Ilang minuto pa ang lumipas at bumalik na ang Prof namin. Binuklat niya ang aklat na nasa ibabaw ng mesa niya, bago humarap sa amin.
"Get 1/4 sheet of yellow pad" napangiwi naman ako, wala akong dalang papel at hindi ko din alam ang lessons nila. Akala ko swerte na ako boung araw hindi pala. Aist! Bahala na nga!
"Eto oh" napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. She's nerd pero kumpara sa akin noon mas maganda siya, wala siyang eye glasses pero may braces naman siya. Ang sout niyang long sleeve na damit at ang palda niyang kay haba ay nag papakitang isa siyang manang manamit. Hindi niya ba alam na mainit sa Pilipinas? Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang may hawak na 1/4.
"Thanks" hindi naman pwedeng tanggihan ko siya, wala na nga akong maisasagot, wala pa akong papel. Okay naman sigurong ipasa ang papel na blangko 'di ba? Tsaka hindi ko alam ang ni-lesson nila kaya dapat ay exempted ako.
"Haha oh, manang may kaibigan ka ng panget na nerd bagay kayo manang at panget" singit ni Hazel. Tumaas agad ang kilay ko. They are still immature, akala ko ang may magbabago sa kanila pero wala pala. Look at her, she's still a bully, college na siya, gosh!
"Mayaman ka naman 'di ba? Bumili kang stapler, tapos i-stapler mo diyan sa bibig mong kasing baho ng mukha mo" magsasalita pa sana siya ng magsimula na sa pagsasalita si ma'am. Sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya.
Nagsimula na si Miss sa pagbato sa amin ng questions. Laking pasasalamat ko dahil sabi ni Ma'am exempted daw ako. God, akala ko bagsak agad ako e, mabuti na lang at naalala ni ma'am na may maganda siyang transferee student, mabuti 'yong mukha ko hindi mukha ng taong kailangang kalimutan, dahil itong mukha ko, ang mukhang dapat tandaan.
1-15 lang ang quiz kaya hindi masyadong matagal, ipinapasa lang ni Miss ang papel nila
"Maam!" Napatingin kaming lahat kay Sandy na nag taas ng kamay, ganito ba siya kauhaw sa atensiyon?
"Yes?" kunot noong tanong ni ma'am sa kaniya.
"I want to excuse ourselves, pupunta lang kaming rest room" napangiwi naman ako, may natitira pa palang respeto sa katawan niya.
"Sige, bumalik agad kayo, ayokong may nacu-cutting sa klase ko, gets?" tumango silang tatlo
"Yes ma'am" sabay na tugon nilang tatlo.
Lumabas na silang tatlo at bumalik sa kaniya-kaniyang ginagawa ang mga kaklase ko, hindi ko sila masisisi nakaka-agaw ng atensiyon talaga ang pagmumukha nila, kaiyak!
"You're back" napalingon ako sa katabi ko. Ngumiti ako sa kaniya bago tumango.
"Yes. I am" tinanggal ko ang lahat ng emosyon ko sa mukha, his stares is intimidating. Naiilang ako pero hindi ko ito ipinahalata. I snap my finger in his face "Cat got your tongue?" agad niyang binawi ang tingin sa akin. Good.
"I'm glad that you're back" doon nawala ang ngiting nasa labi ko at inirapan siya.
"Well. Hearing it from you, para akong nasusuka" tumitig ulit siya sa akin. Nabighani ba siya sa ganda ko? Well I can't blame him. Maganda talaga ako.
"Halata nga" tumahimik ako at hindi na nagsalita pa. Ayoko siyang kausapin, baka hindi ako makapag pigil masapak ko ang gagong 'to. Baka mapadali ang paghihiganti ko sa kaniya. Kailangan kong magdahan-dahan. Ayoko namang magkanda leshe-leshe ang plano ko.
Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makita naming papasok na sina Freah. Ang professor naman namin ay nagpaalam dahil pinapatawag siya sa faculty. Siguro wala ng klase, 'wag na sana siyang bumalik.
"Babe" tawag ni Freah kay Justine bago ito umupo sa tabi niya at yumakap sa braso ni Justine. Hindi ba kasali sa rules dito na bawal ang PDA? Tss. Tumingin sa akin si Freah at ngumisi, ngumiwi naman ako. Isampal niya sa baga niya si Justine wala akong pake, kahit mag halikan silang dalawa. I don't have any freaking care.
"Bakit?" sagot naman ni Justine. Nilagay ko ang head set ko sa tenga at nagkunwaring naghahanap ng kanta.
