"Hey, girls. Stop it. Nandito tayo para mag-relax, hindi para ganapin ang world war three" Bumalik ako sa pagkakaupo dahil sa saway ni Ken. Kasalanan ko bang pinaglihi ata sa inggit itong kaibigan nilang mga babae. Inayos nila ang mga gamit. This place looks like a picnic area. May dala pa silang pang grill. Ang boys ang nag set-up ng mga gamit. Hindi ko alam kung bakit nandito ako. This is awkward and never in my life na sumama ako sa mga kaibigan ni Justine kaya ang makasama sila ngayon because of Chase ay sobrang weird. "Tutulungan ko muna sila, Ellaine" I nodded. Tumayo si Jessica at tumulong sa pagaayos ng gamit. Ang mga kaibigan ni Freah at kami ni Chloe ang naiwang nakaupo sa mesa. Inilabas ko ang cellphone at headset at doon itinoun ang atensiyon. Mas mabuting cellphone ang pa

