Akala ko matapos ang balitang umalis na sila Triana sa rating tinitirhan nila ay matatahimik at titigil na rin ako. Na babalik na ako sa rati kong buhay pero roon ako nagkamali. Doon pa lamang pala magsisimula ang kabaliwan ko sa babaeng iyon. Panay ang pagpapaputok ko ng baril. Lahat ng bala ay tumatama sa target ko. Walang palya…palagi naman. Nang matapos ako ay panay ang papuri sa akin ng mga tauhan namin pero hindi ko sila pinansin. “Ayos, ah! Ramdam ko ang galit. Parang may pinanghuhugutan. Baka mamaya kung sino na namang mabaril mo, ha,” natatawang sambit ni Hati sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagkunwari na lamang na wala siya rito. He’s too talkative and I don’t want to talk to him. Si Silas ay umiinom ng tubig. Halatang kakatapos niya lamang din sa training niya. Sina Gio at

