Kabanata VI: Ang Kasunduan

2157 Words
QUEEN PRIMA "MARAMING salamat sa hapunan na hinanda ninyo, Hari Mon. Napakasarap po ng pagkain at napakababait po ng mga taga-Balangaw." Nakipagkamay ako sa Hari at tinanggap naman nitong may ngiti sa mga labi. Kasalukuyan na kaming nasa labas ng palasyo at hinahatid na nila ako sa aking royal car. Muling sumulyap ako sa tatlong naggagandahang prinsesa sa likuran nito. Talagang lumaki ng napakaganda ang triplets. Nakakatuwa ang mga ito. "No. Maraming salamat sa pagpapaunlak, Reyna Prima. Kayo po ay welcome lagi sa Kahariang Balangaw," sabi ng Hari. Bumitaw na sila sa pakikipagmay. "Asahan ko yan, Hari Mon." Nakangiting nagpaalam na ako sa mga ito. Kitang-kita ang lungkot sa mga mukha ng tatlong prinsesa sa aking pag-alis. Kumaway na lamang ako sa mga ito. Pumasok na ako sa likod na upuan ng sasakyan ng pagbuksan ako ng pinto ni Sina at agad na sumakay ito sa harapan. Ang lapad ng ngiti ko ng makaalis kami sa palasyo ng mga Tugenev. Nang medyo malayo na kami ay doon na ako napasigaw sa kilig. "Kyaaaaa!!!" "Kamahalan?! Ano pong nangyari sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Sina na lumingon sa gawi ko. "Ang cute nila, Sina! Parang gusto ko silang i-uwing tatlo! Kyaaaa!!!" Nakita kong parang narelief si Sina sa aking sinabi. Akala talaga nya ay may nangyari sa akin na masama kaya nagsisigaw ako. "Pinakaba mo ako, Kamahalan. Akala ko ay ano ng nangyari sa'yo," sabi nya. "Mukha nga pong nag-enjoy kayo." "I did! Alam mo naman kung gaano ako kaexcited makita ang triplets." "Halata nga po, Kamahalan," the guard commented. Binalik na nito ang tingin sa harapan. Ako naman ay nagmuni-muni sa nangyari kanina. I totally forgot about my injured stomach na masakit pa kanina habang kumakain ako. Pero nung nakausap ko na ang tatlo ay hindi ko namalayan ang sakit. I enjoyed talking to the girls and I was really amazed. They are so cute! I am impressed as well as how talented the princesses are. Princess Aida is really good at sports at physical activities. She was clever, too. Not as clever as the second princess pero okay na din. Princess Lorna is really bright. Lahat ng about sa literature and books, numbers, pati sa politics, she has ideas about them. You can talk to her about almost everything. At ang bunsong si Prinsesa Fe is really impressive in her musical talent. She was not titled as musical genius sa royal world kung hindi ito talagang magaling. She can even perfectly fiddle classic piano piece and my favorite Yiruma piano pieces! She was really amazing. Lahat sila, actually. Hari Mon is so lucky, his girls has really potential. Anyway, medyo nagkagulo lang nung nagsimula ng makipagsayaw si Prinsesa Aida while Princess Fe was playing in the grand piano. The princess was not really a good dancer but I commend her for trying. Naging competition din yun ng si Prinsesa Lorna ay inagaw ako mula sa kapatid pagkatapos ng isang kanta. Medyo marunong namang sumayaw ang prinsesa and seeing her close-up was really nice. The triplets are fraternal kaya hindi sila magkakamukha, merong silang unique features. But the colors of their eyes are the same. They look so stunning. Hindi din nagpatalo si Prinsesa Fe. Basta lang nitong tinuro si Sina na proxyhan daw sya sa pagtugtog tapos sya naman ang nakipagsayaw sa akin. I am not sure kung alam ng bunsong prinsesa na marunong naman kahit papaano tumugtog si Sina ng piano. Pero one thing I know, gusto talaga nitong makipagsayaw sa akin. Princess Fe was a good dancer. I am actually surprised. She smiled a lot too at parang laging good vibes lang ito. Ang gaan din nito magdala and I was enjoying dancing with her. Natapos lang yun ng ang hari na mismo ang nagpatigil sa amin dahil baka gabi na at pagod na daw ako. The King was my savior. I was really exhausted but since I was enjoying, hindi ko namalayan yun kung hindi pa kami tumigil. Gusto pang makipagsayaw at makipagkwentuhan ng mga prinsesa but we need to go na din, kasi may mga urgent na papeles na kailangan kong asikasuhan. Buzzkill yung head steward kong si Janine, eh. Hindi ata natutulog. Pero masaya ako na napakahard working ng mga tauhan