo kanina” Umiling ako. “Tapos na po ako. Kumain na ako kina Josh bago pumasok sa trabaho. Magpapahinga na po ako, pa” Tumango siya kaya ko sila tinalikuran at nagsimulang umakyat sa hagdanan. Muli ko pang sinulyapan nang huling beses si Fourth at halos kumawala sa dibdib ko ang puso ko sa bilis ng pagpintig nito nang magtama ang mga tingin namin. Nakakatakot ang kaniyang mga mata na para bang sinasabi ng mga ‘yun na may ginawa akong hindi niya nagustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD