PASIPOL-SIPOL na pumasok sa kanyang silid si Prinsesa Fe. Pinagbuksan ito ng mga security guard na nakabantay sa kanyang silid. Parang dinuduyan sa langit na walang pakialam na pumasok ang Prinsesa sa kanyang silid kaya nagulat na lamang siya nang may nagsalita mula sa gilid ng kanyang silid. “Uwi pa ba ‘yan nang matinong babae?” sita ni Prinsesa Lorna sa kapatid na nakaupo sa mini-sofa na nasa kwarto ni Prinsesa Fe. Napahawak ang isang kamay ni Prinsesa Fe sa bandang dibdib dahil sa pagkagulat. “Ano ba? Hihimatayin naman ako sa gulat, e…” reklamo ng bunsong prinsesa. “Anong ginagawa niyo rito?” salubong ang kilay na tanong niya sa mga kapatid. Oo, naroon din kasi si Prinsesa Aida. Prente itong nakaupo sa bakanteng upuan na naroon at umiinom ng tsaa. Lumapit ang bunsong prinsesa sa mg

