INANUNSIYO ang nanalo sa patimpalak ng Kahariang Balangaw sa mga laro ng gabing iyon. At hindi nga nabigo ang isa sa mga prinsesa nang marinig nila ang screen name na ginamit nito sa patimpalak na inanunsiyo ng Emcee. Malapad ang ngiting napa-standing ovation pa ang prinsesang nanalo. Napasayaw pa ito sa galak nang marinig ang kanyang pagkapanalo. Pero ang akala ng mga mamamayan ng Balangaw sa ginawa ng prinsesa ay masaya lamang ito para sa mga nanalo. Wala ni sinumang nakaalam na ang mga nanguna sa patimpalak ngayong taon ay ang mismong mga prinsesa ng Balangaw, maliban sa mga support member at taga-palasyo. Nakasimangot na pumalakpak ang dalawang prinsesang natalo. Kahit na masama ang loob ng mga ito sa naging resulta wala na silang nagawa kundi maging supportive sa nanalo. O siya ng

