HARI MON
"NASAAN ang mga prinsesa?" tanong ko sa head chambermaid na si Chona. Nakasunod ito ngayon sa kanya at ang head security na si Jerome. Papunta sila sa entrance ng palasyo para salubungin ang kanilang bisita. Walang iba kundi ang reyna ng Kahariang Matimyas na si Reyna Prima.
"Naroon na po sila, Mahal na Hari," magalang sa na sagot ng babae.
"Talaga? Nalaman ba nila kung sino ang bisita ngayon sa hapunan?"
"Alam po nila, Kamahalan."
"Hmm... kaya naman pala." Mas binilisan ko ang aking lakad. Nais ko munang mapagmasdan ang aking magagandang triplets bago dumating ang aming bisita.
Nang makarating kami sa entrance ay agad kong nakita ang aking naggagandahang anak. Each of them is wearing their best gowns.
Princess Aida is wearing lavender off shouldered gown. Princess Lorna is on her laced pink dress na medyo kita ang cleavage. And my cute angel, Princess Fe on her royal blue off shouldered gown pero pinarisan nya ito ng hanggang sikong guwantes with same color na laced.
My kids know their taste. Or yeah, Burton, the head wardrobe, knows what's best for the princesses. May mga alam din ako sa mga fashion at damit ng babae kasi ng mamatay ang aking mahal na reyna, I made sure na hands on ako sa mga anak ko kahit na busy ako sa task ng pagiging hari ng Balangaw.
"Magandang gabi po, Kamahalan," nakayukong bati ng mga maids at security guards na nasa likod ng mga prinsesa. Yumuko din ng bahagya ang mga prinsesa bilang bating paggalang sa akin.
"Magandang gabi sa lahat. I trust everyone has made sure to be thoroughly prepared for this dinner. Alam nyo naman kung sino ang bisita ngayon ng palasyo."
"Opo, kamahalan," they said in unison.
"Awesome! In a minute ay darating na si Reyna Prima dito. Please make sure that everything is spotless at walang aberya, Chona and Jerome," bilin ko sa kanilang dalawa.
Tumango naman ang mga ito at umalis na. Chona will check the dinning hall and Jerome will check the perimeters. Mahirap na kung may mangyaring masama sa reyna ng kabilang kaharian dito mismo sa teritoryo ko.
Tumayo na ako ng maayos katabi ng mga anak kong kita ang excitement sa mga mukha. Napangiti ako. Sana nga ay maexcite pa sila sa susunod na mga mangyayaring pagbabago sa kaharian.
Hindi ako nagkamali at dumating na ang reyna ng Matimyas. Nakaconvoy ito sa tatlong Rolls Royce Phantom VI black. Bumaba ang reyna mula sa pangalawang sasakyan pagkatapos itong pagbuksan ng kanyang lady guard.
Kilala ko ang lady guard nyang yun. Bukod sa sikat na reyna si Reyna Prima sa iba't ibang kaharian, ganun din ang lady guard nyang si Sina. Sikat ito hindi sa magandang reputasyon nito bilang lady guard at head security pero dahil sa issue na tinatagong nobya daw ito ng reyna.
I am well-informed about that kasi naman kahit ganito na ang aking edad, sinisigurado kong updated din ako lalo na sa new technology. Since uso na ang online at social media, I tried my best to cope up. Para na din mamonitor ko ang mga prinsesa.
Balik kay Reyna Prima, I don't mind about her preference. Kasi napatunayan naman nya ang sarili after all these years. Twenty five lamang ito pero exceptional ang pamamalakad nya sa Matimyas. Kaya tiwala akong matutulungan nya ako sa mga prinsesa.
Napangiti akong lalo ng makalapit na ito kung nasaan kami. Hindi ako magtataka kung bakit mapalalake o babae sa kaharian at ibang kaharian ay mabighani dito. Mukha kasing modelo ang reyna at kamukha ng Wonder Woman lead actress na si Gal Gadot. Na kahit nasa malayo pa lang ito ay mapansin mo na kasi bukod sa maganda at matangkad, kakaiba yung aura nya. Yung tipong charismatic talaga. Maswerte man kung sino ang mapupusuan nito.
"Magandang gabi, Hari Mon," nakangiting bati nito sa akin at bahagyang yumuko. "Magandang gabi, magagandang prinsesa."
Kulang na lamang ay mahimatay ang aking mga anak. Oo, kinikilig ang mga ito. I am fully aware na malaki ang pagkaka-crush ng aking mga dalaga sa reyna ng Matimyas, kaya naman ito agad ang naisip kong makakatulong sa mga plano ko para sa mga prinsesa. Wala akong problema kung anong gusto ng mga anak ko. Hindi ako against dun, ang gusto ko lamang ay bago ako pumanaw, maayos kong maipasa sa kanila ang mga gawain dito sa kaharian.
But given the current situation, masasabi ko pang hindi prepared ang mga prinsesa. I need to do something bago pa mahuli ang lahat para makapaghanda din sila sa magiging responsibilidad nila sa kaharian. Hindi ako matatahimik kahit na nasa kabilang buhay na ako kung magiging unprepared sila. Huwag naman sana.