"Date tayo mamaya" hindi ba uso kay Freah ang salitang dalagang pilipina? Dapat lalaki ang nagaaya hindi ang babae, god!
"Saan mo ba gusto?"
"Mmmm. Sa isang Korean restaurant iyong malapit sa condo mo" napatigil ako sa pagsco-scroll, doon kasi kami nagde-date dati. Doon niya ako palaging dinadala. Tapos ngayon si Freah na, now I'm wondering ilang babae na kaya ang nadala niya doon? Dinadala niya ba ito para mag dinner date? Hinahalikan niya din ba ito sa ilalim ng naki-kislapang mga bituin? May nangyari na rin ba sa kanila?
At ano namang paki alam ko? Duh ?
"It's a date then" nakita ko sa peripheral vision ko na pinagsiklop ni Justine ang kamay nilang dalawa. Dapat pala nag dala ako ng boyfriend. Isa iyon sa mga nakalimutan ko, tss.
"You're so sweet babe" sweet ba iyon? E siya ang nag-aya duh? Dapat pigilan na iyang landian nilang dalawa e. Pasimple kong hinulog ang notebook ko sa mga hita ni Justine.
"Oh, hindi ka mapakali? Naiilang ka ba? Haha bakit? Hindi ba ganito ka-sweet sayo 'yong BOYFRIEND KO?" may diin sa salitang 'BOYFRIEND KO' ng bigkasin niya ang mga salitang 'yon. Gusto kong isigaw sa mukha niya na sobra pa ang nagawa naming dalawa ni Justine sa ginagawa nila ngayon pero naalala ko, pakitang tao lang pala iyon. Saklap
"Saksak mo sa baga mo ang BOYFRIEND MO, hindi ko kailangang alalahanin ang kabaliwang ginawa namin noon" I flip my hair before I rolled my eyes at her.
Nahulog ang notebook ko dahil sa paggalaw. Kinuha ni Justine ang notebook at inilapag sa desk ko bgo niya pa mabawi ang kamay niya ay agad kong ipinatong ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya.
"Thanks" ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kaniya. Naramdaman ko ang gulat niya, nakatingin lang siya sa akin at hindi kumarap-kurap.Hindi naman niya inalis ang pagkakahawak ng kamay ko kaya ako na mismo ang nagbawi ng kamay ko.
"So lantarang panlalandi ba ang gagawin mo, Ellaine? Ganiyan ka na ba talaga ka obsess sa boyfriend ko?" binaling ko ang tingin aky Freah ng may ngiti pa din sa mga labi.
"Why? Are you afraid Freah? Are you afraid that I might steal your boyfriend like what you did to me?" tumawa ako, tawang may pangiinsulto.
Sabay no'n ay nakarinig ako ng bulong-bulungan. Natahimik lang si Freah at nag-iwas ng tingin, I saw guilty in her eyes, pero agad ding nawala. Kinuha ko na lang ang bag ko at tumayo, hinalikan ko ang pisngi ni Justine na mas lalong nagpatigil sa kaniya at sa mga kaibigan nila. Natatawang umalis ako sa room namin.
Magandang simula Ellaine!
Sana ay hindi na bumalik ang Prof namin, malapit na rin namang matapos ang klase namin e kaya 'wag na sana siyang bumalik.
Simula pa lang ito at sisiguraduhin kong mas magiging maganda ang kalalabasan ng lahat. Sisiguraduhin kong sa pag daan ng araw ay mas magiging exciting ang mangyayari. Kailangan kong magcelebrate!
Nasaan ba ang canteen nila dito? Nagpalinga-linga ako ng biglang may humila sa braso ko at itinulak ako papasok sa classroom na nasa likod ko lang. Walang tao dito at medyo madilim, inis na tiningnan ko ang taong gumawa no'n. Chase Garcia. Siya iyong pinalipat ni Ma'am kanina sa likod ko. Sinirado niya ang pinto bago ako hinarap.
"Ano bang binabalak mo ? Ha? El?" Galit na tanong niya sakin. Umiling agad ako
"Wala" simpleng sagot ko, pero hinablot niya ulit ang braso ko at isinandal ako sa pader. Nasa gilid ng ulo ko ang isa kong kamay na hawak niya. s**t! "Let me go Chase!" nagpumiglas ako pero mas idiniin niya lang ako sa pader.
"Not until you tell me the truth. May balak ka bang sirain ang relasyon nila?" sinalubong ko ang tingin niya.
