CHAPTER TEN NANLALAMIG ang mga kamay ni Ace ng makapasok sila ng villa. Pinisil niya ang kamay nito para iparamdam na naruruon siya at hindi niya iiwan ang dalaga. Nasa unahan nila ang pinsan na si Alex. Pagpasok nila ng habag-kainan ay naruruon na ang lahat at nakaupo sa isang mahabang mesa. Napangiti siya ng makita si Tita Ivy na naka-upo sa gitna at dulong bahagi ng mesa. Lumapit siya kay Tita Ivy ng hindi binibitawan ang kamay ni Ace. “Magandang umaga, Tita.” Humalik siya sa pisngi ni Tita Ivy. Ngumiti ang butihing step-mom niya. “Masaya akong makita ka, Tim.” Hinawakan pa ni Tita ang pisngi niya. Tumikhim si Alex na nagpatingin sa kanila dito. “Kuya Tim, pakilala mo naman kami sa magandang babaeng kasama mo.” Sinamaan niya ng tingin ang pinsan ngunit tumawa la