"Maganda ka pa sa gabi, mahal na Reyna," ang aking sabi dito at mas lumapad naman ang ngiti nito. "Pasok na tayo sa loob, Kamahalan," aya ko dito. Tumango naman sya at sabay na kaming naglakad papuntang bulwagan.
+++
LOLITA
Two hours bago dumating si Reyna Prima sa Kahariang Balangaw...
Sa kwarto ni Prinsesa Aida...
"Lolita! Nasaan ba si Burton? Ang damit ko para mamaya?" nakasalubong ang dalawang kilay na tanong ng prinsesa sa nanginginig pang maid. Hindi ito magkumahog dahil isa-isa syang tinatawag ng mga prinsesa sa kani-kanilang mga kwarto. Humihingal pa ito ng dumating sa harapan ng prinsesa.
"P-prinsesa, nariyan na po ang iyong susuotin sa gilid." Itinuro ng maid ang lavender gown sa side ng kwarto kasama ng dalawa pang maid na nakasiksik lang sa tabi. Halatang takot na takot din ang mga ito sa prinsesa. Nakabathrobe na ito.
"Ah okay," walang expression na sabi ng prinsesa. "Handa na ang pampaligo ko?" muling tanong nito.
"O-opo. Hinanda na po ng dalawang maids," nakayukong sabi ni Lolita dahil hindi talaga nito kayang tignan ang nanlilisik na tingin ng prinsesa. Para kasi syang mahihimatay.
"Okay," ang sabi ng prinsesa.
Namilog ang mga mata ng maid ng makita ang bathrobe ng prinsesa sa sahig. Hindi pa din ito nasasanay sa ganung ugali ng mga prinsesa. Walang kiyeme talaga kasing maghubad ang mga ito sa harapan ng mga lady maids lalo na pagnaliligo at binibihisan.
Narinig na lamang ni Lolita ang pagbukas ng glass door papuntang banyo ng prinsesa. Doon na ito nakahinga ng maluwag.
Hinarap nito ang dalawang maid na nakasiksik sa gilid. Nilakihan nya ito ng mata at nagsign sya gamit ng mga kamay na lumapit. Para namang kiti-kiting lumapit ang dalawa.
"Bantayan nyong maigi ang prinsesa. Gawin nyong lahat ang gusto nya ha. Please lang, tulungan nyo ako," bulong nya sa dalawa. Guilty na tumango naman ang dalawa.
Saktong pagkasabi ni Lolita ng mga bilin nya ay tumunog na ang kanyang phone. Pagkakita sa caller ID ay sinagot nya ito at patakbong pumunta sa kwarto ng isa pang prinsesa.
"Lolita! Tawagin mo si Burton! Hindi ito iyong pink gown na gusto ko!" ratrat sa kanya ni Prinsesa Lorna sa phone.
Muntik ng madapa si Lolita sa kamamadali habang kausap ang prinsesa sa phone. Nakalimutan ni Lolita na may wireless earphones naman pala sya. Nataranta na din kasi ito. Kung nakakatakot si Prinsesa Aida dahil sa uri ng tingin na pinupukol nito, si Prinsesa Lorna ay wala namang preno ang bibig.
"Prinsesa Lorna, pasensya na po," humihingal na nakarating na sya sa silid ng prinsesa.
Halos mag-abot ang baba at tuhod nya. Medyo may kalayuan din kasi ang mga kwarto ng mga prinsesa sa isa't isa. Mabuti na nga lang hindi nagpasya ang tatlo na gamitin ang mga kwarto sa malalayong parte ng palasyo. Mabuti at pinili nila ang sunod-sunod na kwarto lang. Pero medyo malalayo pa din kaya natetest talaga ang kanyang running skills.
"Lolita, hindi ito yung sinabi ko kay Burton," hinarap ako ng prinsesa at tinapon ang gown sa aking harapan. Ang dalawang maid naman na nakaassign dito ay katulad ng dalawang maid na na kay Prinsesa Aida kanina, takot na takot. Hay naku, kailangan ko na talagang kutusan 'tong mga 'to. "I sent you the picture of the gown I wanted earlier! I want the ballet slipper pink with lace and v-line that will display these beautiful assets of mine." Hinawakan nito ang boobs.
Oo, may kalusugan ang boobs ng prinsesa. Malulusog naman ang dibdib ng dalawa pang prinsesa pero mas malaki ang kay prinsesa Lorna. Nakabathrobe na din ito at kitang-kita ang cleavage nya. Grr.
"Sorry, Princess. Ipapaulit ko po agad kay Burton. May ibang changes pa po ba?"
Sumasakit na ang ulo ko. Siguradong kukuda na naman si Burton. Nakahanda na talaga kasi ang mga damit ng mga prinsesa pero in the last minute, nagpasyang ibahin ni prinsesa Lorna ang kanyang gown.
"Wala na. Sabihin mo kay Burton na kung hindi nya kayang gawin yung gown na gusto ko, gawan nya ng paraan kung paano mabibili ang gown na yun! Ngayon na!" utos ng prinsesa.
