Kabanata V: Ang Hapunan

2175 Words
THE PRINCESSES PAGKATAPOS ma-satisfy ng mga prinsesa sa mga kasuotan at kung anong nakikita nila sa salamin, lumabas na ang mga ito isa-isa sa kanilang mga kwarto. Nagkagulatan pa sila ng makita ang isa't isa. Pero agad din silang natauhan at parang mga batang nag-unahan makarating sa entrance ng palasyo kung saan sasalubungin si Reyna Prima. Kahit nakagown ang mga ito ay hindi nila alintana ang pagtakbo. Nahirapan man pero dahil napakacompetitive ng tatlo ay nawala ang poise ng mga ito saglit. Hindi naman magkamayaw sa pag-alalay ang mga personal maid ng tatlo at si Lolita na humahabol sa mga ito. Ang mga guards naman na nakaabang lang ay maingat na binabantayan ang mga pinsesa. Pagnagalusan ang mga ito'y malalagot sila sa head security at higit sa lahat ay sa hari. Ang mga prinsesa naman ay walang pakialam basta ang importante ay manalo sila sa isa't isa. Dahil si Prinsesa Aida naman talaga ang sporty, nakangiting tagumpay ito ng maunang makarating sa entrance. Nagpose pa ito na parang walang nangyari. Ngiti yung ginawa ni Prinsesa Aida pero sa mga maid at guards ay ngisi iyon. Ang creepy kasing ngumiti ng prinsesa. "Second!" sigaw ni Prinsesa Fe. Nakasimangot na humihingal na dumating si Prinsesa Lorna. "Retouch! Dali!" utos ni Lolita sa mga personal maid ng mga prinsesa. Agad namang sumunod ang mga ito. Muntikan ng himatayin si Burton habang sinusuri ang mga gowns ng prinsesa. Nakahinga ito ng maluwag ng wala namang damage. Nakahawak sa dibdib na nag-step back ito pagkatapos. "Madadaya," atungal ni Prinsesa Lorna. "Weak ka lang," Princess Aida said and blankly stare at her sister. "Boom panes!" kantyaw ni Prinsesa Fe. "Shut up!" galit na baling dito ni Prinsesa Lorna. "Weak. Bleh!" Mas lalo pa itong inasar ng nakabababatang kapatid. Bibigwasan sana ni Prinsesa Lorna ang kapatid pero nakita na nyang paparating ang kanilang ama kaya nagpigil na lamang ito. Muli pang bumelat si Prinsesa Fe bago tumakbo sa likod ni Prinsesa Aida para hindi sya maabot si Prinsesa Lorna. Humingang malalim na lamang si Prinsesa Lorna at bumilang sa isipan para hindi nya masugod ang bruhildang bunso. Dumating ang hari at binati nila ito. Nakangiting nakatingin naman ang hari sa tatlo. The triplets were so happy that they are seeing the King pleased by their appearances tonight. Alam ng tatlo na hindi madaling ma-impress ang Hari lalo na sa fashion pero wala itong komento sa mga suot at makeup ng tatlo kaya nasiyahan ang magkakapatid. Mas lalong nasiyahan sina Lolita at Burton sa reaction ng Hari. Maya-maya nga'y dumating na ang pinakaaantay ng lahat. Halos mahimatay ang mga prinsesa sa kilig ng makita si Reyna Prima. Lalo na ng binati sila nito. Sa isip ng tatlo ay napakasexy at nagshine talaga si Reyna Prima sa suot nitong long sleeve gown with ruching detail-V-neck-Noir Fine Corded Lace-Silk lined. Napanganga pa ata ang tatlo lalo ng makita ng malapitan ang mata ni Reyna Prima na color amber. Which means yellowish or golden ang irises nito. People describe Queen Prima's eyes as cat eyes. Maraming beses ng nakita ng mga prinsesa ang Reyna sa mga party at salu-salo ng mga royal families pero ito yung unang beses na makakasalamuha nila ito ng malapitan. Kaya naman sobrang excited ng tatlo. Hindi man nag-uusap ang tatlo sa personal na mga buhay nila sa isa't isa pero hindi maipagkakaila ng bawat isa na pareho silang humahanga sa reyna ng Matimsay. Ang tanong, pareho ba ang level ng pagkakagusto nila sa reyna? Nang makalayo na ng kaunti ang Amang Hari nila at si Reyna Prima para pumasok na sa loob ng palasyo, nagsikuhan pa ang tatlo at nag-unahang sumunod sa mga ito. +++ PRINCESS AIDA Sa royal dining room... Hindi ako makapaniwalang nandito sa palasyo namin si Reyna Prima! s**t! I am freaking out pero tinatry kong maging mahinahon. Sobrang crush na crush ko si Reyna Prima! I really look up to her and I am a big fan! Nakakahiya man sabihin pero my secret room, na hindi naman secret talaga, ay puno ng mga larawan nya at about sa kanya. No, I am not obsessed in a creepy way pero s**t, mahal ko na ata sya lalo na ng makita ko ito sa malapitan. Ang ganda