“LORNAAAA!!! Help me!” parang batang atungal ni Prinsesa Fe na bigla na lang pumasok sa silid ni Lorna. “What?! Ang ingay mo naman. Sino may sabing pumasok ka rito sa kwarto ko ng basta-basta?” masungit na litanya ng pangalawang prinsesa. Nakaupo ito sa gilid, sa kanyang mini-office dahil nagsusulat ito ng kanyang nobela. “Lornaaa! Help meee!” Hindi pinansin ni Fe ang sinabi ng kapatid. Bagkus ay parang bata pa itong lumapit sa kapatid na parang maliit na batang naagawan ng candy. Hindi na matapos ni Lorna ang ginagawa kaya hinarap niya na rin ang makulit na kapatid. “Ano bang problema mo?” tanong nito sa bunsong kapatid. “Si Nana…” Fe whined. “Nana? Si Mona?” Lorna clarified. Tumango naman si Fe. “What’s with her? Oh, wait… Hindi mo siya mapasunod sa gusto mo, ‘no?” hula ni Lorna.

