PRINCESS AIDA DAHIL nag-resign na si Mr. Han, puro self-study na lang din ang aming ginagawa. Which equivalent sa hindi talaga kami nag-aaral. Pero kahit gan’on, I am trying my best to learn pa rin kahit na walang guro. I know na sasabihin ng iba na why I am even doing that when no one’s around to check if I am studying or not. Well, I am sorry if that’s what others think pero para sa akin kasi ay dapat ginagawa mo pa rin ang alam mong nakabubuti para sa’yo, may makakakita man o wala. You don’t have to please everybody. Just do the right thing. Anyway, magmula ng mawala si Mr. Han ay guilty din ako sa hindi na pag-aaral ng mabuti. Ang lagi ko na lang ginagawa ay mangabayo o iba pang physical activities. Kagaya ngayon, nandito na naman ako sa kwadra para mag-stroll with Champ. Si Champ

