Sa mga araw na magkahiwalay kami ni Triana ay gumagawa rin naman ako ng hakbang. Hinanap ko kaagad ang lawyer ng aming pamilya na siyang may hawak ng kasulatan tungkol sa pamana ng mga Sartoni paara kay Triana. He was hospitalized dahil na rin sa ginawa ng mga taong sa tingin ko ay kasamahan ni Emmanuel. Hinintay ko pa na magkaroon siya ng malay. “I’m Zavian Sartoni Benavidez, Atty. Romulo,” pagbati ko sa ngayon ay may katandaang abogado. Nakahiga pa rin siya sa kama pero nagagawa niya na namang kumilos kahit papaano. “Y-Yes, I know you, Mr. Benavidez.” Bakas pa rin sa matanda ang panghihina ng boses pero…maayos na naman siyang makipag-usap kahit papaano. “Anong kailangan mo sa akin? Your inheritances were already processed when you turned 18—” “Hindi ako naririto para sa mga namana k

