Hindi pa rin naglalaho ang galit na ekspresyon ng mukha ni Zavian. Maging ako ay natatakot na kausapin siya dahil sa galit na nararamdaman niya ngayon. Matulin ngunit may pag-iingat ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Malalim ang hugot ng aking hininga at sumandal na lamang nang maayos sa kinauupuan ko. Tumunog ang cellphone ni Zavian. Kaagad niya iyong sinagot nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumawag. Nakinig siya sa nasa kabilang linya. Ni hindi na siya nag-abalang batiin pa kung sino iyon. Ang kalmadong Zavian na parati kong nakakasama ay hindi ko makita sa ngayon. “Kill them. Huwag kayong magtira nang kahit isa,” matigas na sabi ni Zavian sa kausap. Muli akong napabaling sa kanya. Mahigpit na nakahawak ang isang kamay niya sa manibela. Napahugot ako ng hininga sa kabang