nya talaga! Nag-uusap sila ni Dad about sa mga pamamalakad ni Reyna Prima sa Kahariang Matimsay habang kumakain kami. Hangang-hanga lang akong nakikinig at hindi na makakain kasi sa kanya pa lang ay busog na ako. Kanina'y napasimagot pa ako dahil hindi ko katabi ang reyna sa upuan pero mas maganda pala ang view sa harapan nya mismo. Nakikita ko sya ng mabuti. May isa't kalahating metro ang layo ko sa kanya dahil sa long dining table na kaming lima lang naman ang nakaupo, pero okay na din yun. s**t. Mas maganda, sexy at ang lakas ng s*x appeal ng reyna sa malapitan. Maswerte si Lorna na katabi nya si Reyna Prima pero satisfied na akong makitang uncomfortable ito. Namumula ang supladang kapatid ko. Napakaobvious! Pero wag kang mag-alala, Lorna. Hanggang blush ka na lang kasi akin na si Reyna Prima. Tumawa ako sa isipan na parang baliw. Yung pang kontrabidang tawa. "Princess Aida, tinatanong ka ni Queen Prima." Kuha ng atensyon ko ng aking ama. "Oh, sorry. What was that again?" Pagkinakabahan or pagsobrang galit ako, napapaenglish talaga ako ng wala sa oras. "Shalan, English," narinig kong komento ng katabi kong si Fe. "I was informed na napakagaling mo daw sa horse back riding. You even won an international competition." The Queen was staring at me now while sipping her wine. s**t, parang malalaglag ang panty ko. Akalain mo yun, alam nya ang tungkol sa mga hilig at achievements ko. I feel so special to her now. Ayiiee... "Ah y-yes, Queen Prima. But unlike you, the undefeated horseback rider. I was lucky back then that you were not attending that event, that's why I had the chance to win." Pahumble muna tayo. Aish. Sya talaga ang inspirasyon ko kaya nagsumikap akong matuto at maging magaling sa horse back riding. "Bolera," paubong sabi ng katabi ko. Ang epal talaga ni Fe kahit kailan. "Naku, hindi naman. Pero if you want, pag may oras ka, let me know para makapag-horse back riding tayo and friendly competition, yeah?" magiliw na wika ni Queen Prima. Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. "Really?!" Muntik na akong mapatayo sa upuan ko dahil sa excitement. Naexcite ako sa sinabi nya! s**t! s**t! Heart, kalma! "Oo naman," nakangiting sagot ng reyna. s**t. Hihimatayin na ata ako. Hindi ko alam kung ilang beses akong tumango-tango dito at alam kong sobrang lapad ng ngiti ko. I am so excited! I can't wait for that time to come! +++ PRINCESS LORNA Napakatanga ko. Kung hindi pa bumisita si Reyna Prima dito sa amin ay hindi ko malalaman na pati ang mga kapatid ko ay kaagaw ko dito. Argh! Queen Prima is mine! Mula ng magkaisip ako, wala ng ibang pinangarap ang mabait at maunawain kong puso kundi ang reyna ng Matimsay. Aba, may moments kaya kami nung kabataan pa namin. Mga ala-alang sure akong nasa puso pa din ng reyna kaya sya narito para hingin ang mga kamay ko. Luh, ilusyunada! Tumigil ka, alter ego. Hindi ilusyon yun! Anyway, hindi ako makakapayag na hindi ako ang magwawagi ngayong gabi sa mata ng aking mahal na Reyna. Kung kailangang kong kalbuhin ang dalawang kapatid ko para magtigil ang mga ito sa kakailusyon sa aking Reyna ay gagawin ko. Tignan mo 'to si Aida. Kilig na kilig. Eh, inimbitahan lang namang maghorse back riding. Mas nakakalamang na nga ako ngayong gabi kasi magkatabi kami ng mahal kong reyna. Hindi na nakapalag ang dawala dahil nauna na akong pumwesto sa katabing upuan nito. As usual, si Daddy ang nasa gitna ng dining table. Nasa kanan kami ni my love Queen Prima ni Daddy at ang dalawang unggoy sa kaliwa nito. Ang sarap tusukin ng mga mata ng dalawa, as they shamelessly checkout my beloved queen. Bwiset na mga 'to. Sinusubukan nyo talaga ako, ha! Wala akong pakialam kung mga kapatid ko pa kayo. Naku! "And you Princess Lorna, I've read your novel, Love at first sight. It was really good and I couldn't stop myself from reading it. May second book pa yun kasi hindi pa naman clear ang ending, 'di ba?" Muntik ng malaglag ang kopita ng wine na aking iniinom sa kasalukuyan dahil sa sinabi ng Reyna. Kinalma ko ang sarili at marahang binitawan ang kopita sa mesa tsaka matamis akong ngumiti dito. Actually, para akong dinuduyan sa ulap dahil sa atensyong binibigay nya sa akin. Lalo na ng nalaman kong binasa nya ang unang nobela ko! Oh my f*****g god! "I am honestly pleased and overjoyed knowing that a busy woman like you, my queen, has read my novel. Hindi nyo po alam kung gaano nyo akong pinasaya sa inyong sinabi." "Plastic," paubong sabi ni Fe. Pinanliitan ko ito ng mata pero nagkunwari lang itong umiinom ng wine. "Ano ka ba? It was a best-selling story. And it was really trending, plus I am a fan of your writing and works ever since you started writing. You were ten years old when you started, right?" Pati yun alam nya? Oh my god. Is she stalking me? Oh s**t. Nakangiting tagumpay akong nag-side glance sa mga kapatid ko. Ang sama ng mga tingin nila sa akin ngayon. I mentally laughed like the villain Ursula in the Little Mermaid. "Napakasweet nyo naman, mahal na reyna. Hayaan nyo po, pagnatapos ko kaagad yung book 2 nun ay ako na mismo ang maghahatid sa inyong palasyo ng kopya po ng libro." Matamis ang ngiting ipinukol ko dito. Look at her, she's smiling from ear to ear and she was obviously flirting with me. Ilusyunada! Hoy, alter ego, hindi nga ilusyon. The Queen has her eyes on me. Hindi ako maaring magkamali! +++ PRINCESS FE Aba, aba. Ngayon ko lang nakitang may taglay pa lang kalandian ang mga kapatid ko. Si Reyna Prima lang pala ang makakapaglabas ng tunay na kulay ng mga kakambal ko. Pwes! Hindi ako papayag dahil akin si Reyna Prima. Hindi ko alam kung kailan pero matagal na akong may gusto sa Reyna ng Matimsay. Stalker pa ako sa stalker. Kaya nga naiinis ako sa lady guard nito dahil ito ang naiisue na nobya nya daw. Tinignan ko ito ng masama. Nakatayo at nakatikas pahinga lang kasi ito na parang tuod sa 'di kalayuan. Hindi ako makakapayag na agawin nito si Reyna Prima sa akin. Tapos akala ko ay sya lang ang magiging problema ko, pati pala ang mga kapatid ko! Aba, hindi ako magpapatalo. Hindi man ako kasing sporty ni Aida at kasing talino ni Lorna, I have my ways. Hindi hamak na mas mabait ako at mas deserving sa reyna ng Matimyas. "Queen Prima, sorry for interrupting, pero kung inyo pong mamarapatin, gusto ko po sanang handugan kayo ng awitin gamit ng aking grand piano," putol ko sa panglalandi ni Lorna sa Reyna. Nagthumbs up naman sa ilalim namin si Aida. Oh well, wag kang masyadong maging kampante, Ai. Dahil sisiguraduhin kong mabibighani ang Reyna sa galing ko sa piano. "Oh yes, wow! It's an honor, Princess Fe. I heard you played a lot of times sa mga royal gatherings but playing for me is a big privilege! I would love to hear it, please!" Feeling ni Fe ay namumungay pa ang mga mata ng Reyna habang sinasabi ang mga katagang yun. Gosh, yung puso nya. Dugudug, eh! "My pleasure, my Queen!" excited na saad ko. "Tapos na po ba kayong kumain?" Tumango naman ang reyna. Tumayo ako at pumunta sa gawi nya, inilahad ang aking isang kamay na inabot naman nya. Yung kuryente at kilig ko nung nahawakan nya ang aking kamay ay hindi ko maipaliwag. Haist. "Tara po sa bulwagan, mahal na reyna," aya ko dito. Nakangiting tumango ulit ito. Nakakatunaw ng kung anong anxiety yung ngiti nyang yun. Baka pwede pa ngang panggamot sa cancer yung ngiti nya. No joke! Anyway, nang makarating kami sa bulwagan, pinaupo ko ito sa tabi ko kung nasaan ang grand piano. Medyo mahaba naman ang upuan na yun kasi custom made yun. The three of us used to play the piano together nung maliliit pa kami, kaya instead na one seated lang yung upuan ay for three people sya. Nakita kong sumunod ang pamilya ko sa amin sa bulwagan at naupo sa mga bakanteng silyang naroon. I started to fiddle my expert hands sa keys ng grand piano. Ang mga tinugtog ko ay mga piano piece ni Yiruma. I started with Maybe na isa sa mga paborito ko, then Love Me para kay my love Queen Prima. They enjoyed the sound I was playing kaya nagrequest pa si Queen Prima ng isa pang Yiruma piano piece na favorite nya daw. Walang iba kundi ang Falling In Love. Feel na feel ko naman yung pagtugtog kasi feeling ko, purposely ay nirequest nya ang piece na yun dahil she's falling in love with me. So, paano ba yan? Panalo na ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD