Chapter 4

1371 Words
Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. After kung makarating kanina ay nagpahinga agad ako. Six noong magising ako, agad akong nagbihis magkikita pa kami noong mga baliw na 'yon. "Ate san ka pupunta?" Tanong sakin ni Rhea pagkababa ko ng hagdan. Kababa ko pa lang ng hagdan ay inusisa agad ako ng kapatid ko "Sa mall stay here and don't wait for me" gusto ko munang mag-shopping. "Okay" Hindi na ako nag-tagal pa. Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa garahe. Nag-usap kasi kaming magkikita kami ngayon. Boung akala ko ay maaga akong dadating pero natagalan pa rin ako kasi traffic hay. What can I do? This is the Philippines. We can't do anything about it. 20 minutes ata akong late. Habang pinapark ko ang kotse ko sa parking lot. I dial Chloe's number tatlong ring lang at sinagot niya agad, mabuti naman. "What?" may halong pang pagkairita sa boses nito. Malamang e nagti-twitter na naman 'tong babaeng 'to. "Nasa mall na ako" bumaba ako ng kotse ay isinara ito. Bitbit ang maliit na pouch ay pumasok ako sa mall "Okay. Magkita na lang tayo doon "  napagusapan na kasi naming kung saan kami magkikita noong nasa airport pa kami "Okay. Bilisan niyo” Naglakad na ako papasok sa Mall. Mabuti 'di masyadong matao. Well, mas konti naman talaga ang tao kapag gabi. At ayon sa paga-aral mas madaming guwapo pag-gabi. Binaba ko ang tawag at habang naglalakad ay nag-sight seeing ako. Madaming gwapo pero halos may kasamang babaeng impakta. Hindi na ako nag-tagal at dumiretso sa pinagusapan naming location. I really love their dresses. Kakapasok ko pa lang ay may nagustuhan na agad ako. I’m willing to pay hundreds of thousands just for my outfit no. Dati ay halos hindi ko makayang bumili ng ganito ka-revealing na mga damit pero ngayon ay mas revealing pa sa damit ni Rhea ang isinusout ko. It’s not because I’m a slut or what it’s just that I’m confident with my body and no matter what you’ll wear, you’ll get bullied. "Wow I like their dress" Nilingon ko ang aking likuran. Si Chloe tsaka si Jessica, mabuti naman at nandito na itong dalawang bruhildang 'to.   "Yeah, ang ganda diba?" sabi ko habang nakikipag beso beso sa kanila. Nasanay na kasi kaming ganoon ang ginagawa tuwing nagkikita kami. Noong una nga naiilang ako pero kalaunan nasanay din. Minsan talaga masasanay ka sa isang bagay na hindi mo naisip o sumagi lamang sa isip mo na makakasanayan mo pala. "Yep" nangingiting sabi nito sa akin. Nagtingin-tingin pa silang dalawa sa mga damit. Mukhang balak bumili. "Punta tayong bar?" Nakangiting suggest ni Sica. Ngumisi naman ako. "Mmmm I like that" tugon ko dito kaya kumuha na agad kami ng kaniya-kaniyang damit. Kahit na wala akong balak bumili. Isang kulay pulang halter top na deep V-neck na dress. It suits my taste. Binayaran na namin yung mga dress na pinamili namin at dumiretsong bar. Hindi pala nag dala ng sasakyan ang dalawa.T amad talaga. Nagpahatid lang pala sila, kaya ngayon ginawa akong driver kainis lang. Ang lakas maka-aya na mag bar wala namang dalang sasakyan. Wala akong nagawa, saying naman ang outfit naming kung umatras pa ako. Mabuti na lang at hindi kalayuan ang bar at mabilis lang kaming nakarating. Pagpasok namin sa bar, sumalubong sa amin ang malakas na tugtog, usok ng sigarilyo at mga nagme-make-out. Hindi na lang namin ito pinansin at dumiretso sa counter. "Tatlong vodka" order ni Chloe nagmamasid-masid lang kami habang wala pa ang order namin. Madaming nakikipag-flirt at nagme-make out pero wala akong pake sa kanila. Gusto ko lang namang uminom. Wala ako sa mood na lumandi ngayong gabi. Pagdating ng order namin ay in-isang lagok ni Chloe ang Vodka at tumayo sa kinauupuan niya bago humalik sa pisngi naming dalawa ni Jessica "Bye muna. Sasayaw lng ako" tumango lang kami kay Chloe kahit talaga 'tong babaeng 'to hindi mapirmi sa bar gusto may ka-make out palagi. "So?" Napalingon naman ako kay Jessica dahil nagsalita ito. Tinaasan ko siya ng kilay bago sinagot. "Bakit?" ininom ko naman 'yong vodka ko. Since wala akong balak malasing agad ay dinahan-dahan ko ang pag-inom. "You're ready?" tanong nito habang ang