PRINCESS LORNA “BAKIT ang tagal mo?” tanong ko sa katulong na mahigit kalahating oras rin na nawala. “Inutusan lang kitang kumuha ng maiinom pero kalahating oras kang nawala? Uhaw na uhaw na ako, eh. Akin na nga ‘yan,” naiinis na inabot ko ang isang baso ng juice na hawak ng katulong. “Pasensiya na po, mahal na prinsesa. Medyo natagalan po kasi ang royal chef sa paghahanda ng inyong inumin,” sagot ng katulong. “Wala akong pakialam. Dapat mabilis ninyong ginagawa ang inyong mga trabaho. Sayang lang ang pinapasahod sa inyo tapos ganyan kayo kakupad,” masungit na litanya ko. “Pasensiya po ulit, prinsesa. May pinagawa po kasi ang mahal na Hari sa royal chef pero makakarating po sa kanya ang iyong sentimyento.” “Sasagot ka pa, eh. Tawagin mo na lang nga si Aida. Sabihin mong maglaro kami n

