Chapter 5

2269 Words
Maaga akong nagising, siguro ay nakasanayan ko na ito sa ibang bansa.  Maaga kasi talaga akong gumigising doon. I live alone so I need to make my own breakfast and work for myself. Hindi naman porke't naghihiganti ako ay pababayaan ko na ang pag-aaralan ko. Education is the best revenge ika nga. Mental and emotional revenge is not enough,  kailangang pisikal din. Kailangan ko ding pag butihan ang pag-aaralan ko dahil graduating student ako. Ayoko namang magpabalik-balik ng college. Sinuklay ko ang buhok kong may brown high light. Pantay lang ang buhok ko,  I'm not into cut styling but I'll try it soon. Pina-high light ko ang buhok kasi iyon ang uso sa ibang bansa, nakikisabay lang naman ako sa uso. Kinuha ko ang blower na nasa drawer ng pinapatungan ng salamin. Dito ako nagme-make up. Pagkatapos kong i-blower ang buhok ko ay nag lagay ako ng powder at light make up. Nang makuntento na ako sa mukha ko tumayo na ako at kinuha ang bag ko, kinuha ko din sa drawer ang susi ng kwarto ng kapatid ko, pumunta agad ako sa kwarto niya at pagpasok, napailing iling na lang ako. Hindi pa din siya nagbabago makalat pa din siya at malikot matulog. May unan na nahulog sa gilid ng kama at ang gusot ng kama, parang may nag habulan na pusa. "Rhea wake up" niyugyog ko ang balikat niya, pero hindi man lang nagising ang bruha. "Mmmmm" iyon lang ang tinugon niya, ito ang hirap kay Rhea.  Hindi nga tulog mantika, tamad namang bumangon kahit gising na ay hindi pa din babangon. "Bangon na" mas nilakasan ko pa ang pagyugyog sa kaniya,  pero hindi pa din siya bumabangon. "Maya na" paos ang boses na sabi niya,  napailing ulit ako. "Babango ka o kukuha akong nagyeyelong tubig?" Napabalikwas naman agad sya ng bangon, sabog ang buhok niya at nakapikit ang mata pero halatang naiinis siya. My sister is cute haha. "ATE NAMAN EH" inis na sabi niya, tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Tss. Bumangon ka na diyan baka malate ka pa" pinulot ko ang unan na nahulog at nilagay sa may head board ng kama. "Anong oras na ba?" ina-antok na tanong niya.  Tiningnan ko ang relo ko. "7:08" walang gana kong sabi habang inaayos ang kumot niya. "WHAT??? BA'T NGAYON MO LANG AKO GINISING?!!!" napangiwi ako sa sigaw niya, ako pa ang sinisi. Nagmamadali siyang bumaba sa kama niya. "That's why I'm waking you up duh?" nag mamadali siya hinanap ang tsinelas niya na hindi ko alam kung saan napunta. "Aisst may report pa akong gagawin" patakbo siyang pumasok sa Cr,  isasara niya na sana ng harapin niya ako. "Ate, paki patay ng aircon thanks" sabay sirado ng pinto nang cr. Ginawa pa akong utusan. Sa pangatlong pagkakataon ay umiling ako, no choice kaya pinatay ko na lang ang aircon niya at lumabas sa kwarto niya. Bumaba ako at dumiretso sa dining Area. "Morning yaya" bati ko dito at hinalikan siya sa pisngi. "Good morning Ellaine. Kain ka na 'nak" ngumiti siya kaya ngumiti din ako pabalik. "Opo" umupo ako sa upuan na hinila niya para maupuan ko, inayos niya din ang plato ko at nilagyan iyon ng kanin,  egg, hotdog at ham. Masarap talagang magluto si yaya. