“Hi,” bati ko sa kanilang dalawa. Iginaya ko sila upang maupo sa sofa. “Maupo kayo.” Lalong lumawak ang ngiti ni Caleb bago tumango at maupo sa sofa na katapat ng kinaroroonan ko. Tumingin ako kay Sierra. Inismidan niya ako bago sumunod kay Caleb sa pag-upo sa sofa. “Iiwan lang namin itong mga dokumentong kailangang pag-aralan at pirmhan ni Zavian. Kami na ang pumunta dahil baka hindi papasukin iyong sekretarya niya sa lobby pa lang. I heard from Zav na pinahihigpitan niya ang security para sa ‘yo,” sabi ni Caleb bago ipatong nag makapal na folder sa coffee table. Tiningnan ko lamang iyon bago tipid na ngumiti at tumango sa kanya. Hindi ko na itatanong kung wala ba si Zavian sa opisina. Naalala kong makikipagkita nga pala iyon kay Hyacinth ngayon para makausap. “How’s your pregnancy,

