NANG lumabas sa banyo si Reyna Prima at Sina, nadatnan nila ang hair and makeup team, pati na rin ang head wardrobe ng Reyna ng Matimsay sa silid. Bahagyang yumuko ang mga ito nang makita ang reyna at sabay-sabay siyang binati. “Magandang gabi po, Kamahalan…” sabay nilang sabi. “Magandang gabi sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagpunta ninyo dito sa Balangaw…” sabi naman ng Reyna. Agad na nagsimula ang team ng Reyna sa pagbihis at pagpapaganda pa lalo rito. Nagbihis naman ng usual na bihis si Sina. Very efficient ang team ni Queen Prima kaya mabilis silang natapos. Satisfied na satisfied ang reyna sa end result ng kanyang team. Pasimpleng umalis ang team ni Queen Prima sa silid na iyon. At pasimple ring umalis ang reyna kasama nina Jerome, Sina, at ibang royal escort nito. Dumaa