"None of your business!"sinubukan ko siyang itulak pero masyado siyang malakas
"Naghihiganti ka ba?" napatigil ako sa tanong niya, pero agad din akong nakabawi at umiling
"No"
"Talaga lang huh?" seryosong tanong niya. Why would I tell him? Baka pag sinabi ko ay mabulilyaso pa ang plano ko.
"Pwede ba Chase? Tigilan mo ako. Kung ano man gagawin ko wala ka ng paki alam doon" naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko at ramdam ko ang sakit
"Meron ,El, dahil pinsan ko si Justine at girlfriend ng pinsan ko ang binabangga mo" matapang ko siyang tiningnan.
"Are you really doing this because Justine is your cousin, or are you doing this because you like his girl?" bahagyang nanlaki ang mga mata niya at hindi nakasagot sa tanong ko kaya malakas ko siyang itinulak.
"What the hell?" inirapan ko siya bago inayos ang bag ko sa pagkakasukbit
"I'm hoping na ito na ang huling pagkakataong pakikialaman mo ako, Chase" pipihitin ko na sana pabukas ang pinto ng biglang niya akong hinila paharap sa kaniya.
"Don't you dare to ruin them El. Hayaan mo na silang dalawa! Forgive them and forget the past. God! Move on El. 'Wag mong itulad ang sarili mo kay Freah. Nasaktan ka, oo. Pero hindi ba pwedeng kalimutan mo na lang iyon?! Ang tagal na no’n El" singhal nito sa akin. Agad na dumapo sa pisngi niya ang palad ko. Gulat siyang napahawak sa kaniyang pisngi na ngayon ay namumula.
"Forget the past? Gusto mong kalimutan ko yung nakaraang sumira sa pagkatao ko ? 'Yong nakaraang halos patayin na ako sa sakit? Ano ganon-ganon nalang yun? Kakalimutan at patatawarin ko sila? No, Chase, hindi ganoon kadali iyon. Hindi ganoon kadaling ibalik iyong bagay na sinira nila saakin. Sinira at inapak nila ang pagkatao ko. And, now you are expecting me that I’ll forgive them and forget what they did? Well sorry, Chase. Memories are hard to forget" Mabilis akong lumabas sa kwartong iyon.
Ayoko ng marinig pa ang sasabihin niya. Sapat na ang sinabi niya at ayoko ng makinig pa. Walang makakapag pabago sa isip ko. Kahit kamatayan pa, hindi ko sila titigilan hanggat hindi nila nararamdam ang sakit na naramdaman ko sa kanila. Mararamdaman nilang dalawa iyon. I promise that.
"Ellaine!"
"Ayy kalabaw" napatalon ako sa gulat at nawala sa iniisip ko. F-ck aatakihin ata ako sa puso dahil sa babaeng 'to. Bwiset!
"Nagulat ba kita?" tumaas agad ang kilay ko sa tanong niya.
"Ay hindi hinihintay nga kita eh" I sarcastically said before I left her. Isn't it obvious? She's really a Filipino. Gano'n ang mga Pilipino, halata na nga, kitang-kita na nga, rinig na rinig na tatanungin ka pa kung nagulat ka. Geez.
"Gano'n ba ? Ba't mo naman ako hinihintay?" Napatigil ako sa paglalakad at gulat na tiningnan siya. Hindi niya ba nahalatang namimilosopo ako dito? God!
"Oh god. I thought you're a nerd, pero hindi slow ang nerd" umiling iling pa ako.
"Ha? Ako 'di naman ah, nasa tabi mo na nga ako eh" kinalma ko ang sarili ko dahil baka hindi ako makapag pigil mahambalos ko ang babaeng 'to.
"Aist! ewan. Lumayo-layo ka muna sakin, tumataas ang dugo ko sayo" pinaypayan ko ang sarili ko at tinalikuran siya.
"Bakit?" kalma El kalma. Isa lang siyang slow na nerd.
"Malay. Ewan, 'di ko alam 'wag mo akong kausapin. Shoo" tinaboy ko siya with hand gesture pa. Tumataas ang presyon ko sa kaniya.
"Eh? Ah sige" napatigil naman ako kasi ang lungkot ng boses. I look at her nakatalikod na sya sakin. Bakit ba uso ang konsensiya sa mga tao? Aist!
"Fine! Sumama ka na sakin kakain pa ko " lumingon naman agad sya sa akin at ang laki ng ngiti niya.
"Talaga ? Thank you" tumabi siya sa akin sa paglalakad, yayakapin niya pa nga sana ang braso ko ng samaan ko siya ng tingin. Geez isip bata.