Kabanata IX: Ang Natakot

1792 Words
HAPUNAN sa Kahariang Balangaw… “Ang tahimik niyo yata, mga anak? Wala ba kayong sasabihin sa akin? Or let me rephrase that, irereklamo?” tanong ng hari sa tatlong dalaga. “Huh? Wala naman po, Dad,” sabi ni Prinsesa Lorna na itinuloy lang ang pagkain. “Aida? Fe?” tawag ng hari sa dalawa pang anak. “Yes, Dad?” sabay na wika ng dalawang tinawag. “How about you? Wala ba kayong sasabihin sa akin?” ulit na tanong ng hari. “Wala naman po, Dad.” “Nothing, Dad.” “Okay. Mabuti kung gan’on. Masaya akong malaman na nagkakasundo naman kayo ng mga bagong personal maid niyo,” nakangiting wika ng hari. Pilit na ngumiti naman si Prinsesa Lorna at Prinsesa Fe, habang tumango lang si Prinsesa Aida. “Nabalitaan kong pumasok ka na sa klase, Fe. I am so proud of you, anak. Keep it up. Hindi ako nagkamaling i-assign si Mona sa’yo,” sabi ng hari. He was genuinely happy. Plastikang ngumiti ulit si Prinsesa Fe at mabilis na binigyan ng masamang tingin si Mona na nakatayo ng matuwid sa gilid. Magbayayad ka, Mona. Humanda ka sa akin! wika ni Prinsesa Fe sa isipan. “And I heard na na-late ka daw, Lorna, anak.” Sa pangalawang prinsesa naman nakaharap ngayon ang hari. Pasimpleng tumingin ang dalawang kakambal sa prinsesa. They were expecting na magsusumbong at magra-rant ito sa hari gaya ng dati pero mali ang expectation nila. “Sorry, Dad. Hindi na po mauulit,” ika ng prinsesa. Sa isipan nito ay marami na itong sinabing masasamang salita tungkol sa bago niyang katulong. Ang dalawang kapatid naman nito ay namangha sa ipinakitang level headed ni Prinsesa Lorna. Usually kasi ay magrereklamo talaga ang prinsesa sa ama. But this time, she chose to shut her mouth and ask for forgiveness instead. "That's okay, anak. It happens.  Pero lagi niyong tatandaan iyong kasabihan na ‘Early bird catches the worm’. Tsaka marami ang benefits ng pagiging maagap. Kaya as much as you can, don’t be late sa lahat ng mga pupuntahan o gagawin niyo. Time is gold, mga anak,” paalala ng hari sa triplets. “Yes, Dad,” sabay na sabi ng tatlo. “Aida, anak, keep up the good work din sa pag-aaral. It’s good na you are strengthening your physical and mental health but try mo rin maging sociable, anak, ha.” “Opo, Dad,” sabi ni Prinsesa Aida. “I may not be able to teach you everything, girls. Kasi alam niyo naman na abala rin ako sa pamamahala rito sa kaharian. Kaya kung may mga nais kayong malaman at gustong matutunan, nariyan naman ang royal tutor ninyo. Ask help from him,” sabi ng hari. “Ang boring naman kasi magturo ni Mr. Han,” hindi napigilang sabihin ni Prinsesa Fe. Nanlaki ang mga mata nito ng ma-realize ng dalaga ang kanyang sinabi. “Sorry, Dad.” Agad na humingi ng paumanhin ang bunsong prinsesa. “That’s understandable, girls. I know it’s hard to learn and listen when all you want to do is to do what you want without any restrictions. But trust me, itong mga ginagawa ninyo ngayon ay mahalaga at makakatulong sa inyo sa hinaharap. Lalo na at isa sa inyo ay susunod sa aking trono. Kaya ang pakiusap ko lang sa inyo ay gawin niyo ang inyong makakaya para matutunan ang lahat ng bagay na maari niyong matutunan sa inyong tagapagturo,” dadgdag na paalala ng hari sa mga anak. “Yes, Dad,” ang siyang naisagot na lamang ng tatlo. Lingid kasi sa kaalaman ng triplets ay may malaking unos na kinakaharap ang kahariang Balangaw ngayon. May nagbabanta kasing manggulo sa kahariang Balangaw. Hindi pa masabi ng hari sa mga anak ang sitwasyon dahil ginagawa ng hari sa abot ng kanyang makakaya na iresolba ang panganib na ito. Ayaw niya ring mag-alala ang triplets. After a while, dinner was done at bumalik na sa kanyang sariling silid ang maharlikang pamilya. +++ Kinabukasan… Tapos na ulit ang klase sa araw na iyon. Agad na kumaripas ng alis si Prinsesa Fe, ganoon rin si Prinsesa Lorna. Naiwan si Prinsesa Aida dahil gusto niyang kausapin ang royal tutor. “Mr. Han,” hinarang ng prinsesa ang royal tutor na aalis na rin sana sa study hall. Dala na nito ang mga kagamitan sa kabilang kamay. “B-bakit p-po, m-mahal na prinsesa?” nauutal na tanong nito sa prinsesa. Nanginginig pa ito sa takot. Maliit na lalaki si Mr. Han. Five feet, two inches ang height nito at medyo may kapayatan. Kaya naman nakatingala ito sa prinsesa na ang tingin niya ngayon ay aambahan siya ng suntok sa mukha. Princess Aida has this intimidating look in her eyes. Masyadong maangas kasi ang aura ng prinsesa na isa rin iyon sa dahilan kung bakit natatakot ang taga-palasyo sa kanya. Maliban sa physically fit talaga ang prinsesa ay nakaka-intimidate talaga ang presence nito lalo na ang mga tingin nito. “May hihingin sana akong pabor sa’yo. Pwede mo ba akong tulungan?” sabi ni Prinsesa Aida in her low voice. It was her normal way of conversing to others. Papalit-palit ang royal tutor ng mga magkakapatid magmula pa ng bata ang mga ito. May isang tumagal na royal tutor nila hanggang 15 years old ang mga ito pero nag-resign ang tutor na iyon dahil nag-asawa ito na taga-ibang kaharian, malayo sa Balangaw. Pagkatapos n’on ay matagal na ang tatlong buwan na itinagal ng ibang royal tutor. Dati kasi ay madalas pagtripan ng mga prinsesa ang mga tutor nila. Ang pasimuno ay sina Prinsesa Lorna at Prinsesa Fe. Nabobored kasi si Prinsesa Lorna sa mga sumunod na mga royal tutor. Hindi kasi nila maabot ang expectation nito. Si Prinsesa Fe naman ay ayaw mag-aral kaya nakikipag-cooperate ito sa kapatid para mapaalis ang royal tutor. Samantalang si Prinsesa Aida naman ay nakikisali na lamang dahil hindi niya rin tipo ang mga royal tutor. Masyado kasing naging attach si Prinsesa Aida sa dating royal tutor nila. Nang umalis ang tutor na iyon ay wala ng ibang pinakinggan si Prinsesa Aida. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang ginagawa nila sa mga royal tutor. It has been four years pero sobrang pasaway pa rin ang tatlong dalaga. Bagong royal tutor naman itong si Mr. Han. Mag-iisang buwan pa lamang ito sa pagtuturo. Tatlong buwan nabakante ang puwestong iyon dahil nahirapan ang hari na maghanap ng bagong tagapagturo. Nakaabot na kasi sa association ng mga tutor kung gaano trumato ng mga royal tutor ang tatlo. Luckily, these past few days ay wala pa namang ginagawa ang tatlong prinsesa para i-torment si Mr. Han. Pero si Mr. Han ay laging kabado basta nagtuturo sa tatlo. Natatakot kasi ito lalo na kay Prinsesa Aida na feeling niya ay laging masama ang tingin sa kanya at nais siyang pugutan ng ulo kapag nagkamali siya sa pagtuturo. Tapos si Prinsesa Lorna na mas matalino pa sa royal tutor ay laging kino-correct ang pagtuturo ni Mr. Han. At ang panghuli, si Prinsesa Fe na madalang lang pumasok. So, ang feeling ni Mr. Han ay napakawalang kuwenta niyang tagapagturo. He was losing all