“According po sa mga tauhan ni Sir Javier na naghahanap sa mga nakatakas na kasamahan ni Emmanuel Sartoni, may dalawang nakatakas. Ang isa ay nabaril sa engkwentro at ang isang nagngangalang Charles Hernandez ay nakatakas po. Pinaghahahanap pa rin po siya ng mga tauhan natin. Sila po iyong sakay ng kotseng nagtangkang bumangga sa inyo, sir.” Napatigil sa paglalakad si Triana nang marinig niya ang pag-uusap na iyon nina Zavian at ilang tauhan nito. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga kasabwat ni Emmanuel na nakasakay sa kotseng bumangga sa kanya na ngayon ay nakatakas. Ayaw ni Zavian na tumigil hangga’t hindi niya nauubos ang lahat ng kasabwat ni Emmanuel sa ginawa niya kay Triana. Naalala pa ni Triana ang sinabi niya kay Zavian na hayaan na lamang iyon, na siguro ay kaya nila nagawa

