Malakas na suntok muli ang natamo ko mula kay Dad nang ipagpilitan ko pa rin ang nararamdaman ko para kay Triana. Sa araw ng 21st birthday ko ay nalaman ni Dad ang relasyon namin ni Triana. Sa gabing iyon din ay iniwan ako ni Triana at nakipaghiwalay sa akin. Pinili niyang isuko ako upang hindi ko sukuan ang pangarap ko. And that hurts so freaking hell. Nag-aaway na naman kami ni Dad. I want him to accept me and Triana, dahil alam ko na hindi ako muling tatanggapin ni Triana kung hindi kami tinatanggap ni Dad. I don’t want to lose her. “Bakit ba hindi mo kami kayang tanggaping dalawa? Bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo sa kanya? I love her, Dad! At kahit anong pigil mo sa ‘kin, hinding-hindi ako magpapaawat.” Humakbang ako papalapit sa kanya. “You will banish me from the family if