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Yaya at umalis na,  may driver naman, siya na ang maghahatid kay Rhea. Isa pa may kailangan pa akong gawin kaya kailangan kong pumunta ng maaga. Pumula ang traffic light kaya tinigil ko ang kotse ko, kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Jessica. "Jes, 'asan na kayo?" bungad kong tanong sa kaniya. Hindi uso sa akin ang Hi/Hello pag silang dalawa ang kausap ko. [I'm sorry girl, 'di kami makakapasok, dadating 'yong lolo namin kailangan naming sunduin siya eh] hinging paumanhin niya. Bumuntong hininga na lang ako, siyempre kailangan niyang unahin ang pamilya niya. "Ganoon ba ? Okay, sige see you tomorrow" iyon na lang ang sinabi ko. Kaya ko namang mag-isa so no need to be sad. [Sorry talaga] dama ko ang sinseridad sa boses niya, kaya tumango ako kahit na hindi niya ako kita. "Wala 'yon noh. Family first, right?" I chuckled. I already met her grandparents and I can say they are awesome. [Okey bye] "Bye" binaba ko agad ang tawag sakto namang nag go signal kaya pina-andar ko na ulit ang kotse ko. Hindi naman kalayuan ang school namin kaya agad akong nakarating, binuksan ko ang bintana ng kotse ko ng dumaan ako sa entrance ng parking lot. Tumango sa akin ang guard kaya sinirado ko na. Hindi naman ako nahirapang maghanap ng pwesto, ipinarada ko ang kotse ko, kinuha ko ang bag ko at lumabas na. Sinigurado kong naka-lock ang pinto. Mahirap na baka manakawan pa ako. Naglakad na ako papasok sa campus, nang makapasok ay tumigil muna ako at inikot ang boung tingin sa kabuuan ng campus. This is it, this is the start. Base on my research madami akong classmate at schoolmates na dito nag-aaralan. Siyempre naman private 'tong paaralang 'to at madami ang gustong makapag-aral dito kaso hindi nabibigyan ng pagkakataon dahil sa mahal ang tuition fee. Nagpatuloy ako sa paglalakad, kailangan kong pumunta sa guidance dahil nandoon pa ang schedule ko, late enroll ako kaya kailangan kong mag catch up ng mga lessons. Nang mahanap ko ang Principal office ay kumatok ako ng dalawang boses bago pumasok. "Good morning ma'am" bati ko sa babaeng nakaupo sa swivel chair. "Good morning Ms. Dela Fuente here's your schedule" inabot niya sa akin ang isang papel, mukhang ito na ang schedule ko. Tiningnan ko ito. s**t! Wala akong klase na kaparehas kina Justine. Nag-angat ako ng tingin, nakita kong nakangiti siya sa akin kaya ngumiti din ako.  "Ma'am" pagsisimula ko, kailangan kong ulitin ang schedule ko. Hindi pwede 'to. Hindi ko magagawa ang binabalak ko. "Yes?" nakangiti niya pa ring tanong sa akin. "Pwede bang ulitin yung schedule ko?" ngumiti ako ng mas malapad. Kailangan kong maging mabait. "Ha? Bakit?" kunot noong tanong niya sa akin. "Gusto ko po kasing maka section sina Savannah Freah Skaizer at Justine Lopez" diretso kong sagot. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "Ahh. Pero bakit naman?" sana naman ay makumbinsi ko siya. "Kasi po matagal ko ng 'di nakakasama sila, were friends. Tsaka kailangan ko pong maka catch up sa mga lessons and I guess it's better na sa section nila ako mapupunta dahil madami namang matatalino doon na pwedeng tumulong sa akin" gusto kong masuka sa salitang 'friends'  minsan pala ang sayang sabihin at ipag malaking may kaibigan ka, pero minsan nakakasukang isipin na may kaibigan kang hayop.   "Ah gano'n ba? Tama ka, wait here ipapaulit ko ang schedule mo" Tumayo siya at pumasok sa isang pintuan. Napangisi naman ako, yes! napapayag ko siya. Great, I am so lucky. Though I doubt that she believe my lies. Mukhang pumayag siya dahil sa pera. Ilang minuto lang ay bumalik na ang dean may hawak na itong bagong papel. "Here's your new schedule Ms. Dela Fuente" inabot niya sa akin ang papel, so I scan it. Magka klase nga kaming tatlo.  "Thank you so much ma'am" nakangiting pasasalamat ko dito. Alam ko namang hindi nila ako matatanggihan, my parents is one of the shareholders of this school. "Enjoy your stay" bumalik ito sa pagkakaupo kaya ako naman ang tumayo ngayon. Tumango ako sa kaniya. "I'm sure, I’ll enjoy" yumukod ako at tumalikod na. Ang ngiti ay napalitan ng ngisi. Wait and see Freah, Justine. Magsisimula na ang kalbaryo ninyong dalawa. Dahil napag aralan ko na ang boung school at kung saan ang room nila madali akong nakapunta doon. Pag dating ko ay nagsisimula na ang klase. Nakasilip ako sa pinto ng makita ako ng Prof nila. Sinenyasan niya akong pumasok kaya hindi na ako nag dalawang isip pa. Dahil makapal at mataas ang buhok ko ay ginawa ko ito para itabon sa mukha ko. I want to surprise them. Humarap ako sa prof, my back is facing the crowd. May narinig akong nagbulong-bulungan kung sino ba ako at kung anong ginagawa ko dito sa klase nila, pero rinig ko din ang mayabang na boses ni Freah. "Miss?" tanong ni Ma'am sa akin, muli ay ngumiti ako. "Ms. Dela Fuente po, new student. I came from London" nakangiting tugon ko sa kaniya. Ibinigay ko sa kaniya ang folder na naglalaman ng information ko, agad naman niya itong kinuha at binasa. "Oh. I'm glad andito ka sa section ko Ms. Dela Fuente" nakita ko ang kagalakan sa mata niya. Ganito nga talaga ka impluwensiya ang pamilya ko. "Me too, Miss . Me too" hindi ko masupil ang naglalarong ngiti sa mga labi ko. I’m so excited. "Okay. Please introduce yourself to them Ms. Dela Fuente" tumango ako at humarap sa bago kong mga kaklse. Nakita ko ang ibang naguguluhan, 'yong iba naman ay nagtataka. "Hi everyone" umpisa ko. Iyong grupo nila Justine at Freah walang pakialam, may sarili silang mundo ni hindi nga magawang humarap sakin eh. "I am a transferree student came from London I am ELLAINE HEART DELA FUENTE your new blockmate" sinadya ko talagang mas lakasan 'yong pag banggit ng pangalan ko. I want to get their attention and I did not failed on getting their attentions, because they are now looking at me, shock is visible in their eyes. Mas lalo ata akong natuwa sa reaksiyon niya. "Nice meeting you all and I'm not hoping to have friends" nakangiti kong sabi na ikinatawa ng iba. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Justine na sobrang nagulat sa presensiya ko. "Woah!" Sigawan ng ilang mga lalaki at babae na hindi nakakilala sakin. Hindi ko alam kung bakit sila natuwa gayong sinabi kong ayaw kong makipag kaibigan sa kanila. "Thank you Ms. You can take your sit now" walang bakanteng upuan sa gilid ni Justine kaya humarap ako kay Ma'am. "Ma'am pwede po bang sa kaliwa ako ni Mr. Lopez umupo?" Tanong ko sa kanya, siyempre ay may pagmamaka-awa sa boses ko. Sa kanan kasi ni Justine ay si Freah tapos isang lalaking kaibigan din nila ang sa kanan niya. Sa likod no'ng lalaki, doon nalang ang bakanteng upuan. "Ha? Pero may nakaupo na kasi doon Miss Dela fuente" she said with apologetic voice. "Please m'am, may hika kasi ako , kaya mas gusto kong malapit sa bintana" doon kasi sa pwesto no'ng lalaki ay may bintana tapos sa likod niya ay pader na. "Ha? Gano'n ba? Teka sandali" mas lalo akong napangisi. Great! "Mr. Garcia lipat ka sa likod mo na upuan" tumaas ang kilay nong Garcia at magsasalita pa sana ng unahan na siya ni Ma'am. "No more buts and no more questions. Go!" walang nagawa ang lalaki kaya padabog itong tumayo at lumipat sa upuan na itinalaga sa kaniya. "You can sit down now, Ms Dela Fuente" ngumiti ulit ako ng malapad "Thank you ma'am" sabi ko at naglakad na sa upuan ko. 3rd floor kasi ang room, kaya mahangin dito kita din kasi ang soccer field dito kaya mas gusto ko. 'Wag ng isali ang rason na gusto kong makatabi si Justine. "Tss b***h" bulong ni Sandy ng dumaan ako sa harap niya. Tumaas ang kilay ko at nginitian siya. "Yes. I know, I am Beautiful Impolite and Thoughtful Cute Honey" I wink at her na ikina-ismid niya. I know I'm impolite but only to a b***h like her. Nag patuloy ako sa paglalakad papunta sa upuan ko, umupo agad ako doon at kukuhanin na sana ang head set ko ng marinig ko ulit ang boses ni Sandy. "Pakapalan ng mukha? You look like a female dog" napangiwi naman ako sa sinabi niya, inilabas ko ang maliit kong salamin at ibinato sa hita niya, narinig ko pa ang mahinang daing nito. "Look at your face. Mas mukha ka kasing asong iilan na lang ang balahibo" nakita kong namula ang pisngi niya. They should at least recognize who’s the real b***h, right? "What did you just say?!" tumayo ito at handa ng sumugod ng hawakan ni Hazel ang kamay niya. Parang pinapakalma siya. Sumandal na lang ako sa upuan ko, wala ang Prof sa harap ewan ko kung nasaan, kaya ang lakas ng loob niyang sumigaw dito sa room. Tiningnan ko siya sa mata "Namumulubi ka na ba at hindi ka maka bili ng cotton buds?" tumaas pa ang kilay ko habang sinasabi ko 'yon. "Aba! Just wow yung pangit na nerd kung makasagot sagot akala mo kung sino" ngumiwi ako sa sinabi niya. Tumayo ako at nameywang, nakatayo kasi siya habang nakatingin sa akin at habang naka upo I feel small, na parang kaya niya lang ako. "Alam mo bang mas mabuting panget ako noon at least marami ang nakaka alam, maganda ka nga pero iyong ganda mo ay parang lock ng cellphone....." I paused, pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Huminga ako ng malalim dahil taas noong nakatingin ito sa akin "Ikaw lang ang nakakaalam" ngumisi ako at umupo, narinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko. Oppss Am I too harsh? "Haha matapang ka na pala ngayon?" naningkit ang mga mata ko. This b***h! Siya iyong naging dahilan ng pagka-dapa ko. "Nope. I just realized na lahat ng demonyita natatalo ng magaganda. Tulad ng Snow White right? Demonyita iyong step mother niya, hindi niya matanggap na mas maganda si Snow White pero sa huli ay natalo pa din siya. Natalo siya ng mas maganda sa kaniya" ngumisi ako. Nanggagalaiti na silang dalawa sa galit. "Anong tingin mo sa sarili mo? Maganda?" nakataas kilay na tanong ni Freah. Tiningnan ko siya at nginitian. "Nah. I'm the next goddess of beauty b***h remember that" I wink at her, bago nagsout ng head set. Tama na muna, tapos na ang warm up. Ramdam ko pa din ang titig sa akin ni Justine at si Freah naman nagdadabog sa galit. Beauty tips 101 Be confident because you are beautiful. Confidence  is the ability to feel beautiful without needing someone to tell  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD