“Ito ang para sa ‘yo, Silas, at ito ang para kay Zavi!” Ibinigay sa amin ni Hati ang mga fake IDs na ipinagawa niya para lamang makapasok kami sa Night Parade kung saan nagtatrabaho si Triana Lopez. Sa hindi malaman at maintindihang dahilan ay nakakaramdam ako ng kaba. The hell! I’d never felt this way. Kahit nasa bingit na ako ng kamatayan o may nagpapatayan na sa tabi ko ay hindi ko nararamdaman ang kabahan. Kahit noong bata ako na madalas ay suki ako ng kidnapping dahil sa pamilya ko ay hindi ko pa nararamdaman ang ganito. Kaya bakit ganito na lamang ang epekto niya sa akin? Hindi naman ako lalapit sa kanya. Gusto ko lang malaman kung…maayos ba ang kalagayan niya makalipas ang mahabang panahon. “Explain to me again why should I tag along? I have no to business here.” Nakasimangot si S

