TWO WEEKS before the Annual Festival… Matinding paghahanda ang ginagawa ng mga prinsesa sa gaganaping annual festival sa Balangaw. Gusto ng bawat isa na manalo alang-alang sa tsansang makasama si Queen Prima. Magmula nang matanggap ng mga prinsesa ang final instructions ng hari tungkol sa kanilang deal ay mas lalo pang naghanda ang mga ito. Si Prinsesa Aida na kinuha ang mga kababata ni Lolita bilang support members nito. Bukod sa physical activities ay nagpapahusay din si Aida sa kanyang kaalaman kasama ni Lolita. Nasorpresa si Aida na kahit clumsy ang kanyang royal maid ay may talino naman pala itong tinatago. Halos ng strategy nila ay suhestiyon ni Lolita na inayunan naman ng prinsesa. Si Prinsesa Lorna naman ay nakahanap na rin ng support members. Salamat sa tulong ng kanyang relia