Napakaimposible talaga nito minsan. Eh yung gown na gusto nya ay i-oorder pa sa ibang bansa na kahit ipakuha sa personal jetplane ng royal family ay maabutan pa ng more than two hours. Ang salu-salo ay magsisimula na in less than two hours.
"Sasabihin ko po, mahal na prinsesa," ang nasabi ko na lamang. Patay ka, Burton!
"Sige na, umalis ka na! Ang bagal mo din, eh!" muling singhal nito sa akin.
"O-opo. Opo!" Natarantang umalis na ako sa kanyang silid. Yung pinakamasungit na award ay kay prinsesa Lorna na talaga. My god!
Lakad-takbo akong pumunta sa kwarto ng head wardrobe. Ang masaklap, isang kilometro ang layo nito sa kwarto ng mga prinsesa. Kaya hindi ako nag-i-skirt at heels dito sa palasyo kasi ganito ang trabaho ko. May ibang maids naman pero hindi pa ako nakakahanap ng mapagkakatiwalaan ko talaga kasi ayokong malagot din kay Miss Chona.
Hindi pa man ako nakakalayo ay tumunog ulit ang phone ko. This time, si prinsesa Fe naman. Tinawag ko muna ang isang guard na nakita ko sa gilid bago sinagot ang tawag ng prinsesa.
"Pakidala ito kay Burton, pakibilisan. Kailangan kang umabot dung ng less than 10 minutes. Itetext ko sa kanya ang details basta ibigay mo lang 'to sa kanya," mabilis na utos ko sa guard.
Nagtext ako ng mabilis about sa gustong mangyari ni Prinsesa Lorna sa gown nya tsaka ko sinagot ang tawag ni Prinsesa Fe.
"Loli," naiiyak na sabi ng prinsesa sa kabilang linya. Patakbo ulit akong bumalik sa gawi ng mga kwarto ng prinsesa. Nasa dulo ang kwarto ni Prinsesa Fe.
"Princess, ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ko. Ang pinakagusto ko sa lahat ay si Prinsesa Fe. Sobrang bait kasi nito at malambing. Kahit may taglay na pagkapasaway at maloko pero ito ang pinakamabait sa tatlo.
"Loli, si Snow. Naglalaro lang naman kami tapos nalingat lang ako, kinakagat-kagat nya na pala yung gown. Sorry, Loli." Naku po, may isa pang irerepair si Burton. Bago pa ako nakasagot ay nagsalita ulit ang prinsesa. Malapit na din naman ako sa kwarto nya. "Hindi ko aabalahin si Burton dahil alam ko namang binobomba na naman sya ng demands ni Lorna. Kaya kung pwede, bring the list of things para i-prefer yung gown."
Nakarating na ako sa kwarto ng prinsesa pero tumigil na lang ako sa pintuan nya. Unlike the two princesses, kailangan mo talagang physically present pag may mga demands ito, si Prinsesa Fe naman ay okay lang sa kanya na mag-usap kayo over the phone as long as yung inuutos nya ay matutupad.
"Sorry, princess. Ano pong prefer?"
"Prefer... yung ayusin. Sorry inenglish ko pa, hindi mo pala naintindihan, Loli. Nasend ko na sa'yo ha. Kailangan ko yun in five minutes," pinatay na nito ang linya.
Napapikit ako. Mas sumakit pa ang ulo ko sa sinabi ni Prinsesa Fe.
"Repair" pala ang tinutukoy nya sa "prefer" na sinasabi nya. Mabuti na lamang at hindi si Prinsesa Lorna ang nakarinig sa sinabi nito. Dahil pagnarinig na naman iyon ng kambal nito'y sandamakmak na pangungutya na naman ang aabutin dito ng bunsong kambal.
Ito naman ang kahinaan ng prinsesa. Unlike sa dalawang prinsesa na matalino, medyo o slight na mapurol si prinsesa Fe. Hindi din kasi ito mahilig mag-aral. Oo, mabait at friendly ang prinsesa pero pagdating sa pag-aaral at pagbabasa ay surrender ang mga royal tutor dito. Hindi mo talaga ito mapapag-aral except sa music. Doon magaling ang prinsesa.
Tumawag na lamang ako kay Burton para sabihan na iutos sa assistant nito ang mga kailangan na gamit pang-"repair" ni Prinsesa Fe sa kanyang gown. Bukod sa music, libangan din ng prinsesa ang fashion designing kaya minsan, ito na mismo ang nagdedesign o inaalter ang mga damit na ginagawa ni Burton para sa mga ito. So far, nakikita kong may potential din ang prinsesa sa larangang iyon.
Mabilis na lumipas ang oras at naayos naman ang mga damit at makeup ng mga prinsesa. Pagod na yung katawan ko pero magsisimula pa lang ang party. Ang consuelo na lang ay nacommend ako ng aking head na si Miss Chona.
"Good job," yun ang sabi nya na nakapagbalik na sa lakas ko. Aware akong mahirap ang trabahong pinasukan ko pero may sarili akong goal kaya kahit mahirap, kakayanin ko.