Nang makapasok ako sa matayog na gate ng dating bahay ng aming pamilya ay binati ako ng mga matataas din na damo at talahib. Napabuga ako ng hininga. Inaakala ko pa noong una ay mahihirapan akong makadaan dito pero hindi. Nakakita ako ng pathway. Napaisip ako bigla, mukhang madalas si Dad na magpunta rito, ah? Sinundan ko lamang nag patag na daan papunta sa bahay. Napatigil pa ako nang makita ang isang rebulto na sumisimbolo sa pamilya namin. Nilapitan ko iyon at nakita ko na may naka-engrave sa isang gold plate sa baba ng rebulto. Lealtad. Legado. Honor. Lealtad a tu sangre; ser recordado por tu legado; y ser el hombre de honor y disciplina. -Familia Benavidez Hinawakan ko ang nakaukit na iyon sa gold plate. Napangisi ako dahil ngayon ko lamang napagtanto na siguro kaya ganito ang mo