ko. Nang dahil sa kanilang cooperation at trust, gumagaan ang trabaho ko bilang reyna nila. Well, I admit na hindi lamang ako nandoon para makilala ng personal ang triplets. May kasunduan kasi kami ng Hari ng Balangaw. At bago ko isagawa ang hiling nito ay humiling din akong makita muna ng personal ang tatlo. Hindi yun ang unang pagkikita namin ng mga prinsesa. Totoo ang mga sinabi ko nung nag-usap kami kanina. I have already checked out the file of the princesses. From their strong point to their weak point. Alam kong medyo bratty din ang mga ito at may kanya-kanyang paniniwala. Medyo mahirap ang hinihiling ng Hari ng Balangaw sa akin pero I took the offer. May sarili din naman akong kundisyon kung bakit ako pumayag. Tatlong oras din at kalahati ang byahe mula sa Balangaw at Matimyas. Sinabihan na ako ni Sina kanina na gumamit na lamang kami ng royal chopper para madaling makapunta doon at makauwi pero ako ang nag-insist na we will travel using the car. Ayokong magulo ang outfit at makeup ko pagdating sa Balangaw. Tsaka I love long drive. Hindi naman kami nalate dahil maaga kaming lumiban galing ng Matimsay kanina. Pagkarating namin sa aking palasyo ay dumiretso ako sa study room at pinatawag kay Sina ang amang si Arthur, ang head chambermaid s***h royal advisor ko. Nakaupo ako sa aking swivel chair at nagbabasa ng bagong files na sinend ng aking Head Steward na si Janine, nang makarinig ako ng katok sa pintuan. After three knocks, pumasok na ito, kasunod ang head security sa likod nito. Pumwesto si Sina sa usual pwesto nya pagnakabantay sa akin, sa kanang gilid ko. "Magandang gabi po, Kamahalan. Nagdala po ako ng tsaa para matunawan ka sa iyong kinain. Sigurado akong napakain ka ng mabuti sa Balangaw," wika ni Arthur at ipinatong ang dalang tea set sa maliit na mesa malapit sa couch. He poured the tea on the cup, ininuman ng kaunti para icheck kung may lason and he handed it over to me. "Maraming salamat, Arthur." Uminom muna ako ng tsaa. "Ang sarap. Really refreshing." He was warmly smiling, "I am glad you like it, my Queen." "Mas mapalad ako kasi nandyan ka lagi para mag-alaga sa akin, Arthur. I am forever indebted to you." "Ang saya po sa pakiramdam ng inyong sinabi pero ako po ang may utang na loob sa pamilya ninyo dahil binigyan ako ng chance ng iyong Lolong Hari para makapaglingkod sa inyong pamilya," he said. Napakahumble talaga ni Arthur. Kaya naman sobrang nagtitiwala ako dito. Bukod sa mabait talaga ito at inaalagaan ako, napatunayan na nito ang sarili sa ilang taong paglilingkod sa royal family. "Oo nga pala, kaya ko kayo pinatawag dahil may importante akong sasabihin." Nilingon ko si Sina na parang tuod lang na nakatayo sa aking gilid. Ni hindi man lang ito tumingin sa akin. Nang maramdaman nya sigurong nakatitig na ako sa kanya ay tsaka sya tumingin sa gawi ko. "Yes, my Queen?" tanong nya. "Tumabi ka kay, Arthur," I commanded. She immediately followed but confusion was covering her whole face. "So, ayun, hindi lamang simpleng dinner ang pagpunta ko sa Balangaw. Actually, I... I am getting... married," I trailed my words para makita ng maayos ang expression ng dalawa. Nakakatawa yung mukha ng mag-ama. Yung parang kulang na lang sabihin nilang, "Seryoso ka ba?" "Co-congratulations, Kamahalan," sabi ni Arthur ng makabawi. "Weh?" ang sabi ni Sina. She earned a nudged from her father. Hindi ko na napigilang matawa. "It's a prank!" I declared, still laughing. "Sabi ko na," Sina said under her breath pero narinig ko yun. Siniko sya ulit ng tatay nya. Nakasimangot tuloy itong napaaray. Ang cute ng mag-ama! "Anyway, in a serious note," I started ng matapos na akong tumawa. Ang epic kasi ng expression nila. "I might be a bit busy in Balangaw. Kaya for the meantime, Arthur, I will assign you to organize things for me here in Matimsay. I will bring Sina with me, don't worry. And... ang pinakamahalaga sa lahat, walang makakaalam, maliban sa ating tatlo, na nasa Balangaw ako." Natahimik ang dalawa. "Alam kong may tanong kayo. Fire away," I said at sumandal sa likod ng upuan. Kanina pa sumasakit ang likod ko. Parang kailangan ko ng massage. "Kailan ka aalis? Maari ko bang malaman kung anong gagawin mo doon?" tanong ni Arthur. "Mga next week na pagkatapos kong ma-organize lahat ng kailangan dito. Wag kang mag-alala, Arthur, aayusin ko lahat bago ko iwan sayo yung ibang task. And again, tayo lang dapat ang makaalam ng pagkawala ko sa palasyo. If someone will ask about me, tell them that I am doing a research kaya nakakulong lamang ako sa study room ko. So, make sure na wala ding pangahas na makakapunta dito." I reminded him, "The King need my help in choosing his heir. I will help him train the princesses." Tumango-tango lamang si Arthur. "I am sure na magiging safe naman ako dun, Arthur. Wag ka na masyadong mag-alala. If may urgent talaga na need ako or may schedule ako for appearance, send the code 911 on Sina's number. That way, alam kong urgent talaga. But aside from that, alam ko naman ang on-going schedule ko kaya I will make sure to appear sa mga important events. Just keep me posted through Sina." "Makakaasa ka, kamahalan." Umalis na si Arthur pagkatapos kong masabi ang bilin ko dito. I told him that I will brief him again bago ako umalis. As for Sina, may ipinagawa akong task sa kanya. "Call Pol, Sina," utos ko dito. Nagradyo ito sa relo nya s***h communication device ng mga security sa palasyo. After five minutes ay dumating ang aking head wardrobe na si Pol. "Madang gabi, Kamahalan," bati nito at bahagyang yumuko. "Pol, I need these stuff," agad na sabi ko sa kanya and began to tell him what I need. Sinulat nya ito ng mabilisan sa dalang maliit na notepad. Alam kong nagtataka ito sa mga damit na pinapakuha ko sa kanya pero hindi naman ito nagtanong. "Alam mo naman ang size ko, 'di ba?" I asked him. "Opo, mahal na Reyna." "Good. How about Sina?" Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Sina na nakatingin sa akin. Nasa harapan ko ito na katabi ni Pol. "Hindi pa po," sabi ng head wardobe na nakatingin na sa lady guard. "Measure her size and get the same clothes na sinabi ko sa'yo kanina. Iba-ibang colors lang. Again, make sure this clothes are cheap. Okay?" "Opo, Kamahalan," sabi ng head wardrobe at sinimulan ng sukatan ang nagtatakang si Sina. As the head wardrobe, nakasanayan na talaga ni Pol na magdala ng tape measure, panulat at maliit na notebook o papel sa bulsa. Alam nya kasing maya-maya ay may mga demands ako. Actually, lahat ng mga tauhan ko dito ay laging handa. Kaya nga sabi ko kanina, pinapadali nila ang trabaho ko bilang reyna dahil sa cooperation nila. Nginitian ko lang si Sina na sinusuri ako ngayon ng tingin. Marahil takang-takang ito sa pinag-utos ko kay Pol pero alam kong mamaya nya pa ako tatanungin kapag wala na si Pol. Well, I need to tell her my plans kasi isasama ko naman sya. "And Pol, for a span of a week, I need you to teach me to achieve a look for my disguise. I need a wig as well para sa akin at kay Sina." Tumango lamang si Pol sa narinig. Busy itong nagsusukat sa mas lalo pang kumunot ang noong si Sina. "Tapos na po ako, Kamahalan," he announced. Tumango ako. "Kailan nga po pala kita tuturuan sa prosthetic makeup at paglagay nung wig po?" "Bukas na bukas agad, Pol. Nine in the morning, sharp. And I need the clothes as soon as possible too." "Noted, my Queen," he said. "You are dismissed." Umalis na din ang lalake pagkatapos bahagyang magbow. "Mawalang galang na po, Mahal na Reyna." Ayan na si Sina. "Hmm?" Bumalik na ulit ako sa pagbabasa ng papeles na iniwan ni Janine. Pagod na din ako at inaantok. Baka ipagpabukas ko na lamang ito. "Kung tama po ang iniisip ko, hindi ka pupunta sa palasyo ng mga Tugenev bilang Reyna Prima. Tama po ba?" "Tama ka, Sina." "So kung tama din po ako, magpapanggap ka bilang normal na mamamayan ng Balangaw." "Yes, correct." "Ang hindi ko po maintindihan ay paano ka makakapasok sa palasyo kung magpapanggap kang bilang normal na mamamayan ng Balangaw?" "Sina... Sina.." Tumayo ako at pumunta sa likod nya tsaka ko sya binulungan. "Magpapanggap tayong katulong sa palasyo." She looked at me with full of horror in her eyes. Ang lakas ng tawa kong umalis sa study room at sinabing, "Bukas na tayo mag-usap. Good night, Sina!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD