“I’M SORRY,” sabi niya kay Ace ng nasa kotse na sila. “Sorry for what?” “Sorry dahil nadamay ka pa kanina sa ginawa ni Rowena.” Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Ace. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Ano ka ba? Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama. I involve myself because I wanted too. Nakakainis kasi ang mga sinabi nito. Ang kapal ng mukha niya na sabihing mahal ka niya pagkatapos ng mga ginawa niya. Sinira niya ang career mo tapos kung umasta siya parang isang malinis na babae.” Hindi maitago ni Ace ang irritasyon nito na nagpangiti sa kanya. Nilukob ng saya ang puso niya. Ngayon niya lang nakita na ganoon reaksyon mula sa dalaga. Sa loob ng ilang buwan na nakasama niya si Ace ay hindi niya pa nakitang nainis o nagalit ito. Alam niyang may busilak na puso i