tingin ay nasa dance floor. "Yes I am" proud kong sabi tumingin ito sa akin at ngumiti "I am so proud of you, Ellaine. Ang laki ng pinagbago mo, pero sana wag mong punuin ng galit ang puso mo wag kang magpa-bulag sa galit, sinabi ko lang na maghiganti ka, iparamdam ang sakit na pinaramdam nila sayo, pero wag kang mag-papakabulag" seryosong sabi niya sa akin tumango ako at ngumiti. She’s really concern. Simula ng makita niya ang diterminasiyong paluhurin ang mga taong nagpaluhod sa akin noon ay palagi niya akong pinapaalalahanan. "I know Jessica. I promise hindi ako sosobra" tinaasan ko pa ang kamay ko na parang nangangako. "I hope so Ellaine. I hope so" inubos niya ang vodka niya. Namayani ang katahimikan, hanggang mapag-desisyonan kong tumayo para sana sumayaw pero pagtayo ko ay ang paglakad ng babae sa harap ko kaya nagkabanggaan kaming dalawa. Inis na inis ako. Bwisit ang tanga namin nito! "Ouch!! Hindii ika ba marunong tumingin sa dinadaan mo?!!" ang lakas na sigaw ng babaeng nabangga ko. Nakalunod ba ito ng microphone? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko baka masapak ko ang hinayupak na 'to. Napatingin ako sa damit niya dahil tumapon doon ang Vodka ko na nasa kamay ko. Aist! Nasayang pa ang pera ko. Inis ko siyang tiningnan. Bahagya pa akong nagulat ng makita ko ang mukha nito. What a small world. Magkikita at magkikita pa din pala kami. Iba ka talaga maglaro tadhana. "E-ellaine?" gulat na gulat na sambit nito sa pangalan ko. Tinaasan ko siya ng kilay "Ako ba ang hindi tumitingin o ikaw ang tanga?" sabi ko dito at hindi pinansin ang pagkagulat nito sa pagkakita sa akin. "Anong sabi mo?!" The shock on her eyes is priceless. Hindi ata inaasahan ang pagsagot ko. "Hindi ka pa rin nagbabago Freah, bobo ka pa din. God! It's been 3 years, Freah, wala ka pa ring utak?" Mukhang nainis talaga siya sa sinabi ko. Maiinis ka talaga Freah simula pa lang yan. Am I too harsh? No, I don't think so, my other side said. "Aba! Nag-London ka lang Ellaine. Nagtatapang-tapangan ka na" sabi niya sakin na ngayon ay nakataas na ang kilay, mukhang nakarecover na siya. Wah! I’m not expecting her to know my whereabouts. "Woah. Are you my stalker na?" I cross my arms at tiningnan siya na parang siya na ang pinakaboring na nakausap ko. Binigyan ko siya ng ngiting namamangha. Grabe, she knows na nasa London ako? "I’m not. I don’t stalk panget. You have no space here" mas lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang kapal din ng pagmumukha niya, huh? Mas lalong kumapal mukha niya? "Space? Oo nga pala nakalimutan ko, nang aakin ka pala ng mga bagay na hindi sayo o ....." I paused tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago binalik ang tingin sa mga mata nito "Should I say nangunguha?" halata ang irita dahil sa pagkahiya niya sa mukha. Some of her friends heard what I’ve said, nagsimula silang mag-usap-usap.   "Tss. You better shut up nerd, kahit nawala ung eye glasses mo, still panget ka pa din" napailing- iling naman ako. Pag ang tao nasa mataas na posisyon noon hindi nito matatanggap na nalamangan na siya ngayon. "Panget? Are you describing yourself b***h?" tumaas pa ang sulok ng labi ko na mas lalong nagpainis sa kaniya. "ANONG SABI MO?!" sigaw nito kaya napatingin sa amin ang ibang taong malapit sa amin. "Oo bakit hindi ba?" "Ang kapal ng mukha mo" sasampalin na niya sana ako nang maunahan ko sya. Isang malutong na sampal ang pinakawalan ko. "Tss, papunta ka palang pabalik na ako" halata naman sa mukha niyang nagulat sya sa ginawa ko. So she's not expecting me that I can hurt her huh? Ngumisi ako "Eto ang tandaan mo Freah. I am not the same Ellaine you used to know. I'm not the same Ellaine that you left behind when you become popular. I'm not the same ellaine na naging kaibigan mo, dahil itong Ellaine na nasa harap mo ngayon ay hinding hindi niyo na maapi, dahil iyong bagong ako? 'Yon 'yong magiging dahilan ng pag bagsak niyo" sabi ko sa kanya sabay talikod. Hindi na ako ang dating Ellaine. Maghintay kalang sa gagawin ko Freah , dahil sisiguraduhin kong babagsak ka..          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD