THE PRINCESSES
Nasa garden ang tatlong prinsesa dahil tapos na ang klase nila ngayong araw. Kanya-kanya ulit sila ng ginagawa.
Si Prinsesa Aida na nakatulala na nakahiga sa ilalim ng punong kahoy na mahilig niyang tambayan. Nakatingala lamang ito sa ulap at malalim ang iniisip.
Si Prinsesa Lorna naman ay nasa usual seat nito, sa bench na malapit sa kinahihigaan ni Prinsesa Aida at tinutuloy ang pagbabasa. Pero wala rin doon ang focus niya.
Si Prinsesa Fe na nasa damuhan at walang ganang makipaglaro kay Snow. May iniisip rin kasi ito na hindi niya ma-voice out.
Ang mga maid naman ng mga ito ay nakatayo lamang sa hindi kalayuan at parang mga sundalong nakatikas pahingang nagmamasid sa mga prinsesa.
Ang agwat ng mga ito sa mga prinsesa ay tama lang. Iyong tipong hindi rin nila maririnig ang pag-uusap ng tatlo kapag mahina lang ang boses ng mga prinsesa.
“Nakakainis ‘yong personal maid ko. Paano niya nalaman ang secret hideout ko?” walang ganang sabi ni Prinsesa Fe habang tinatapon ang stick na hinahabol at binabalik ni Snow sa kanya.
“Hindi naman secret ‘yong hideout mo. Katabi lang naman ng kwarto mo ‘yon,” komento ni Prinsesa Lorna. Kunwari pa rin itong nagbabasa pero lumilipad talaga sa kung saan ang kanyang isipan.
“Tse. Kahit na. Kayo lang ni Ai at Loli ang nakakaalam n’on. So how come ‘yong first day ni Nana ay nakalabas siya d’on sa malabakal kong front door at nahanap ang hideout ko?” matamlay na sabi ni Prinsesa Fe. “Tsaka alam mo bang Nana is so scary. Binuhat ba naman niya ako pabalik sa aking kwarto nang hindi ako pumayag na umalis sa hideout ko tapos napilit niya akong maligo at pumasok sa klase. She was too strong! Sa tingin ko mangkukulam si Nana!” Nanginig pa si Prinsesa Fe nang sinabi niya ang mga katagang iyon.
“Kaya ka pala nakapasok. Well, siguro nga nakahanap ka na ng katapat mo,” wika ni Prinsesa Lorna.
“No! Hindi ako papayag! Walang makakapilit sa aking mag-aral! I hate studying! Mabuti sana kung about music, fashion, or love ‘yan, baka mapilit pa ninyo akong makinig. Pero academics?! No!” Dahil sa bugso ng damdamin ay with conviction pa ang pagkakasabi ni Prinsesa Fe ng mga katagang iyon. She really hates the academic subjects.
Masama pa nitong tiningnan si Mona. Hindi naman natinig sa pagkakatayo ang maid na nasa hindi kalayuan. Nakatingin lang ito ng tuwid at parang walang pakialam sa nangyayari.
Napansin naman ni Regina ang biglaang pagtayo ni Prinsesa Fe at masamang tingin na ipinupukol nito kay Mona kaya pasimpleng siniko niya ito.
Nagtataka namang napatingin si Mona sa kapwa maid.
“Bakit? May problema ba?” Ang kaninang poker face ni Mona ay napalitan ng pag-aalala nang humarap ito kay Regina.
Hindi naman natinga si Lolita sa kinatatayuan.
“Wala. Pero si Prinsesa Fe, meron ata,” bulong nito.
Doon naman parang natauhan si Mona at tiningnan ang direksiyon ng prinsesa. Lumingon ulit si Mona kay Regina. Pagkatapos na tumango ni Regina ay naglakad palapit si Mona kay Prinsesa Fe.
“Mahal na prinsesa, may kailangan po ba kayo?” tanong ni Mona nang makalapit na ito sa dalaga.
“Hmp. Wala. Huwag ka ng lumapit dito kapag hindi kita tinatawag. Alis!” nakangusong sabi ng bunsong prinsesa sa kanyang maid.
“Masusunod po, mahal na prinsesa.” Bahagyang yumuko ang maid tsaka bumalik sa dating puwesto.
“Wah... Bakit pa kasi kumuha ng ibang maid si Dad? Kaya naman ni Lolita lahat,” himutok pa rin ni Prinsesa Fe. “Ai...” Tumakbo ang bunsong prinsesa sa panganay na kapatid. Agad na pumikit si Prinsesa Aida at nagkunwaring natutulog. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi siya kulitin ng bunsong kapatid. “Ai... Palit tayo ng maid, please. Let me have Loli again, please...” Kumbinsi nito sa kapatid.
Hindi tuminag si Prinsesa Aida at patuloy na nagkunwaring natutulog. Pero hindi ito magaling magkunwari.
“Alam kong hindi ka natutulog. Alam kong naririnig mo ako. Aidaaaa...” Princess Fe whined. Nakaluhod ito sa gilid ni Prinsesa Aida at niyugyog ang panganay na kapatid habang kinukumbinsi.
“You are such a baby, Fe. Para maid lang, hindi mo kayang i-handle? Akala ko ba charming ka?” buska ni Prinsesa Lorna sa kapatid.
“I am charming but Nana is different. She’s a monster! Hindi siya natatablan ng charm ko,” naiiyak na sabi ni Prinsesa Fe. She sounded frustrated too.
“Oh, come on. Such a loser. Isang araw pa lang and you are giving up. Hindi ka nararapat sa trono, Fe,” wika ni Prinsesa Lorna.
“Hala siya. Gusto lang magpalit ng maid, hindi na nararapat sa trono? Eh ikaw? Na kunwari na nagbabasa diyan, nararapat sa trono?” Counter attack ni Prinsesa Fe.
“I am reading. I am not an idiot like you,” Princess Lorna said who looked at her younger sister na nakataas pa ang isang kilay.
“Really? Nagbabasa ka? So ang genius na gaya mo ay pabaliktad na pala magbasa ngayon?” puna ni Prinsesa Fe sa kapatid.
Nagtataka naman si Prinsesa Lorna sa sinabi ng kapatid at pasimpleng tiningnan ang librong binabasa. The she realized, baliktad nga ang librong kanyang binabasa. Saglit na nanlaki ang mga mata ng prinsesa pero tumikhim ito para itago ang pagkapahiya.
“Y-yeah... Genius read like this,” palusot ng pangalawang prinsesa. “You can’t relate kasi hindi ka naman genius.”
“Yeah, right. Lokohin mo iyong maid mo, huwag ako,” wika ni Prinsesa Fe.
“Hindi niya ako naloko. Hindi siya mas magaling sa akin!” burst out ni Prinsesa Lorna.
It was so sudden na napanganga na lamang na napatingin si Prinsesa Fe sa kapatid at si Prinsesa Aida naman ay nagbukas ng kanyang mga mata dahil sa biglaan pagsigaw ni Prinsesa Lorna.
Napaka-compose kasing babae ni Prinsesa Lorna. Siya lang talaga iyong lady-like at ang galaw ay mala-prinsesa talaga sa kanilang tatlo. Though masakit magsalita ang prinsesa pero minimal lang kung magtaas ito ng boses.
“Mahal na prinsesa? Ano pong nangyayari?” Agad na lumapit ang maid nitong si Regina to check on her princess.
“Lumayo ka! Layo! Alis! Hindi kita kailangan dito!” sigaw ni Prinsesa Lorna.
“Masusunod po, mahal na prinsesa,” sabi ng maid at umalis na rin at bumalik sa kanyang pwesto.
“Oh... Someone’s angry...” komento ni Prinsesa Fe.
Dahil sa outburst na iyon ni Princess Lorna ay napaupo na rin si Prinsesa Aida.
“Bakit galit na galit ka?” hindi napigilang magtanong ng panganay na prinsesa.
“Well, mukhang hindi lang pala ako ang may issue sa bagong mga maid,” nang-aasar na sabi ni Prinsesa Fe.
“Shut up. Don’t talk to me,” masungit na ulit na sabi ni Prinsesa Lorna. Nag-de kwatro na ito at kunwari ay nagbabasa. This time, hindi na baliktad ang hawak na libro niya.
“Eh, bakit nanginginig ka diyan? Anong ginawa sa’yo ng maid na ‘yan? Bakit galit na galit ka?” concern na tanong ni Prinsesa Aida sa kapatid.
Kilalang masungit si Prinsesa Lorna pero bihira lang din ito magalit. Mapang-asar, mapang-insulto, oo, ganyan si Prinsesa Lorna pero hindi ito basta bastang sumisigaw o nagagalit sa ibang tao. Maliban na lang kapag nagkukulitan at nag-aasaran silang magkakapatid kasi nagkakapikunan silang madalas ni Prinsesa Fe.
Alam din ni Prinsesa Lorna na hindi siya titigilan ni Prinsesa Aida kung hindi niya sasagutin ang mga tanong nito.
“Naiinis ako sa maid na ‘yan,” kalmado ng sabi ng pangalawang prinsesa. Nakatutok pa rin ang mga mata nito sa hawak na libro habang nagsasalita. Matiim namang nakikinig ang dalawang kapatid. “She’s acting as if she knows everything. Na-late pa ako nang dahil sa kanya. You know I hate being late. I already estimated my time and I was reading a good chapter from this book tapos bigla niya akong ini-interrupt. Na I need to prepare na daw kasi male-late na ako if I don’t prepare on that specific time. That maid was so sure na I will be late. Na-late lang naman ako kasi nanghimasok siya sa schedule ko. I spent my time arguing with her kaya nasayang ang oras ko. Kainis!”
“Ah... Kaya ka pala na-late kanina,” Princess Aida said.
“Not only that, may gana pa siyang turuan ako sa aking mga dapat gawin bilang prinsesa and as a next heir daw. Who the hell she think she is? Teaching me values about being a royal and being a next heir?! Isa lang siyang muchacha. An ugly muchacha.” Mahigpit na napakapit pa si Prinsesa Lorna sa hawak na libro.
“Hay. Akala ko naman kung ano,” bumalik sa pagkakahiga si Prinsesa Aida sa damuhan. “I understand na parang natapakan ang pride mo ni Regina, Lorns. But I think she is just trying to help. Same goes with Mona, Fe. Tsaka Dad will not recommend them to be our personal maid kung hindi sila capable. And they are just following orders from Dad, I am sure of that. Just give them a chance. Mabuti nga kayo wala kayong problema sa pag-iinteract sa ibang tao. Eh, ako? I am not sure why they are all scared of me lalo na kapag nakikita nila ako,” mahabang litanya ni Prinsesa Aida. “Just like Dad, gusto kong makasundo iyong mga nasa kaharian natin. Lalo na rito sa palasyo. Just like Dad, gusto kong kapag nakikita ako ng mga tao, hindi sila natatakot sa akin. Gusto ko na nakangiti sila while I am approaching them.”
Natahimik naman ang dalawa sa ibinahagi ng kanilang panganay.
“Ai, you can do it. Konting practice pa. You know, interacting with them. Talking to them. Smiling to them, I am sure makakamit mo rin ‘yong gusto mong mangyari,” encourage ni Prinsesa Fe sa kapatid.
“I hate to say this but I agree with Fe, Ai. We will help you sa abot ng aming makakaya kaya don’t hesitate to approach us. I can train you if you want,” sabi ni Prinsesa Lorna.
“Me too! Pwede kitang tulungan na ilabas ang iyong charm,” malapad ang ngiting sabi ni Prinsesa Fe.
Umupo si Prinsesa Aida at teary eyed itong napatingin sa mga kapatid.
“I can’t thank you enough, gals. You have been patient with me all this time. Kayo lang nila Dad at ni Chona ang hindi sumuko sa akin. Kaya I am really thankful to you,” tuluyan ng naiyak si Prinsesa Aida. It was tears of joy. Na-depress talaga kasi siya kanina. She may look tough on the outside, Princess Aida is really softie on the inside.
“Aida... Don’t cry... You are such a cry baby,” maagap na nakalapit si Princess Lorna para yakapin ang kapatid.
Iyon kasi ang isa sa mga weakness ng mga prinsesa. Seeing one of the triplets hurting, make them sad as well. Lalo na kapag si Prinsesa Aida ang umiiyak.
Nakiyakap na rin si Princess Fe na umiiyak na rin.
“Uwaaahh!!! I love you, girls! Uwaaah!” umiiyak na sabi ni Prinsesa Fe.
“Hoy, parang tanga ‘to. Nakikisali ka rin ng iyak diyan,” nangingilid na rin ang luhang sabi ni Prinsesa Lorna.
Patuloy na nagyakapan ang triplets and it was a nice view.
Kaya ang isang maid ay hindi rin napigilan at napasinghot dahil sa nagbabadyang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
“Gusto mo rin ba ng group hug, Lolita?” tanong ni Regina sa naiiyak na katulong.
“H-hindi. Okay lang ako,” sabi naman nito na tumingala pa para hindi bumaba ang luha nito. Parang feeling niya ay babalik pa ang luha nito kapag ginawa niya iyon.
“Okay,” sabi ni Regina at muling pinagmasdan ang tatlong prinsesa na magkayakap at kinocomfort ang isa’t isa.
Napangiti ng malapad si Regina habang nakatingin sa tatlo habang si Mona naman ay napasulyap kay Regina at hindi napigilang mapailing ng kanyang ulo.