Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap namin kay Manuel Tarragona ay biglang may lumapit na isang tauhan ko sa akin. Ibinigay niya ang isang telepono dahil gusto raw akong makausap ni Dad. Bumaling ako kay Alexei upang siya na muna ang magpatuloy ng mga banta ko sa Tarragona family. “Dad,” pagbati ko sa kanya nang medyo makalayo ako kung nasaan ang mga tao. Inilagay ko sa bulsa ko ang isang kamay habang naghihintay sa sasabihin niya. “Zavian, how’s the negotiation going?” tanong niya sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ito lang ba ang itinawag niya sa akin? “Fine. Mukha namang payag na siya. Silas is waiting for my queue before making an action. Nakahanda na sila.” Bumuntong-hininga ako. “Why did you call? May nangyari ba?” Hindi kaagad nagsalita si Dad. Nagkaroon agad ako ng

