Napatayo si Silas sa pagkakaupo mula sa kanyang kama. Humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan ang kwelyo ko. Ang kanyang namumulang mga mata’y tila handa ka nang saksakin sa talim nito. “Anong sinabi mo?” kalmadong tanong niya sa akin, ngunit ramdam mo sa panginginig ng kanyang kamay na nakahawak sa akin ang pagkairita. Siguro ay dahil sa sinabi ko sa kanya. “Buhay si Hyacinth. Nasa pangangalaga ko siya,” pag-uulit ko. Ang kanyang nagniningas na mga mata’y lalong tumalim habang nakatingin sa ‘kin. “P-Paanong…she was declared dead! Paano siya mabubuhay at bakit siya nasa iyo?!” giit ni Silas. Halata sa kanyang reaksyon na hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. I know, it’s hard to believe. “The doctor who was assigned to Hyacinth is working for me. Lahat ng nangyari sa ospital ay

