Hanggang sa mawala ang mga bangkay ng ilang lalaking binaril ni Zavian ay tulala at wala ako sa sarili. Ilang beses na bang may namamatay na tao sa harapan ko. Will I get used to it? “Triana!” Isinigaw ni Zav ang aking pangalan at doon lamang ako bumalik sa aking katinuan. Maliwanag na ang paligid dahil bukas na ang mga ilaw. Naupo siya sa may harapan ko at pinagmasdan akong mabuti. Ang kanyang mga mata’y tinatantya ang aking ekspresyon. “B-bakit?” Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Marami akong gustong itanong ngunit hindi ko alam kung anong uunahin. “Are you okay?” Bahagyang pumungay ang kanyang mga mata nang mapagtanto siguro na nanginginig pa ako dahil sa nangyari. Hindi kaagad ako nakasagot. Tiningnan ko ang pwesto sa tabi ko kung saan nakahiga si Zavian kanina. Nakita ko roon

