CHAPTER SIX

3513 Words
         MARAHANG inimulat ni Timothy ang kanyang mga mata. Sinalubong siya ng liwanag mula sa bintana. Muli siyang pumikit at nagmulat din. Napatingin siya sa paligid. The room was all white. Puti ang kurtina at ganoon din ang dalawang sofa na nakita niya. May kabinet siya nakita sa isang sulok. Nakahiga siya sa isang kama na putin din ang kobre kama. Nasa langit na ba siya? He saw white all over the place. Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon at pumasok ang isang babae.          Napatitig siya dito. Marahan itong naglalakad papunta sa kanya. May ngiti sa labi nito. May hawak itong isang tray ng tubig. Habang pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha ay parang tumigil ang mundo niya. Hindi niya mapigilan na titigan ang labi nito na nakangiti. Ngayon lang siya nakakita ng isang babae na sobrang ganda kung ngumiti. Lalong lumiwanag ang paligid ng pagmasdan niya ito sa mga mata. Napakaganda ng mga mata nito na kayumanggi. Why she looks so familiar? Nararamdaman niya na nakita na niya ang babaeng ito ngunit hindi niya maalala kung saan.          Maybe she was her angel. Tama! Ito ang angel niya. Mukha naman kasi talagang angel ang babae. Kung ganoon ay nasa langit na siya. He is finally free from his misery.          “Good morning,” bati ng babae at inilapag ang dalang tray sa bedside table.          Hindi niya napagilan ang isang ngiti ng marinig ang boses nito. Napakaganda ng boses nito. Parang hinahaplos ang puso niya. Meron pa bang ganoong babae sa mundo. Wala. Isang angel nga ang babae. Isang angel na kay sarap titigan. Hindi yata siya magsasawang titigan ito.          “Wala bang masakit sa iyo?” nag-aalalang tanong ng babae.          Nanatili ang babae na nakatayo sa tabi ng kama niya. Bahagya siyang umayos ng upo. Umiling siya bilang tugon sa tanong nito.          “Mabuti naman kung ganoon. Inumin mo pala yan. Ang sabi ni Tocila, mainam daw iyan para sa iyo.” Itinuro nito ang dalang tray kanina.          Tumingin siya sa tinuro nito at doon niya nakita ang isang tableta. Nagsalubong ang kilay niya ng makita iyon.          “Para saan ang gamot na ito?” tanong niya sa babae.          “Well, namamaga kasi ang kaliwang braso mo. Ang sabi ni Tocila baka na bangga sa bakal o semento ng tumalon ka sa tulay.”          Hindi siya nakagalaw sa kina-uupuan ng marinig ang sinabi nito. Napatingin siya sa kaliwang braso. Doon niya lang napansin na nakalagay sa arm sling. Kung ganoon ay hindi pa siya patay. Wala pa siya sa langit.          “Nakita ka namin kaninang madaling araw na tumalon ng tulay. Agad kang niligtas ng pinsan ko. Buti at iyan lang ang natamo mong pinsala. Inumin mo na iyan para mawala ang pamamaga. Kung masakit siya, ang sabi ni Tocila ay reresitahan ka niya ng pain reliever.”          Napatingin siya sa babae. May ngiti pa rin sa labi nito ngunit nakikita niya sa mga mata nito ang awa. Parang may tumurok na matalim na bagay sa puso niya. Ayaw niyang kaawaan siya ng ibang tao. Kilala ba siya ng babaeng ito. Siguradong kilala siya nito. Nakilala nga siya ng mga taong iyon sa supermarket. Umayos ng tayo ang babae.          “Nasa baba ang almusal mo. Baba ka nalang ha,” sabi nito at naglakad papunta sa pinto na pinasukan nito kanina.          “Nasaan pala ako?” tanong niya bago ito tuluyan lumabas ng kwarto.          Lumingon ito sa kanya. “Nasa apartment kita dito sa Pasig. Wag kang mag-alala, walang nakaka-alam kung anong nangyari sa iyo kagabi maliban sa kaibigan kong doctor at pinsan ko na siyang sumagip sa iyo. Sige na, inumin mo na ang gamot mo tapos bumaba ka na.”          “I need to eat first before I take my medicine,” aniya sa dalaga.          Ngumiti ito. “Okay. Baba ka na lang. Aayusin ko ang pagkain mo.”          Tuluyan na itong lumabas ng kwarto. Para naman siyang nakahinga ng maluwag ng lumabas. Hindi niya napansin na pinipigilan pala niya ang paghinga mula kanina ng makita ang dalaga. She was a breath taker. Buong akala niya ay angel ito. Well, totoong angel ito. Niligtas siya ng dalaga. Pero hindi ba at nagpapakamatay siya. Ngumiti siya ng mapakla. Wala palang nangyari sa pagtalon niya sa tulay. Buhay pa rin siya at messirable. Hindi pa pala tuluyan natatapos ang paghihirap niya. Bakit ba kasi niligtas pa siya ng babaeng iyon?          Napatingin siya sa iniwan nitong tray. Kinuha niya ang tubig at ininum iyon. Napatingin siya sa brasong namamaga. Bakit wala siyang nararamdamang sakit doon? Mas masakit pa yata ang puso niya. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa labi niya. Tumayo siya at muling iniikot ang paningin sa paligid. Maganda ang kwartong iyon. Ang sabi ng babae ay nasa apartment siya nito. Apartment ba talaga? Bakit pakiramdam niya ay nasa bahay siya nito? Naglakad siya papunta sa bintana. Nakita niya ang iilang bahay na hindi kalayuan doon. Tama ang hinala niya, bahay nga iyon.          Napatingin siya sa suot na damit. Nagsalubong ang kilay niya dahil hindi iyon ang suot niya. Sino ang nagbihis sa kanya? Nasaan ang gamit niya? Oo nga pala, iniwan niya sa loob ng kotse ang phone at wallet niya. Iyong susi lang ng kotse niya ang nasa kanyang bulsa. Siguro naman ay tinago iyon ng babae. Lumabas siya ng kwartong iyon at hinanap ang taong may-ari ng bahay na iyon. Nakita niya ito sa kusina at nag-aayos ng mesa.          Maliit lang ang bahay na iyon. Tama lang sa pang-isahang tao. Dalawang kwarto ang napansin niya kanina sa taas. Sigurado siyang kwarto nito ang isa. Lumapit siya dito. Napatingin ito sa kanya at ngumiti. Muli siyang natigilan at napapigil sa paghinga ng makita ang ngiting iyon. What’s wrong with him? What’s with her smile?          “Gutom ka na ba?” malambing na tanong nito.          Tumungo siya ng hindi inaalis ang tingin sa mga mukha nito. Nararamdaman niya ang bilis ng t***k ng puso niya. Lalong napangiti ang babae.          “Upo ka na para makakain at makainum ng gamot mo.”          Itinuro nito ang isang upuan. Para naman siyang maamong tupa na sumunod dito. Umupo siya. May inilapag itong isang tasa ng kape sa tabi niya. Napaangat siya ng tingin. Nagtagpo ang mga mata nila. May ningning na sa mga mata nito. Agad itong lumayo sa kanya at umupo sa katapat niyang upuan. Simpleng agahan lang ang nakahain sa harapan niya. Fried rice, egg, hotdog, ham at tocino.  Halatang bagong luto ang lahat ng nakalagay sa mesa. Sinundan niya ang bawat galaw nito. Kumuha ito ng kanin at itlog. Napakahinhin nitong kumain at uminum ng chocolate. Bawat galaw ng labi nito ay na hahalina siyang pagmasdan ito. May babae pa palang walang paki-alam sa paligid nito kapag kumakain. She looks so good while eating. Para bang nabubusog na din siya habang pinagmamasdan ito. Mukhang napansin ng babae ang ginawa niyang pagtitig kaya tumingin ito sa gawi niya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at ininum ang kape na bigay nito. Dahil sa ginawa ay napaso ang dila niya. Nakalimutan niyang kakabigay lang iyon ng babae at mainit pa.          Nais niyang iluwa ang kape ngunit hindi niya nagawa dahil baka iba ang isipin ng babae at sumama ang loob nito. Nilunok niya agad iyon dahilan para maramdaman niya ang init sa lalamunan.          ‘Fvck s**t!’  napamura siya sa isip. Nais niyang batukan ang sarili sa katangahan na ginagawa. Kinagat na lang niya ang ilalim ng labi niya para pigilan ang sarili.          “Kain ka,” sabi ng babae at ito na ang naglagay ng kanin sa plato niya. Nilagyan din nito ng itlog at hotdog ang plato niya.          Nagulat naman siya sa ginawa nito. Napatingin siya sa dalaga at napigil niya ang paghinga ng makita na nakatayo ito sa tabi niya. Sobrang lapit nito kaya nakikita niya kung gaano ito kakinis at kabuti. Napalunok siya ng laway. Parang may bumara sa lalamunan niya. Bumilis din ang t***k ng puso niya at naramdaman niyang may kakaiba sa tiyan niya.          “Salamat,” pabulong niyang sabi at iniiwas ang tingin.          “Walang anuman.” Bumalik na ito sa kinauupuan nito.          Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Kumain na din siya. Naparami ang kain niya ng kanin. Halos maubos niya ang kanin na nakahain sa sobrang lakas niyang kumain. Ilang araw na ba siyang walang matinung kain. Ngayon niya naramdaman ang sobrang gutom. Hindi lang din iyon ang dahilan, napakasarap ng pagkain sa harap niya. Oo nga at simpleng almusal lang iyon pero pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamasarap na pagkain na natikman niya. He really loves her cook.          Natigil siya sa pagkain ng may narinig siyang tumawa. Napataas siya ng tingin. Nakita niyang pinipigilan ng babae ang tawa nito. Nakatingin din ito sa kanya. Nakaramdaman naman siya ng pagkapahiya. Mukha siyang patay-gutom sa ginawa niya. Tumikhim siya at umayos ng tayo.          “Kain ka lang. May kanin pa naman sa rice cooker. Sandali kukuha pa ako.” Tumayo ito at kinuha ang lagayan ng kanin.          Napakagat naman siya ng labi. Sobrang nakakahiya ang ginawa niya. Kumuha nga ang babae ng kanin ngunit hindi na siya muling kumuha pa dahil sobrang nahihiya na siya dito.          “Hindi ba sumasakit ang braso mo?” Basag ng babae sa katahimikan na humari sa pagitan nila.          Napaangat siya ng tingin. Napatingin siya sa braso niya. Iisang kamay lang ang gamit niya at hindi naman siya nahihirapan. Marahil ay dahil sa kanan naman talaga ang madalas niyang ginagamit na kamay.          “Hindi naman siya masakit.” Sagot niya.          “Buti naman. Akala ko talaga ay hindi ka namin maliligtas kagabi.” Nahimigan niya ng kaginhawahan ang boses nito.          Natigil siya sa pagsubo. Nag-alala ito sa kanya kagabi. May humapos sa puso niya sa kaalaman na nag-alala ito. Pinigilan niya ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili. “Salamat pala.”          “Walang anuman. Kain ka pa.”          Tumungo siya. Muling uminum ng chocolate drink ang babae. Hindi na siya sumubo pa ulit at tinitigan na lang ang babae. “Maari ko bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya.          Nanlaki naman ang mga mata ng babae. Umayos ito ng upo. “Hindi ko pa ba nabibigay ang pangalan ko?”          Tumungo siya biglang sagot. Narinig ang mahina nitong pagtawa na humapos naman sa puso niya. Napakaganda pakinggan ang tawa nito. Nagbibigay iyon ng kasiyahan sa puso niya.          “Well, my name is Angela Caress Menises. Pwede mo akong tawagin Angel, Caress o Ace”          Napangiti siya. “Nice to meet you, Ace. I’m…” hindi niya natuloy ang pagpapakilala dito.          “May problema ba, Timothy?” tanong nito ng mapansin na natigilan siya.          Napa-angat siya ng tingin. Nanlalaki ang mga mata niya. Mukhang kilala siya ng babae. “Kilala mo ako?”          Tumungo ang babae. May ngiti pa rin sa labi nito. “You are Timothy Navarro. I listen to your music. Ang ganda ng mga kantang gawa mo at pati na din ang boses mo. Sayang nga at hindi ako nakabili ng huling album mo. Naging busy kasi ako sa trabaho ko.”          Hindi pa rin siya nakapaniwala sa sinabi ng babae. Kilala siya nito. Hindi lang basta kilala kung hindi isa din itong taga-hanga. Nakikinig ito ng kanyang gawang kanta. Kung fans niya ito ay siguradong alam nito kung anong nangyari sa kanya. Kung ganoon ay bakit ganoon pa rin ang trato nito sa kanya? Hindi ba dapat ay galit ito sa kanya? Bakit ang bait pa rin nito? Hindi lang iyon, niligtas pa siya nito.          Tumayo siya na ikinagulat nito.          “May problama ba, Timothy?” nagtatakang tanong nito.          “Nasaan ang susi ng kotse ko?” aniya sa walang emosyon na boses.          “Nasa pinsan ko. Binalikan niya ang kotse mo at ang sabi niya ay ihahatid niya iyon sa condo mo.”          Nagdikit ang mga labi niya. Kung ganoon ay paano siya makaka-uuwi nito? Wala siyang kotse at wala din siyang pera. Iyong cellphone niya ay naiwan niya sa kotse.          “Pwede ko bang mahiram ang cellphone mo?” tanong niya.          Nagtatakaman sa kilos niya ay ibinigay ng babae ang phone nito. Agad niya iyong tinanggap at tinawagan si Alex. Dito na lang siya magpapasundo. Naka-ilang ring bago sumagot ang pinsan niya.          “Hello. Sino ito?”          “Ako ito.”          “Kuya Tim?” gulat na tanong ng pinsan.          “Yes. Busy ka ba?”          “No! Nandito ako ngayon sa bahay ni Tita Ivy. Nasaan ka? Okay ka lang ba?” hindi makakaila ang pag-aalala sa boses ng pinsan.          Napangiti siya. “I’m okay. Pwede mo ba akong sunduin dito sa Pasig?”          “Pasig? Anong ginagawa mo diyan?” naging alerto ang boses ni Alex.          “Something happen. Pwede ba?”          “Oo naman. I’ll be there asap. Just text me the address.”          “Thanks, Alex.”          “You’re welcome. Just don’t do crazy thing. Pupuntahan agad kita diyan.”          Hindi na siya sumagot pa sa pinsan. Pinatay na lang niya ang tawag at ibinalik sa babae ang cellphone nito.          “Thank you,” tanging nasabi niya.          “You’re welcome.” Tinanggap nito ang phone. “Hindi ka na dapat nagpasundo. Pabalik na din naman ang pinsan ko at ang sabi niya ay siya ang maghahatid sa iyo pagkagising mo.”          Ngumiti siya. “It’s okay. Ayaw ko ng abalahin pa ang pinsan mo.”          Tumungo ito. “Hintayin mo na lang ang pinsan ko para mabalik niya ang susi sa iyo.”          Ngumiti siya. “Nasaan pala ang gamit ko?”          “Ah! Nakasampay. Tuyo na siguro iyon. Sandali at kukunin ko para makapag-ayos ka.” Aalis na sana ito ng magsalita ulit siya.          “Pwede mo bang itext sa number na tinawagan ko ang address nitong bahay mo?”          Ngumiti ng malapad ang babae at tumungo bago tuluyan siyang iniwan. Sinundan naman niya ito ng tingin. Hindi makakailang masayahin ang babae. Nakikita niya sa kilos at ngiti nito na positibo ang pananaw nito sa buhay. Mabait ito at magalang. Siya tuloy ang nahihiya dahil alam nito kung anong klaseng tao siya. Hindi niya kayang tanungin dito kung naniniwala ba ito tungkol sa issue niya. Pero mukha hindi naman dahil sa kinikilos nito. May nabuhay na kasiyahan sa puso niya sa kaalaman na hindi masama ang tingin ng dalaga sa kanya.          Napatingin siya sa mesa na puno pa rin ng pagkain. Kinuha niya ang kape. Malamig na iyon pero ininum niya pa rin iyon. Ngayon niya lang napansin na masarap ang kapeng binigay nito sa kanya. Pagka-ubos niya ng kape ay sinimulan niyang ayusin ang hapag-kainan. Inilalagay niya pabalik ang kanin na natira sa rice cooker ng bumalik ang babae. Agad itong lumapit sa kanya.          “Ako na diyan, Timothy.” Inagaw nito ang lagayan ng kanin. Ito na ang nagbalik noon.          Bumalik naman siya sa mesa at pinagpatong ang mga plato. Akmang bubuhatin niya iyon para ilagay sa hugasan ng pigilan ulit siya ni Ace.          “Sabi ko ako na diyan. Hindi ka pwedeng gumalaw dahil baka masagi iyang isa mong braso at lalong mamaga. Upo ka na lang o di kaya ay magbihis sa itaas,” pangaral nito na ikinatigil niya.          No one said to him like that. Ito ang unang pagkakataon na may babaeng pinangaralan siya maliban sa mommy at Tita Ivy niya. Napalayo siya dito. Hinayaan niya ito sa ginagawa. Inayos nito ang mesa at inilagay sa lababo ang baso ng chocolate drink nito. Humarap ito sa kanya. Mukhang napansin nito ang pagtitig niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Naramdaman niyang gumalaw ito at lumapit sa kanya.          “Inumin mo na itong gamot mo. Iyong resita ni Tocila para sa braso mo, ipinatong ko na sa damit mo sa itaas.” Inilapag nito ang isang tablet at isang basong tubig sa harap niya.          Napatingin siya doon. Ininum niya ang gamot. Nagiging masunurin siya sa babaeng ito na hindi niya mapaliwanag. Ngayon lang may babaeng nakakapagpasunod sa kanya. Kahit ang Tita Ivy niya ay hindi niya masunod. Napa-iling na lang siya. Something is wrong with him.          Umalis na lang siya sa kusina at bumalik sa kwartong tinuluyan kanina. Nakita niyang nandoon na nga ang damit na suot niya kagabi. Agad siyang nagbihis. Kahit hirap dahil isang kamay lang ang gamit ay pinilit niya ang sarili. Pagkatapos niyang magbihis ay maayos niyang tiniklop ang damit na sinuot kanina. Kinuha niya din ang resita sa kanya. Bumaba siya pagkatapos.          May nakita siyang lalaking nagkakape sa sala ng bumaba siya. Nagtagpo ang tingin nila ng lalaki. Lumapit ito sa kanya at may iniabot. Napatingin siya doon. Nagulat siya ng makita ang susi ng kanyang kotse. Kung ganoon ay ang lalaking ito ang sumagip sa kanya kagabi. Dumating si Ace bago pa may nagsalita sa kanilang dalawa. Ipinakilala ni Ace ang lalaki. Nalaman niyang pinsan nito ang lalaki na ang pangalan ay John Iiko Menises. Hindi naman nagtagal ay dumating ang pinsan niyang si Alex.          Hindi na tumuloy ang pinsan niya sa loob. Agad siyang sinalubong ni Alex ng yakap ng lumabas siya.          “Okay ka lang ba?” tanong ni Alex.          Tumungo siya dito at nilingon si Ace na nakatayo sa gate ng bahay nito. “Thank you.”          Ngumiti ito. “You’re welcome.”          Ngumiti din siya bago binuksan ang kotse ng pinsan. Papasok na sana siya ng tinawag siya ni Ace. Napatingin siya sa dalaga.          “Timothy, sana marinig kong muli ang pag-awit mo. Wag ka sanang mawalan ng pag-asa. Hihintayin ko muli mong pag-awit. Ingat kayo. Paalam.” Isang napakagandang ngiti ang sumilay sa labi ni Ace na humaplos sa puso niya.          Kumaway ito bago isinara ang gate. Naiwan naman siyang nakatulala doon. Nakaramdam ang puso niya ng kasiyahan. Someone is waiting for him to comeback. May taong naghihintay sa pagbabalik niya. Hindi niya napigilan ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. Sa loob ng ilang linggo sakit ngayon lang napuno ng kasayahan ang puso niya. Parang nabuhayan ang puso niya dahil sa sinabi nito.          “Okay ka lang ba, Kuya Tim?” nag-aalalang boses ni Alexander ang gumising sa kanya.          Pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi bago tumingin sa pinsan at tumungo. Sumakay na siya sa sasakyan nito. Agad naman sumunod sa kanya si Alex at nagmaneho paalis sa lugar na iyon. Muli siyang napatingin sa bahay ni Ace. Hinihiling niya na sana ay muli silang magkita ng dalaga. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. Naging magaan ang puso niya dahil sa sinabi nito.          Naging tahimik naman silang dalawa ni Alexander habang nasa byahe. Hindi nagsasalita ang pinsan pero madalas itong nakatingin sa phone nito. Binaliwala na lang niya. Nagtaka siya ng mapansin na ibang lugar ang tinatahak nila ng pinsan.          “Saan tayo pupunta?’          “Tita Ivy wants to see you. Sobrang nag-aalala na ito sa iyo. Sinabi nito na dapat madala kita sa kanya ngayong araw,” serysusong sabi ni Alex.          “Hindi pa ako handang makita si Tita,” pabulong niyang sabi.          Napatingin sa kanya si Alex. Narinig niya ang malalim nitong paghinga. “Just this once, Kuya Tim. Tita really worried of you. Walang araw na hindi ako noon ginugulo para sabihan na puntahan ka.”          Hindi na siya umimik pa. Ngayon niya lang naisip ang nararamdaman ni Tita Ivy. Para na niya itong ina kaya talagang nag-aalala ito. Napakabait ni Tita Ivy at wala siyang masabi sa ugali nito.          “Ashley is there too. She is worried of you. She cried last night. Pumunta siya sa condo unit mo at sinabi ng manager na umalis ka daw. Nang malaman niya na hindi ka pa bumabalik ay nag-alala siya dahil baka kung napano ka na.” Sinulyapan ni Alex ang braso niya. Nakita niyang napahigpit ito ng hawak sa manebila.          Napayuko siya. Nakonsensya siya dahil sa ginawa kagabi. He tried to kill himself. Nais niyang tapusin ang sarili dahil sobrang sakit na ang nararamdaman niya. He’s so alone and mesirable. Gusto niyang tapusin ang lahat ng hindi iniisip ang nararamdaman ng mga taong nagmamahal sa kanya. Nakalimutan niya na nandiyan pa pala si Tita Ivy, si Ashley na kahit sobrang mataray ay mahal na mahal siya at si Alex na walang iniisip kung hindi ang matulungan siya. May mga tao din palang malulungkot at masasaktan kapag nawala siya. At ang mga taong iyon ay ang mga taong tinanggap siya ng buong-buo. Sila ang mga taong hindi siya hinusgahan kahit na bastardo siya. Tinuring siyang totoong anak kahit isa siya sa dahil ng muntik ng pagkabaliw ng totoong anak nito. Tinuring siyang totoong pinsan ng mga ito kahit hindi naman.          Pumatak ang mga luha niya kaya agad siyang umiwas ng tingin. Napakahina niya. Ang bilis niyang sumuko sa laban.          Natigil ang pagsisinti niya ng huminto ang kotse sa isang malaking bahay. Ang mansyon ni Tita Ivy. Bumaba si Alex. Agad naman siyang sumunod dito. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatapak siya sa mansyon ng mga Saavadra. Napatingn siya sa pinto ng may taong tumatakbo papalapit sa kanila.          Nakita niya ang umiiyak na pinsan na si Ashley. Mahigpit siya nitong niyakap pero may pag-iingat din na hindi nito maipit ang braso niya. Ang lakas ng iyak ni Ashley. Agad niyang iyakap ang pinsan at pilit na pinapatahan. Napaangat siya ng tingin ng may naramdaman nakatingin sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang lalaking seryuso at walang emosyon ang mukhang nakamasid sa kanila. Nasa tabi nito si Tita Ivy na umiiyak din.          “Lincoln…” banggit niya sa pangalan ng kapatid.          “Welcome back, Kuya. Pasok ka na sa loob at kailangan natin mag-usap,” sabi nito at giniya si Tita Ivy papasok sa loob.          Naiwan naman siya sa labas at yakap pa rin ang umiiyak na pinsan. Bumalik na ang kapatid niya at may pakiramdam siya na may ginawa na ito patungkol sa problema niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD