QUEEN PRIMA “MUKHANG nagsisimula ka na sa iyong plano, Kamahalan,” wika ni Sina. Nasa aming silid na ulit kami ngayon kaya malaya na ulit kaming makapag-usap ng maayos. Nakaupo ako sa sofa at umiinom ng tsaa. “Umupo ka muna, Sina. Sabayan mo ako sa aking pagtsa-tsaa,” aya ko sa kanya. Nakatayo na naman kasi ito sa aking harapan. Wala namang ibang nakakakita sa amin pero kahit ganoon ay ginagawa pa rin ni Sina ang kanyang tungkulin. “Okay na ako rito, Kamahalan,” anito. “Umupo ka, Sina. That’s an order,” I insisted. Wala na itong nagawa. I poured her cup a tea. “Ako na po, Kamahalan,” akmang aagawin niya ang tea pot sa akin pero maagap kong nailayo iyon sa kanya. “Ako na, Sina. Relax ka lang diyan,” tumingin ako sa kanya ng may pagbabanta. Wala na itong nagawa kundi maupo ng maa