his confidence. “Mr. Han?” muling tawag ni Prinsesa Aida sa royal tutor. Sa sobrang takot ni Mr. Han ay iba ang interpretation ng utak nito sa sinabi ng prinsesa. Ang akala niya ay ganito ang sinabi ng prinsesa, “Hindi ko tipo ang iyong pagtuturo kaya lumayas ka rito sa palasyo  bago kita ipalapa sa mga aso!” “Ma-masusunod p-po, P-prinsesa!” nagkukumahog itong umalis at kumaripas ng takbo palayo sa prinsesa. Napakamot sa ulo ang prinsesa dahil nagtataka ito sa inasal ng royal tutor. Hindi niya tuloy nasabi ang pakay sa lalaki. Bagsak ang dalawang balikat na lumabas ang prinsesa sa study hall. “Mahal na prinsesa, okay ka lang po ba?” tanong ni Lolita na sinalubong ang malungkot na prinsesa. “Nakakatakot ba talaga ako, Lolita?” walang ganang tanong ng prinsesa sa katulong. “Ha? Hindi naman po, mahal na prinsesa,” sagot ng katulong. Tiningnan ng prinsesa ang katulong. “Sinungaling. Natakot ka nga sa akin kahapon.” Nahihiyang napangiti ang katulong dahil sa sinabi ng prinsesa. “Patawarin niyo po ako, mahal na prinsesa. Ang akala ko po kasi ay nagalit kayo dahil basta-basta ko po kayong hinawakan. Pero matapos po akong kausapin ni Prinsesa Fe ay naliwanagan na po ako na nais niyo lang talaga akong tulungan,” wika ng katulong. “Sorry talaga, mahal na prinsesa.” “Mabuti naman. Okay na ‘yon. So, hindi ka na natatakot sa akin?” “Nirerespeto pa rin naman po kita, mahal na prinsesa. Ang maipapangako ko lang po ay hindi ko na imi-misinterpret ang iyong mga actions po. Marami po kasi rito sa palasyo na nakaka-misinterpret sa inyong ugali. Kaya magmula po ngayon, hayaan niyo pong ipagtanggol ko kayo sa mga taong basta-basta na lamang naghuhukom ng iyong pagkatao,” sabi ng katulong. Hindi naman napigilang mapangiti ng prinsesa sa narinig. “Ayan… Mas maganda ka po pala kapag nakangiti, mahal na prinsesa,” nakangiting puna ng katulong. Hindi iyon ang first time na makita ni Lolita na ngumiti ang prinsesa dahil napapangiti naman ito kapag kasama ang pamilya nito pero first time na napangiti niya mismo ang prinsesa. Achievement iyon para sa katulong. All this time kasi ay sumusunod lamang ito sa utos ng head chambermaid kaya hindi niya masyadong nakilala ang mga prinsesa. Tsaka nagpadala rin noon si Lolita sa mga hindi magagandang chismis ng mga taga-palasyo tungkol sa mga prinsesa. Pero dahil sa insidente kahapon, nag-iba na ang pananaw ng katulong sa mga prinsesa. Kinausap niya rin kasi ang head chambermaid na si Miss Chona at ito mismo ang nagpaliwanag tungkol sa mga ugali ng prinsesa. “Bolera ka rin, Lolita, eh. Sige na, dahil diyan, susubukan kong huwag ka ng asarin at paiyakin. Susubukan lang, ha. Hindi ko ipinapangako ‘yan,” wika ng prinsesa. Nakangiting tumango ang katulong. “Babalik na po ba kayo sa iyong silid, Prinsesa?” tanong ng katulong. “Hindi na muna. Gusto kong puntahan si Champ.” “Ihahanda ko po ba ang ang iyong kagamitan sa pangangabayo?” “No need na. Hindi naman ako mangangabayo ngayon. I-checheck ko lang si Champ,” sabi ng prinsesa. “Sige po, Prinsesa. Tatawagan ko po ang namamahala sa kuwadra para sabihing pupunta kayo roon,” wika ng katulong. Tumango lang ang prinsesa at nagsimula ng maglakad papunta sa pakay nito. Nakasunod naman ang katulong nito habang tinatawagan ang namamahala sa kuwadra para ihanda ang kabayo ng prinsesa na si Champ.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD