CHAPTER EIGHT 'NAKAKAHIYA!' nasabi niya sa kanyang isipan. Ano ba kasing iniisip niya at iyon ang sinabi niya sa dalaga? Nakita niyang namula at napatulala ang dalaga sa sinabi niya kanina. Buti na lang talaga ay tumunog ang bell hudyat nang pagsisimula ng klase pero bago siya nito tinalikuran ay tinanong siya nito kung pwede ba niya itong hintayin. May breaktime daw ang mga bata at pwede siya nitong kausapin. Tumungo na lang siya. Ngayon nga ay nakatingin siya dito. Pre-Nursery ang tinuturuan ng dalaga at kahit makukulit ang mga estudyante nito ay baliwala lang sa dalaga. Kalmado lang ito lagi. Kapag nagsimulang lumikot ang estudyante nito ay agad nitong pinagsasabihan. She looks so expert in kids. Hindi niya tuloy maalis ang tingin dito. Bawat galaw nito ay pinagmamasdan niya. Baw

