A WEEK before the Annual Festival in Balangaw… Patuloy ang paghahanda ng mga prinsesa sa gaganaping annual festival sa Balangaw. Mas lalo silang naging abala dahil isang linggo na lang ay gaganapin na ang nasabing event. Si Prinsesa Fe na sabi ay magre-relax lang daw ay hands on naman sa pagsasanay sa mga support member nito. Ganoon rin ang dalawang prinsesa. Kapag may tsansa naman ay nagre-report si Mona kay Regina. Ngunit nangako rin ang dalawa sa isa’t isa na hindi ibubunyag ang mga plano ng kani-kanilang mga prinsesa. Tapos na ang pagsasanay nila sa araw na ’yon kaya nagpasya nang magpahinga sina Prinsesa Lorna at Prinsesa Fe. Ngunit naiwan pa rin si Prinsesa Aida sa kuwadra. Ito na mismo ang nagpapakain kay Champ at sa ibang kabayong nandoon. Samantalang si Regina naman ay papunt

