TAHIMIK na kumakain si Timothy. Hindi parin siya makapaniwala na umuwi ang kapatid. Tinanong niya ito kanina kung kailan ito umuwi at ang sabi nito ay kagabi. Masaya siyang makita ang kapatid pero mukhang hindi ganoon ang reaksyon nito. Seryuso pa rin kasi itong kumakain. Tahimik naman ang lahat na naruruon. Walang nais magsalita kahit isa. Si Ashley na iyak ng iyak kanina ay tahimik na din kumakain.
"Kumain ka lang, Tim." Nilagyan ni Tita Ivy ng pagkain ang kanyang plato.
"Salamat Tita." Ngumiti siya dito.
Gumanti naman si Tita at nilagyan din ng pagkain ang plato ni Lincoln.
"What do you want me to do with Benjamin and Rowena?"
Natigil ang pagsubo niya ng magtanong si Lincoln. Seryuso ang mukha ng kapatid. Patuloy lang ito sa pagkain nito. Nakita niyang napatingin si Tita Ivy sa kapatid.
"Cole, anak, mamaya niyo na iyan pag-usapan. Kumain ka muna."
"I want them to scramble and suffer. Gusto kong iparanas sa kanila ang ginawa nila sa iyo. Including the CEO of Stardium Agency and your ex-manager. Gusto kong ipaalam sa kanila kung paano magalit ang isang Saavadra," puno ng puot ang boses ni Lincoln.
Hindi maitatago ang galit ng kapatid sa mga taong umapi sa kanya. Nais talaga nito siyang ipaghigante. Knowing Lincoln, hindi ito titigil hanggang hindi gumagapang ang taong gumawa ng masama sa kanya. Ito ang nakakatakot kay Lincoln, kaya nitong gumanti.
Huminga siya ng malalim. "Do what you want Cole but I have one request."
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Cole. Alam na nito kung ano ang gagawin. Hindi na niya kailangan sabihin dito kung paano pahihirapan ang mga taong ginawan siya ng masama. Kilala niya ang kapatid. Hindi ito gagalaw kung alam nitong may mapapahamak isa sa kanilang mahal nito. Kaya nga talagang maasahan niya ito.
"What is it, Kuya Tim?" tanong ni Alex.
Sa tingin niya ay tutulong din ang pinsan niyang ito. Kaya nga malapit ito kay Lincoln, magaling gumawa ng plano ang dalawa.
"Wag niyong pakiki-alaman ang career ko. Babalik ako bilang artista ng ako ang gumagawa ng paraan. Ibigay niyo na iyon sa akin."
Nagkatinginan si Lincoln at Alex. "Call."
"Oo nga pala, may nalaman ako tungkol sa T.V network kung saan may pinirmahan kang kontrata. They void your contract because of the issue. Nalaman ko na ang may kagagawan noon ay ang asawa ng Vice President ng T.V network. Ang asawa nitong si Arlene ang nagtulak sa asawa nito na gawin iyon. I found out, she have an affair with Benjamin. What do you want me to do with her?" Madilim ang mukha na tanong ni Ashley.
"Kailangan pa bang tanungin iyan, Ash?" Ngumisi si Alex.
Isang nakakatakot na ngiti ang isinukli ni Ashley. "Let me handle her and Franzy."
Ngayon palang ay sinasabi na niya, walang kawala ang mga ito sa mga pinsan niya.
Narinig nilang bumuntong-hininga si Tita Ivy. Lahat sila ay napatingin dito. May lungkot sa mga mata ng taong iniingatan nila. Tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"I'm happy you are okay, Tim. At kayo..."
Hinintay nila ang iba pangsasabihin ni Tita Ivy. Alam nilang papagalitan sila nito sa gagawing paghihiganti. Masyadong mabait si Tita at nais nitong sa ibang paraan gumanti. Ang alamin ang totoo at ipakulong ang mga ito. Habang silang magpipinsan ay iba ang nais.
"... ayusin niyo ang gagawing parusa sa kanila. Sisiguraduhin ko din na makukulong sila sa ginawa nila kay Tim. Hindi ko palalampasin ang ginawa nila sa isa ko pang-anak." Masuyong hinaplos ni Tita Ivy ang kanyang pisngi.
Lahat sila ay napangiti sa sinabi ni Tita. Oo nga pala, mabait si Tita kaso nakakatakot magalit. Dito nga pala nagmana ng ilang ugali nito si Lincoln.
Pagkatapos nilang kumain ay pinaki-usapan siya ni Tita Ivy na doon muna sa mansyon tumuloy para mas maalagan siya nito. Sinabi din nito na sumama siya dito sa flower farm nito sa Pampanga para naman makapagbakasyon at makapagpahinga siya. He needs to stay away from the drama for a while. Pinagsabihan siya ni Lincoln na wag munang bigyan ng alahanin si Tita Ivy kaya naman pumayag siya. Gusto din naman niyang magbakasyon para makapag-isip. Saka na niya aayusin ang career niya. Kailangan niya muna ayusin ang sarili. He was devastated because of what happened to him.
"Okay ka lang ba, hijo?" tanong ni Tita Ivy.
Inaayos nito ang kamang tutulugan niya. May mga katulong itong katuwang. Nakita niyang may iilang gamit siyang naruruon. Mukhang inayos nilang lahat ang kailangan niya. Hindi na talaga siya hahayaan ng mga ito na makaalis.
"I'm fine now, Tita. Salamat po." Umupo siya sa mahabang sofa na naruruon.
Ang kwartong iyon din ang madalas niyang gamitin kapag nasa mansyon siya ng Saavadra. They really treat him like he's part of the family. He is very thankful because of it.
Naglakad papalapit sa kanya si Tita Ivy at na upo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya. Napatingin naman siya sa ginawa nito.
"Nandito lang kami para sa iyo, Tim. Anak na ang turing ko sa iyo. Tanggapin mo man o hindi ang pagiging Saavadra para sa akin ay parte ka ng pamilya. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ka. Nasasaktan ako sa mga sinabi nila patungkol sa iyo. Gusto kitang protektahan kaso alam kong hindi mo iyon magugustuhan pero nais kong malaman mo. Mas mahalaga ka kaysa sa pangalan at reputasyon ng mga Cortez at Saavadra. Ikaw..." hinawakan ni Tita ang dibdib niya. "... ang panganay na anak namin ng Daddy mo. Lincoln loves you and I also loves you as my son."
Pumatak ang mga luha ni Tita Ivy. Nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman nito. Pinunasan niya ang mga luha at niyakap ito. Pinigilan niyang umiyak. Ayaw niyang ipakita kay Tita Ivy na nasasaktan siya. Ayaw niyang bigyan pa ito ng sama ng loob.
"Mom."
Sabay silang napatingin ni Tita Ivy sa pinto ng marinig ang boses ng kapatid. Nakatayo ito sa may pinto at walang emosyon ang mukha. Lumapit ito sa kanila at umupo sa tabi ng ina.
"Magseselos na ba ako kay Kuya," litanya ng kapatid niya.
Sabay silang natawa ni Tita Ivy. Inakbayan nito si Lincoln at kinurot ang pisngi.
"Mom!" sigaw ni Lincoln at tinabig ang kamay ng ina.
Napangiti naman siya. Iyon ang uri ng paglalambing ni Tita Ivy. "Sus! Ang batang ito. Isumbong kaya kita kay Trixie."
Sumimangot si Lincoln ng marinig ang pangalan ng nobya. Natawa na lang siya. Walang alam si Tita tungkol sa totoong relasyon ni Lincoln at Trixie. Kung may tao man na madalas pagsabihan ng tungkol sa pagkatao nito si Cole ay siya at si Alex iyon. Kaya nga malapit siyang tatlo.
"Umalis na ba si Alexander at Ashley?"
"Yes. Pupuntahan daw ni Alex ang nobya nitong si Sapphire. Si Ash naman ay pupuntahan ang bestfriend nitong si Dennis."
Tumungo si Tita at sabay na ginulo ang buhok nilang dalawa. "Masaya akong nandito ang dalawang anak ko."
Hindi sila umimik ni Cole. Nakita niyang sumandal si Cole kay Tita Ivy. Malambing si Cole pagdating kay Tita. Ito na lang kasi ang magulang na naiwan dito. At habang nakatingin siya sa mga ito ay pinapangako niya na iingatan niya ang pamilyang iyon. Ito na lang din ang meron siya.
NAKATINGIN sa naggagandahang bulaklak ng farm si Timothy habang nasa kandungan ang kanyang gitara. Magdadalawang linggo na din siya sa flower farm ni Tita Ivy. Naging maayos na din naman siya habang naruruon. Hindi muna siya nagbabasa ng kahit anong balita patungkol sa kanya at sa mga taong may kinalaman sa pagkasira ng career niya. Sinabi lang ni Cole noong huling punta na tapos na ang mission ng mga ito.
"Luluwas ka na daw ng Manila bukas, Kuya Tim?" tanong ni Alexander.
Ito ang maghahatid sa kanya sa Manila. Gusto niya sana na ang family driver na lang ng pamilya ngunit hindi pumayag si Tita Ivy. Nais masigurado ni Tita na maka-uwi talaga siya. Mabilis daw kasi masindak ang mga driver nila sa kanya na ikinatawa na lang niya.
"Oo. Gusto ko na din bumalik para ayusin ang career ko," sabi niya.
Ngumiti si Alex. "Sana makabalik ka. Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa amin."
"Laban ko na ito, Alex. Malaki na din naman ang itinulong niyo sa akin." Uminum siya ng juice.
Nasa green house sila ng mga sandaling iyon. Nasa labas naman si Tita Ivy at pinapangunahan ang pagtatanin ng bulaklak. Nais niya sanang tumulong pero pinagsabihan siya na huwang gumalaw at baka mapano ang braso niya. Natawa naman siya dahil maayos na din naman ang braso niya. Bantay sarado ng Tita Ivy niya ang pag-inum niya ng gamot. He feels love and care. Sa loob ng dalawang linggo ay nadama niya ang isang ina kay Tita Ivy. Mula noon at hanggang ngayon ay walang nagbago sa pagkikitungo ni Tita sa kanya.
"Thank you, cousin. I take note of that."
Napailing na lang si Alex. Alam kasi nito na hindi siya hihingi ng tulong.
"Oo nga pala." Umayos ng upo si Alex.
Napatingin siya dito. Seryuso ang mukha ng pinsan at kinuha sa bulsa nito ang phone. Ibinigay nito iyon sa kanya.
"Naalala mo ba iyong babaeng tumulong sa iyo. She was texted me. Asking if you are okay."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Kinuha niya ang phone at binasa ang text. May text nga doon ang babae ngunit isa lang iyon. Na ngangamusta lang talaga. Bigla siyang nakadama ng paghaplos sa puso niya. Nag-aalala pa rin ba ito sa kanya.
Hindi ba at ang sabi nito ay taga-hanga niya ito. Hindi niya napigilan ang ngiting sumilay sa labi niya pero agad din siyang nagseryuso ng maalala na kaharap niya ang pinsan.
"Hindi mo siya sinagot?"
"Nope. Hindi ako nagrereply sa mga hindi ko masyadong kilala. Alam mo naman di ba, ayaw kong magselos si Sapphire."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Hindi na siya nagkomento pa sa huling sinabi ng pinsan. "Kukunin ko ang number niya pag-uwi natin. Hindi pa ako pormal na nagpapasalamat sa kanya."
"Lincoln already did."
Napatingin siya sa pinsan. Salubong ang kilay niya. Anong sinasabi nito?
