QUEEN PRIMA “NAKADAMIT ka na ba?” tanong ni Sina. “I’m good,” sabi ko at lumabas sa batong tinataguan ko. “Whew! Muntikan na ako r’on ah.” Nakita kong napailing-iling ng kanyang ulo si Sina. “What?” tanong ko sa aking kawal. “Kamahalan, muntikan ka ng mahuli. Ewan ko na lang po talaga sa inyo,” wika ni Sina. Natawa ko ng mahina. “Relax ka lang, Sina. Hindi ako mahuhuli. Ikaw ba naman ang bantay ko, kaya tiwala akong hinding-hindi ako mahuhuli,” ika ko sabay kindat dito. Napahugot na lang ng malalim na hininga si Sina sa aking sinabi. “Tara na po, Kamahalan. Baka hinahanap ka na ni Prinsesa Lorna,” wika nito. “Let’s go,” masayang bulalas ko. Sumakay na kami sa aming kanya-kanyang kabayo. “Bumalik tayo ulit dito, Sina. Napaka-refreshing n’ong tubig sa sapa. Grabe! Mabuti na lang p

