Marahas akong nagpumiglas sa pagkakahawak ni Chase. Kaso ang bwisit na ito hindi man lang ako binitawan. "Bitawan mo nga ako! Ano ba, Chase!" Para naman itong bingi. Ano naiwan niya ang tenga sa loob ng mall? Patuloy ang paghila niya sa akin kahit noong nasa parking lot na kami. "Chase! Bwisit ka talaga!" Pinaghahampas ko na ang likod niya. Kinurot ko ang tagiliran niya kaya natigilan siya. I took that opportunity para mahila ang kamay ko. "Anong bang problema mo?!" I shouted at him. Walang pake kung galit man ang mukha niya. Hindi ako pinanganak para ayusin ang mood niya. "Is this what you call revenge, Ellaine?! Ito ba ang ang gusto?! Tanginang paghihiganti 'to, Ellaine! You're really willing to destroy your dignity para lang makuha mo ang inaasam mong paghihiganti?! Ilalagay mo tala

