Hindi na ako nakabalik sa pagtulog simula nang umalis si Zav. Lumabas ako ng kwarto at naupo sa sofa sa sala. May napansin akong ilang tauhan ni Zavian na kakapasok lamang mula sa labas ng bahay. Nang makita nila ako ay kaagad nila akong binati. Binati ko rin naman sila pabalik. “Si Zav?” tanong ko kahit alam ko na umalis na siya. “Umalis po, ma’am. Papunta po sa bahay nina Sir Silas,” sagot sa akin ng isang may pagkakulot na buhok na lalaki. Tumango ako. Nakakaramdam ako ng pag-aalala, both for Zav and Silas. “Uhm, siya lang bang mag-isa?” Madilim pa ang kapaligiran. Sa tingin ko ay nasa ala-una pa lamang ang oras at nakakatakot na magmaneho si Zav ng ganitong oras tapos ay natataranta pa. Baka sa kanya naman may masamang mangyari. “Hindi po, ma’am. May kasama po si Sir Zavian na d