"Inalam ni Cole kung bakit may pilay ka. Doon niya nalaman na sinagip ka ng babaeng iyon. Nakita mo sana kung gaano kagalit si Cole kay Benjamin." Tumawa ng bahagya si Alex. "Hindi na makakabalik pa ng showbiz ang dati mong kaibigan dahil sa ginawa ni Cole. Sinigurado talaga ng kapatid mo na gagapang siya."
Wala siyang paki-alam sa dadanasin ni Benjimin sa kamay ni Lincoln. Mas inaalala niya ang ginawa ng kapatid sa babaeng tumulong sa kanya. Ace Menises did good thing to him. Kung may huling nais man siya ay iyong ma offend ito sa kanya.
"Anong ginawa ni Cole kay Ace?" pasigaw niyang tanong.
Mukha naman nagulat si Alex sa bigla niyang pagsigaw dahil napa-atras ito ng bahagya. Nagtagpo din ang mga kilay nito.
"Chill, Kuya Tim. Wala naman ginawa si Cole sa kanya."
"Tell me. She saves my life and I don't want her to be offended."
"Wala naman ginawa si Cole. Pinadalhan niya lang ng bulaklak ang babae bilang pagpapasalamat sa pagligtas sa iyo. White roses iyong pinadala ng kapatid mo."
Nakahinga naman siya ng malalim dahil sa sinabi nito. Akala niya talaga ay binigyan ito ng pera ni Cole. Kilala niya ang kapatid, mabilis itong magbigay kapag nais nito. Kaya talagang natatakot siya. Nakaka-offend kasi kapag pera ang ibinigay mo. Sa tingin pa naman niya kay Ace ay maprinsipyong tao.
"Bakit ba ayaw mong ma-offend iyong tao sa iyo?"
Napatingin siya sa pinsan. "Because she saves my life."
Tumaas ang kilay ni Alex. "You tried to harm yourself and she stops you. Hindi ba dapat mainis ka dahil pinaki-alaman ka niya sa mga plano mo."
Tiningnan niya ng masama ang pinsan. "Gusto mo na yata akong mamatay?"
Tumawa si Alexander sa sinabi niya. Tumayo ito na pinagtaka niya.
"Tara!"
"Saan?" Salubong ang kilay na tanong niya.
"Saan pa? Kung hindi bumalik ng Manila. Daanan natin ang babaeng ayaw mong ma-offend. Mukhang namiss mo siya," mapanuksong sabi ng pinsan.
Naramdaman niyang namula ang kanyang pisngi dahil sa sinabi nito. Tumayo siya at hinabul ito habang hawak ang gitara. Tumakbo nama si Alexander na tumatawa. Inaasar siya ng pinsan. Naghabulan silang dalawa sa loob ng greenhouse. Nakatingin lang sa kanila ang mga trabahador na nagtatanong ang mga tingin. Mukha kasi silang batang pinakawalan ni Alexander.
Habang ang Tita Ivy nila na kakapasok lang ng greenhouse ay nakangiti silang pinagmasdan.
'ARE you sure na ganitong oras siya umaalis?' text niya kay Ashley.
Nalaman niya sa pinsan na malapit sa lugar na iyon ang isa sa kaibigan ng pinsan. Nasa loob ng subdivision ang bahay ni Ace kaya hindi siya pwedeng pumasok. Makakapasok ka lang kapag resident ka o di kaya ay may kamag-anak ka na magpapasok sa iyo sa loob. Mahigpit daw ang security sa loob.
Hinihintay niya si Ace dahil simula ng sabihin ni Alex na kinakamusta siya nito ay hindi na ito maalis sa isipan niya. Kaya nga pupuntahan niya ito ngayon para personal na makapagpasalamat. Sa tingin niya ay iyon ang dahilan kaya hindi ito mawaglit sa kanyang isipan. Ang ngiti ng babaeng iyon ay talagang may ibang haplos sa puso niya. At alam niya sa sarili na hindi iyon ang unang pagkikita nila ng dalaga. Hindi niya lang maalala kung saan.
