“Galit si Dad sa Mama mo dahil hindi ata siya pinili nito.” Nagkibit balikat si Zavian. Nakahiga kami ngayon sa kama. Nakayakap ako sa kanya habang siya ay nakasandal sa headboard at nilalaro ang buhok ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya na may pagtataka. Sinasabi niya kasi sa akin ang nalalaman niya tungkol sa Dad niya at sa Mama ko. “Bakit?” tanong ko. Nakakapagtaka na hindi pinili ni Mama si Javier. May iba bang minahal si Mama? Siguro ang aking ama? Ngunit kung mahal niya ang ama ko, bakit hindi niya maibigay sa akin ang pagmamahal na iyon? Bakit kung itrato niya ako ay para akong isang malaking pagkakamali? “Hmm, hindi ko pa alam ang pinakarason. Sa ngayon ang alam ko lang, hindi pinili si Dad. Inaalam ko pa ang buong kwento. He’s mad, Triana. Galit siya sa pamilya mo. And knowin

