“WHAT IS THIS?” tanong niya kay Ace pagkatapos iniabot sa kanya ang kanyang cellphone na hiniram nito. Ngumiti ang dalaga at uminum ng juice. Nasa mansyon sila ng mga sandaling iyon. Sabado kaya walang pasok sa eskwela si Ace. Siya naman ay hindi pumasok sa opisina. Ang sabi kasi ni Ace ay may ipapakita ito sa kaya. “Itinuro iyon sa akin ng co-teacher ko. Ang sabi niya, music streaming apps daw iyan. Pwede daw mag-upload dyan ng kanta. Naisip ko na pwede mong eh upload ang gawa mo diyan.” Napatingin siya sa phone niya. May bagong apps nga na naka-install doon. Cloud na kulay orange ang mukha ng apps na iyon. Binuksan at tiningnan ang feature. “Ang sabi sa akin ng co-teacher ko may iilan daw na composer ang naglalagay ng kanta nila diyan. Hindi ba ang ganda. Maririni