Napa-ayos siya ng upo sa sasakyan ng may nakitang babae na bumaba ng tricyle na lumabas ng subdivision. At mula sa kinahihintuan ng kanyang kotse ay agad niyang nakilala ito. Sino ba kasi ang hindi makakapansin agad kay Ace? Napakaganda naman kasi ng babae.
Nagsimulang maglakad ang dalaga. Nakasuot ito ng pink blouse at pink skirt, sa unang tingin niya ay masasabi niyang uniform iyon. Sinundan niya ang babae. Hindi niya alam kung bakit hindi niya pa ito malapitan. Nais lang naman di ba niyang pormal na magpasalamat dito. Ngunit may pumipigil sa kanya. Para bang nais niya pang pagmasdan ang babae.
Mabagal ang bawat hakbang ni Ace. May hawak itong payong at walang paki-alam sa mga taong nadaanan. Hindi ba nito alam na lahat ng mga lalaking nadaanan nito ay napapalingon. Hindi lang iyon, kitang0kita din sa mga mata ng mga ito ang paghanga. Lahat ng mga ito ay sinusundan ng tingin ang dalaga. May isang lalaki pa nga na tinutulak ng kasama para lapitan ito. Bigla ay nakaramdam siya ng inis sa mga lalaking iyon. Nais niyang tusukin ang mga mata ng mga ito para lang hindi pukulan ng tingin ang dalaga. Gusto niyang bumaba ng sasakyan at pagsabihan ang mga ito.
Bago pa niya magawa ang naisip ay makita niyang huminto ang babae at may kinuha sa bag. Nakita niyang cellphone iyon. Mukhang may tumawag ito. Nagsimula ulit maglakad ang babae habang may kausap ito sa cellphone. Ilang sandali pa ay pumasok ito sa isang gate. Napatingin siya sa itaas na karatula. Private school.
Nagsalubong ang kilay niya. Itinabi niya ang sasakyan hindi kalayuan. May mga batang pumapasok doon kasama ang mga magulang. Pinagmasdan niya lang ang mga ito. Anong ginagawa ni Ace doon? Napansin niyang may isang security guard na nagbabantay doon. Nagsuot siya ng salamin at cap para hindi siya makilala ng kahit sino. Lumabas siya ng kotse at lumapit doon.
"Magandang umaga po," bati niya sa security guard.
"Magandang umaga din sir," balik bati ng guard.
Napasilip siya sa loob. Nakita niya na maraming bata ang naglalaro at may mga magulang sa loob.
"May kailangan po kayo, sir?" tanong ng guard.
"Ah..." nag-alangan siya bigla. Paano kung tawagin nito bigla si Ace? Nakakahiya sa dalaga kung sakaling malaman nito na sinundan niya ito doon. Hindi naman kasi nito sinabi na doon ito nagtatrabaho. Dapat pala inalam muna niya o di kaya ay nilapitan na agad ito kanina. Hindi sana siya mukhang iwan ngayon.
"Sir, may kailangan po ba kayo?" nagtatakang tanong ng guard.
Tumingin siya dito. Mukha naman mabait ang guard na ito. Tumikhim siya. Bahala na. Saka na siya lulusot mamaya kay Ace.
"Ah. Dito po ba nagtatrabaho si Angela Caress Elizabeth Menises?"
Lumiwanag ang mukha ng security guard ng banggitin niya ang pangalan ng dalaga. Kung ganoon ay kilala ito doon. Ngumiti ang guard sa kanya.
"Kaibigan po ba kayo ni Teacher Ace?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Teacher? Teacher ang dalaga. Nagtuturo ito. Kaya ba ganoon kalambing at kahinhin ang boses nito. Kaya ba ganoon kung gumalaw ang babae
"Ah. Oo, kaibigan nga niya po ako. Nasa loob po ba siya?"
"Oo sir. Kararating lang niya po. Gusto niyo po bang pumasok?"
Natuwa siya sa sinabi nito. "Pwede po ba? Hindi po ba ako makaka-isturbo?"
"Hindi pa naman po nagsisimula ang klase. Log in na lang po kayo dito sir."
Agad siyang nag-log in sa logbook nito. Hindi mahigpit ang paaralan na ito pero okay na din. At least makakapasok siya ng hindi mapapansin ni Ace. Pagkatapos niyang ilagay ang pangalan niya sa logbook ay pinapasok na siya at itinuro ang kwarto kung saan nagtuturo ang dalaga. Mabagal siyang naglalakad. Pinapanood niya pa kasi ang mga bata na naglalaro. Napapangiti siya habang nakikita ang mga ngiti sa labi ng mga ito. Masarap maging batang muli. Wala kasing iniisip na problema at ang nais lang ay maglaro hindi kagaya nilang matatanda.
Narating niya ang kwarto ni Ace. Bahagya siyang sumilip. Nakita naman niya ang dalaga na nag-aayos ng gamit. Kaya pala ganoon ang ayos nito, isa pala itong guro. Nakita niyang may lumapit na batang lalaki dito at may iniabot na bulaklak. Ngumiti ang dalaga ng ubot tamis at ginulo ang buhok nito. Napangiti naman siya ng masilayan ang ngiti nito.
Napasandal siya sa pinto at pinagmasdan ang dalaga na pinagkaguluhan na ng mga bata. Tumawa pa ito ng sabay-sabay na nagbigay ang mga bata ng bulaklak. Para naman siyang dinuyan ng marinig ang tawa nito. Ang sarap nitong pagmasdan. May humaplos sa puso niya dahil sa tawang iyon. Hindi yata siya magsasawa sa tawa nito na parang musika sa kanyang pandinig.
Naputol ang pagsisinti niya ng may kumalapit sa kanya. Napatingin siya sa taong humila ng kanyang damit. Dalawang inosenteng mga mata ang nakatingala sa kanya ang kanyang nakita.
"Mister, sino po kayo?" magalang nitong tanong.
Hindi agad siya naka-imik. Nagulat siya sa tanong ng bata.
"Mister, may hinahanap po ba kayo? Sandali po at tatawagin ko si Teacher Ace." Bago pa niya mapigilan ang bata ay mabilis itong tumakbo papunta kay Ace.
Nakita niyang kina-usap ng bata si Ace at tinuro pa siya ng batang babae. Tumingin sa gawi niya si Ace. Bumilis ang t***k ng puso niya ng magtagpo ang kanilang mga mata. Nakita niyang nagulat ito pero agad din nakabawi. Ngumiti ang dalaga na naging dahilan para lalong magwala ang puso niya. Mas bumilis at lumakas ang pagtibok ng kanyang puso. Para na iyong lalabas sa loob niya. Ano bang meron sa ngiti nito na nagpapagulo sa sistema niya?
Tuluyan ng nakalapit sa kanya si Ace pero hindi pa rin niya napapakalma ang sarili. Nahihiyang ngiti ang ibinigay niya sa dalaga. Gusto niyang pagsabihan ang sarili sa reaksyon nadarama para kay Ace.
"Hi. Anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ni Ace.
"H-hi." tanging lumabas sa labi niya. Hindi niya mahagilap ang kanyang dila. Para siyang nawalan ng kakayahang magsalita.
Mahinang tumawa si Ace. "Buti ang maayos na ang kalagayan mo, Timothy. May hinatid ka ba di-"
Hindi nito natuloy ang sasabahin dahil bigla siyang nagsalita.
"Bakit ang ganda mo ngayon?"
Iyon ang lumabas sa labi niya dahilan para manlaki ang mga mata ni Ace. Doon niya lang na pagtanto kung ano ang sinabi.
'Kill me now.' nakakahiya ang sinabi niya. Lalo na ang tono ng boses niya ng lumabas ang katanungan na iyon sa bibig niya. Kailan pa siya naging malambing?