Chapter 1

1464 Words
Ilang beses akong pabalik-balik sa harapan ng aking salamin. Paano’y kahit anong damit na soutin kong walang babagay sa akin. Nanghiram na nga ako sa nakakabata kong kapatid. Ako ang ate pero ako pa ang nanghiram sa bunso. I grew up not giving a damn on my fashion. I entered school to learn and not to impress my schoolmates. All my life, libro at bahay lamang ang inatupag ko. Papasok sa paaralang magulo ang buhok, minsan pa’y kapatid ko na ang nagsusuklay sa akin lalo na at late na ako. Akala ko’y habang buhay na ganoon ang sitwasiyon. I was wrong. Ang pahamak kong puso ay na-inlove. I was nerd. Panget pa ayon sa iba, sinong maga-akalang may magkakagusto sa akin? He courted me for months. I’ve learned to love him. Kahit na we date secretly, kahit na ganoon ang sitwasiyon naming, nahulog pa rin ako. He’s handsome and kind. He never did anything to offend me. He’s kind of sikat sa school that’s why I’d rather keep our relationship a secret than to accept discrimanation from people who loves discriminating. Foundation day naming ngayon. I want to at least look a teen age girl kaya nanghiram ako ng magagandang damit kay Rea pero walang kahit na anong bumagay sa akin. Naiiyak na ako kasi kahit anong soutin ko’y ang panget ko pa rin. “I told you, bagay nga sa iyo iyong kulay itim na long sleeve” hinarap ko si Rea at sinamaan ng tingin. Nakaupo siya sa aking kama. Bukas ang walk in closet ko kaya kita niya ako galing sa pwesto. “Ang iksi naman kasi no’n!” “Binigyan kita ng lampas tuhod ayaw mo, binigyan kita ng long sleeve ayaw mo rin. Mag-two piece ka na lang!” Naiinis na nag-martsa ako patungo sa aking kama. Wala naming mga kwenta ang damit ng babaeng ito. “Siyempre. Lampas tuhod nga iyong isa, sleeve less naman at nakikita ang cleavage ko. Iyang long sleeve naman kita ang hita ko!” Naiinis na humiga ako sa aking kama at pinagsisipa ang damit. Nakakainis naman e! Bakit wala akong confidence na tulad ng kapatid ko? Bakit hindi ako biniyayayaan ng magandang katawan? Ang unfair talaga! “Mag pantalon ka na lang at t-shirt” Mas lalo kong pinagsisipa ang kama. Nakakainis naman. Gusto ko nga iyong sexy na hindi revealing. Hindi naman makaintindi ang isang ‘to. Biglang tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko itong kinuha mula sa bed side table. Justine Hi. Where are you J   Kinagat ko ang labi dahil sa kilig na nararamdaman. Ang smiley emoji na sinend niya ay nagpapa-imagine sa akin sa kaniyang ngiti. I do really love his smile. Ako: Nasa bahay pa. Ikaw?   “Tingnan mo ang isang ito. Parang tanga” Pinulot ni Rea ang mga damit niyang nahulog sa sahig. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang boung atensiyon kay Justine. Justine: Otw to school. You said, you’ll wear dress right? Can’t wait to see you ;)   Namula ako sa mensaheng ipinadala niya . Nabanggit ko kasi sa kaniya noong nakaraan na magd-dress ako sa foundation day. Akala ko at nakalimutan na niya. Justine: Don’t wear revealing dresses, okay?   “Ah!” Ibinaon ko ang mukha sa unan at doon sumigaw. He can easily make my heart flutters. Nakakainis. Sometimes I wonder, do I have the same effect on him? Can he felt what I felt too? Pakiramdam ko kasi minsan ay parang niloloko niya lang ako. I’m ugly to be noticed by him. Especially HIM. Justine Lopez. “Ewan ko sa iyo. Aalis na ako” I heard my door opened. Mabilis akong bumangon. “No! I’ll choose now” Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang mga damit na kaniyang hawak. Mabilis akong naglakad pabalik sa aking kama at inilatag doon ang kaniyang mga dresses. “Justine wants to see me wearing dress, but not too revealing” “Puro ka Justine. Ewan ko sa iyo” Umupo siya sa paanan ng kama habang busy ako sa pagpili ng damit na gustong soutin. “You really think bagay sa akin itong itim na long sleeve?” “Yeah…” she lazily answered. Inilabas niya ang cellphone at humiga sa aking kama. Kinuha ko ang dress na sinasabi niya at isinout. Kanina pa ako tapos maligo ngunit hindi ako makapagbihis dahil hindi ko alam kung anong damit ang susuotin. “You’ll do my makeup, right?” “Ano pa bang magagawa ko?” I’m on my last year of senior high school habang siya’y grade 10, pero mas may alam pa siya sa pagpapaganda. Nagbihis ako at blinower ang buhok. After I blow dried it ay plinantsa ni Rea. Hindi naman buhaghag ang buhok ko it’s just that ang dami kong baby hair at nagsi-sitaasan sila. “Always comb your hair” Paalala niya habang pinaplantsa ang aking buhok. “Oo na. You always boss your sister” “Because you don’t act like one. Tsk. Hindi mo man lang maiisip na magpaganda kung hindi ka pa nagka-boyfriend” As if ako lang. Marami kaming nagpapaganda dahil nagka-boyfriend. I mean we wanted to be love. We wanted to show the better version of us. “Ate, don’t depend on him” Inirapan ko siya. Boyfriend ko pa lang si Justine at hindi ko naman siya aasawahin. Ang babaeng ito talaga. Minsan talaga gustong-gusto niyang magpaka-ate. “Tapusin mo na nga lang” “Take my advices seriously, Ate!” “Yah. Rea. I’ve been alive for almost nineteen years and just because he came to my life ay de-depende na ako sa kaniya?  He’s just my boyfriend, nothing more, nothing less” Pinatay niya ang straightening iron. Sinuklay niya ang aking buhok at nilagyan ng mga hairspins. She designed my hair. “First love tends to breake us more than our last love can break us” “Ewan ko sa iyo” kung ano-ano pinagsasabi ng babaeng ito. Light makeup lang ang pinalagay ko since hindi ako masiyadong sanay na may kung anong kulay sa aking mukha. Dahil hindi kami parehas ng paaralan ay nauna akong umalis sa kaniya. Nagpahatid ako sa driver sa school. Habang naglalakad sa campus ay doon ko pa lang naramdaman ang hiya. Pinagtitinginan ako kaya pasimple kong hinihila pababa ang laylayan ng aking dress. Kahit walang nakatingin pakiramdam ko’y meron. Masiyado na ata akong paranoid. Sout ko pa rin ang aking salamin. Nagba-balak na akong mag-contact lense, baka sa susunod na buwan ay gagawin ko na. Justine: Nandito ako sa rooftop.   Mabilis akong naglakad patungo sa rooftop. Doon kami pa-sekretong nagkikita ni Justine. Doon kasi kami unang nagkita. He was sleeping, tapos ako ay pumunta sa rooftop para mag-study. Maingay pa naman ako kapag naga-aral. I can still feel the embarrassment I felt that day. Then, sa mga sumunod na araw ay palagi ko na siyang nakikita roon. “Hi…” Dahan-dahang humarap sa akin si Justine. Dahan-dahan nga ba o nag-slow motion ang lahat? He’s indeed handsome. Anong kabutihan ang ginawa ko noon para biyayaan ng ganito ka gwapong nilalang? “Pretty” Nag-iwas ako ng tingin. Uminit ang aking pisngi. Nakakainis naman e. Simpleng compliment galit sa kaniya ay nagpapakabog na ng puso ko. “Thank you” Aaminin ko he’s my confident. If it weren’t for him, I’ll be stack on my cage. I tried something new because of him. I did things that I never did try before. Humakbang siya papalapit sa akin na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil sa kabang nangunguna sa akin. Bakit parang ang dali-dali sa kaniyang lumapit sa akin, pero ako, mapalapit pa lang siya sa akin ay parang mahihimatay na ako. He cupped my cheeks. Hinanap niya ang tingin ko. Ilang beses kong iniwas ang tingin sa kaniya. “Hey. Look at me” ang kaniyang boses ay para akong hinehele. Nakakainis. Kasing pula na ng kamatis ang mukha ko pero parang wala lang sa kaniya ang lahat. “Justine” biglang bumukas ang pinto na mabilis na nagpahiwalay sa amin. Mabilis akong lumapit sa railing. Dire-diretso ang pasok ni Freah. Ang kaninang dibdib na halos sumabog sa kilig ngayon ay parang sasabog na sa kaba. Anong ginagawa ni Freah? Paano niya na lamang nandito si Justine? “Freah, what are you doing here?” “What are you two doing?” Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Freah. Freah is the campus b***h. She’s spoiled and will do everything she wants. She can bully you for months or can destroy your life in a minute. “May lumampas na lipstick sa kaniya kaya tinanggal ko. Now, why are you here?” Parang wala lang kay Justine ang pagsi-sinungaling, ang dali lang sa kaniyang magsinungaling. He can lie without blinking. Kaya nga nagda-dalawang isip ako sa kaniya noon. Mahirap siyang basahin. Mahirap malaman ang totoo sa kaniya at hindi. “Hinahanap ka saa club. Let’s go” nagpagilid si Freah. Gusto niyang mauna si Justine. Nilingon ako ni Justine. “Mauuna na ako” nauna siyang lumabas. Naiwan si Freah. Nanlalamig ang aking mga kamay. Kinakabahan ako sa titig niya. “Don’t ever fantacise him. Hindi kayo bagay. A f*****g loser nerd and the campus crush? Stop dreaming. Walang magkakagusto sa panget na tulad mo” Her remark pierced my heart. Lahat ng saya na naramdaman ko ay nawala. I lost my confidence to, in just a small time, I lost my confidence. Freah is really good at destroying someone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD